Chapter 18: Truth behind All the Pretence

237 16 0
                                    

Chapter 18: Truth behind All the Pretence

A/N: You never know how people really thinks of you behind everything that they let you see. (Galing ba talaga sakin yun? Hahaha, I'm suprised of the things I've written. Pang gm lang na quotes ang peg) Malalaman niyo na din kung sino ang traitor this chapter. So tama na ang daldalan. Here's chapter 18.

Erwin’s POV

“K!” sigaw ko habang papasok ng gym. Nakita ko agad siya na walang malay habang may isang babaeng umiiyak. Ano ba talaga ang nangyari ditto?

Bago ko pa man maitanong, inuna ko munang buhatin ang mabibigat na kahoy na nakapatong kay K. Tinulungan na din ako nila Drew, Jerome at Gian.

“K, gising!” sigaw ko habang tintapik ang kanyang pisngi. Pero hindi pa rin siya gumigising. Tumakbo naman agad papunta samin ang mga babae nang makarating sila. Hindi na ako mapakali. “ANO BA TALAGA ANG NANGYARI DITO?!” sigaw sa mga babaeng humingi ng tulong kanina.

“TAMA NA IYAN!” Zy. “Tinatakot mo sila oh! Huwag mo muna problemahin kung anong nangyari, mas mabuti pang dalhin na natin si Krystal sa ospital,” natauhan ako sa sinabi niya kaya agad na naming isinugod si K sa ospital. Sinama na rin naming ang mga 3rd year para malaman naming kung ano talaga ang nangyari.

***

Halos isang oras na kaming naghihintay ditto pero wala pa ring doctor na lumalabas. Sana okay ka lang, Krystal.

“Natawagan mo na ba sila tita?” tanong ni Zy.

“Natawagan ko na. Parating na raw sila.” Jane.

Napansin ko lang na hindi masyadong kumikibo itong si Drew. Parang hindi mapakali. Ano kaya ang problema nun? Baka nag-alala lang din siya kay K, tulad ko. Pero ang seryoso kase ng mukha niya. Parang natatae. HAHAHAHAHAHA!

Pasensya na, kung parang bipolar ako. Hindi kase ako sanay ng ganito kay ina-aliw ko na lang ang sarili ko. Nag-aalala lang talaga ako sa best friend ko. Kahit bago ko pa lang siya nagging best friend, I really do care for her.

“What happened? Is she okay?!” tita.

Nakarating nap ala si tita. Di ko lang namalayan. Bigla naming tumabi si Zy sakin habang nag-uusap pa si tita at si Jane. Kasama rin nila yung mga nakakaalam kung ano talaga ang nangyari.

“Parang mas nag-aalala ka pa kay sa kay tita ah.” Zy.

“Hindi naman. Best friend ko yun eh.”

“Best friend lang ba talaga? Hindi ka naman ganyan sa iba ah. Alam mo nag-iba ka na talaga. Parang nung summer ko na lang last nakita na may kasama kang iba’t-ibang babae. Nasaan na ba yung kilalang playboy at flirt na Erwin? Ngayon ko nga lang nakita na nakikipag-asaran ka sa isang babae. Childhood friend mo ako kaya alam na alam ko ang ugali mo. Lakas naman ng tama ni Krystal sa’yo no? Bumait ka eh. HAHAHAHA! At huwag ka ng mag-deny. Alamin mo na kung ano talaga ang nararamdaman mo. Sige ka, baka mawala sayo si K.” Napaisip ako dun ah.

Opposites Attract [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon