Chapter 1: Home Sweet Home

905 22 0
                                    

Edited. [December 30, 2015]
-

Chapter 1: Home Sweet Home

-


"K, wake up!" I groaned.

Ayoko pang bumangon. I checked the time at six pa lang.

"Kuya! It's still early." I complained.

"Wake up, sleepy head. Nandito na tayo."

He shook me again and again.

"Oo na!"

Ang kulit talaga nitong kuya Tristan ko. I finally opened my eyes. I looked around, wala pala ako sa kwarto ko.

I forgot, nasa private plane pala kami ngayon and I guess we're already in the Philippines.

Finally, I'm home.

It's been two years...

Hehe. Di na magdudugo ang utak ko kaka-english.

Bumangon na ako at nag inat muna bago naglakad palabas. Kinuha na ng mga katulong ang aking mga gamit kaya cellphone at ang purse ko na lang ang dala ko.

Paglabas ko ng plane, naghihintay na pala si mama, kuya Tristan at kuya John sakin. If you're asking where's my dad, nasa US. Naiwan siya do'n to take care of our business there.

"Bumangon na rin si bunso" bungad ni kuya John.

"Hehehe. Nakalimutan ko kasi na nasa plane pala ako." sabay kamot ng ulo ko.

Yun tinawanan na naman nila ako. Kaasar talaga 'tong mga kuya ko. Pinagkakaisahan na naman ako.

"Tama na yan. The car is here." sabi ni mama.

Pinasok na ng mga katulong ang mga gamit namin sa na unang kotse at kami naman sa pangalawa.

Ganon talaga kami, may nauna na sasakyan ng mga body guards at katulong at meron din sa likod namin. Parang presidente lang ang peg.

Hindi naman talaga kasi ako sanay sa mga ganito.

Kung nagtataka kayo kung bakit hindi ako sanay, dahil iyon sa lifestyle namin.

Mayaman nga kami pero ang gusto nila papa ay mamuhay pa rin kami ng simple, parang normal lang na tao.

Gusto ko nga rin iyon dahil all I want is to have a simple and peaceful life especially sa school.

Pinaka-ayaw ko talaga sa lahat ang maging center of attraction. Gusto ko ngang mag-aral sa isang school na hindi kilala ang family at ang company namin pero I guess kahit pumunta na ako ng ibang bansa, kilala pa rin ako.

=_=

Hay! Buhay! Napaka complicated talaga ng buhay!

-

Sa wakas, nandito na kami sa bahay. Dumiretso na agad ako sa kwarto ko. Namiss ko 'to no!

Halos, isang oras din kami sa biyahe kanina. Nakakapagod din pala ang umupo.

Dalawang taon ko rin naiwan 'tong kwarto ko.

Sa bagay, kailangan kasi namin mag-migrate that time dahil nagka problema yung company namin sa US.

Ayaw naman kami iwan ni mama kay dinala na rin niya kami para ipagpatuloy ang pag-aaral namin doon.

Fourth year high school na pala ako ngayong pasukan. Bagong school na naman. Nakakatamad naman mag adjust tsaka college na rin sila kuya, wala akong makakasama.

Sure naman ako na sa iba't ibang school na naman sila mag e-enroll. Di ko maintindihan ang trip ng dalawang iyon.

Naramdaman kong nag vibrate ang phone ko at nakita kong tumatawag pala ang best friend kong si Jane.

"HELLO SIS! KAMUSTA NA?" Excited na sabi ko.

"SIS! OKAY LANG! NASA PINAS KANA?"

"OO, KAKARATING KO LANG SA BAHAY!"

Parang baliw lang kami, no?

Kung magsigawan sa phone, baliw-baliwan lang kung mag-usap.

Masaya lang kasi kami dahil matagal-tagal na rin kami hindi nagkita at naging busy din siya these past few weeks.

"SAKTO LANG PALA. MALAPIT NA 'KO SA INYO"

"OK, SIGE SIS. DUMIRETSO KA NA LANG SA LOOB HA!"

"SIGE, BYEEEE SIS. SEE YOU!"

"BYE, SEE YOU!"

-

Bumaba na ako sa kwarto at nagpunta sa kitchen. Nakita kong nagluluto si mama at ang mga kuya ko naman ay naghihintay sa may dining table.

"Ma, anong niluluto mo?"

"Menudo, paborito mo." sabay smile sakin.

"Wow, thank you Ma! Nagugutom na tuloy ako."

"Haha! Ikaw talaga. Tumabi ka muna sa mga kuya mo sa may dining table."

"Okay Ma, papunta pala dito si Jane."

"Okay--- ding dong-- baka siya na yun nag do-door bell."

Pumunta na ako sa front door at pinagbuksan na pala ni Aling Trining si Jane.

"SIS!" bati niya at nagyakapan na kami. Miss ko na talaga 'tong best friend ko.

"Sis, kain muna tayo. Nagluto si mama ng menudo."

"Wow, ang sarap niyan!"

Pumunta na kami sa may dining table.

"Hi Kuya Tristan! Hi Kuya John!" bati niya sa mga kapatid ko.

"Uyy, Jane. Napadalaw ka pala." Sabi ni kuya Tristan. Naging close na rin kasi sila.

"Kamusta na?" bati naman ni kuya John.

"Eto, maganda pa rin." Pabirong sabi ni Jane.

Inihanda na ng mga maids ang table para makakain na. Excited na akong kumain! Paborito ko kaya ang menudo. Hohoho! Parang Santa Clause lang makatawa.

"Kain na tayo!" sabi ni mama

Ta's nagsimula na kaming kumain at bigla na lang kami tumahimik. Ganun talaga kapag masarap ang pagkain. Walang time para makipag-usap. Magka-away muna kami. HAHAHA!

Pagkatapos naming kumain, unang nagsalita si Jane.

"Tita, saan po pala mag-aaral si K?" K pala ang nickname ko. Tamad kasi nilang tawagin ako ng Krystal =_= Two syllables lang kaya yun.

"Di ko pa rin nga alam eh. May malapit ba ditong private school?" tanong ni mama

"Oo, tita ang Clair University, in short CU po. Diyan din po ako nag-aaral" kaya pala.

"Sige, gusto mo ba dun ka rin mag-aral, Kaye? Iche-check ko muna kung maganda ba talaga ang school na yan."

"Ok Ma!" Okay naman sakin basta kasama ko ang best friend ko. Mas madali rin ako makaka adjust kapag kasama ko siya. Sana maging maganda ang last school year ko bilang high school.

-

Edited Chapter. Changed back Kaye to K. Kase tinamad na akong palitan and sanay na rin kayong K lang ang spelling. Di na matchy matchy kay E. Haha! Kbye.

Krystal on the side.


Opposites Attract [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon