Chapter 40: You Passed!

214 13 0
                                    


HAPPY 5K READS! THANK YOU SA LAHAT NG NAGBASA, NAGVOTE AT NAG-ADD NG STORY KO SA READING LIST NILA!

Chapter 40: You Passed!

Erwin's POV

Kumatok muna ako bago pumasok. Hindi ko na hinintay pang sumagot ang Lolo ni K. Baka hindi ako papasukin. He-he.

Tawa na kayo.

Gulped. Kinakabahan talaga ako. Naglakad na ako, parang hindi lang niya namalayan na nasa harap na niya ako. Busy sa siya sa kakabasa ng mga papel.

"Mr. Villanueva, naparito ka?" napalunok na naman ako, napansin niya pala ako. He-he.

"I don't mean to be disrespectful, sir pero sa tingin ko dapat niyo muna pinakinggan ang side namin before making a move. Yes, I am in a relationship with your granddaughter. Legal naman kami sa parents niya. Sorry po kung hindi pa ako nagpapakilala sa inyo n pormal. Ako po si Erwin Villanueva, boyfriend ng apo niyo. Bago niyo ako husgahan, sana hayaan mo akong patunayan sa iyo na karapat dapat ako para kay Krystal at para patunayan sa inyo na totoo ang pagmamahalan namin." Dire-diretso kong sinabi habang seryoso lang nakikinig ang Lolo ni K.

Napalunok na naman ako. Hindi kase siya nagsasalita. Wala mang ka react-reaction. Ang haba kaya ng sinabi ko.

Baka nag-iisip pa siya kung ano ang ipapagawa niya sakin o di kaya nagplaplano na siya kung paano ako pahirapan? Tangina, ano ba tong pinag-iisip ko? Tinatakot ba naman ang sarili.

"HAHAHAHAHAHAHAHA!" nabaling naman ang atensyon ko nang marinig ko ang malakas na halakhak niya.

Ay pakshet! Ano ba to, ilang mura na ba ang ang nasasabi ko? Pasensya na po!

"B-bakit po? May nasabi ba akong nakakatawa." utal-utal kong tanong.

"Alam mo, gusto na kitang bata ka haha. Napatawa mo ako! At sa totoo lang, bilib ako sa sinabi mo. Hindi mo na kelangang patunayan ang pagmamahal mo sa apo ko dahil sa ginawa mo napatunayan mo na. Hindi lahat ng tao kayang sabihan ako ng ganun. Marami sa kanila, natatakot sakin. Kaya ang ibig sabihin nito, YOU PASSED! CONGRATULATIONS MR. VILLANUEVA!"

H-ha?!

Anong YOU PASSED ang pinagsasabi niya?

Pinaglalaruan ba nila ako.

"Yey! Sabi ko naman sayo, papa, magugustuhan Welcome to the family son-in-law!" biglang sumulpot si tita Kristine at binati ako.

Teka nga! Naguguluhan ako!

"H-ha?"

Ngumiti lang si tita Kristine.

"Tara na sa baba, pinalabas na si K." napangiti naman ako.

Success!

Pero seryoso, parang nasesense kong pakana na naman 'to ni tita lahat.

"T-tita, anong ibig sabihin nito? Palabas lang ang lahat?" naguguluhang tanong ko pa rin. Hindi pa kase ako sure.

"Hmm. Sa tingin mo?" sabay kindat niya sakin. "Basta ang importante, nakapasa ka kay Papa. He was just testing you the whole time. Sorry dahil na damay ka pa sa kalokohan namin. Sa father-in-law ko yata ako nagmana. Haha!" Tama nga ako. Everything was just a test. "Pero shh ka lang tungkol dito ah. Kami lang ni Papa ang may-alam nito. Now, that makes the three of us. Baka pagalitan pa ako ng mga anak ko." sabi niya bago tumakbo sabay sigaw ng 'LET'S PARTY!' Talaga naman, walang kupas ang kakulitan ni tita.

Pagbaba ko ng hagdan, nakita ko na silang lahat.

May party nga.

Ang daming pagkain.

Opposites Attract [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon