Chapter 9: Stuck at the Gym's Storage Room

384 16 2
                                    

A/N: Sorry for the long wait! Kasi I prioritized my other story, this pass few weeks. At sabi ko nga, nawala yung usb ko kaya ang lahat ng drafts dun ay wala na -_-. Babawi na lang ako :) So here's chapter 9.

Chapter 9: Stuck at the Gym's Storage Room

Krystal's POV

“Uy... Krystal!”

“Ano na naman ba?”

“Na lock tayo.”

“ANO?!” Wait! Totoo ba 'to? Baka naman pinagtritripan lang ako ng lalakeng 'to. "Huwag ka ngang magbiro ng ganyan!"

"Seryoso nga! Tignan mo kung mabubuksan mo ba yung pinto. -_-"

Kaya ayun lumapit ako sa kanya at tama nga siya, Na lock kami dito. Anubayan?!

"Eh, anong gagawin natin ngayon?"

"May dala ka bang cellphone?" Oo nga no? Matawagan nga ang barkada.

"Erwin..."

"Ano? Nacontact mo na sila?"

"Walang signal eh." Ang malas ko naman ngayong araw na'to. "Try mo kaya sa cellphone mo."

"Nasa locker ko. Ba't ba walang signal dito?! Kaninis naman." Umupo siya sa may pinto baka sakali daw may dadaan.

Umupo na lang din ako sa tabi niya. What can I do? Trap na kami dito. Patay ako kay mama ngayon. Lalo na sa mga kuya ko.

Nagmumuni-muni lang ako ng biglang...

*Stomach Growling*

(A: Sorry di ko po kasi alam ano yung tunog hahaha. Pasensya na. Hayaan niyo na lang)

Kakahiya naman.

Aasarin na naman akong matakaw ng lalakeng 'to.

"HAHAHAHAHAHA!" Tignan niyo. Tinawanan na ako -_-. "May Sweet Chili ako oh." sabi niya habang inaabot yung pagkain. Saan kaya niya nakuha ang napakaraming Sweet Chili na yan.

"Hindi naman 'to nakakabusog eh!"

"Eh huwag kang kumain. Sakin na lang lahat 'to." Walang'ya binawi pa.

"Uy, naibigay mo na eh! Wala ng bawian!"

"Kakain din pala eh. Dami pang arte."

Opposites Attract [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon