Chapter 28: Foundation Day

211 12 1
                                    

Dedication:  ImaKrySoo, thanks for adding my story to your reading list!

Chapter 28: Foundation Day

Krystal's POV

"Princess, dali na naghihintay na ang boyfriend mo sa labas!" Mama.

Agad naman akong napatakbo sa cr para maligo. Teka nga, ano nga yung sinabi ni mama kanina? Boyfriend ko? A-alam na niya?!  >////////////

Hindi pa nga nag pr-process sa utak ko ang fact na boyfriend ko na si Erwin. Di pa nga kami nakaka 24 hours. Grabe naman ka-updated si mama.

Dali-dali akong naligo at nagbihis. Pagbaba ko ng kitchen, nakita ko si Erwin dun. Welcome na welcome siya kay mama pero sa dalawa ko namang kapatid...

Parang papatayin na nila si E sa tingin.

Nang nakita niya ako, I just gave him a sweet smile. Para mawala ang tension.

"O, nandiyan ka na pala. Kain na. Baka malate pa kayo ni Erwin."

Tama ang naririnig niyo, sinusundo na ako ni E starting today. Nakakahiya nga eh. Di naman niya kailangan gawin yun.

Take note, siya pa ang nag dr-drive sa kotse niya. May license na eh. Di ko nga alam pano.

"Tayo na." Erwin.

"Tara."

Sabay kaming lumabas ng bahay at naglakad papunta sa kotse niya. Bago ko pa mabuksan yung pinto, pinagbuksan na niya ako.

I have to admit, kinikilig ako. Ahihi.

I may not be that expressive and I may be new to all of this pero babae din naman ako.

I never expected to see more to what I saw in him when I first met him. Sabi ko pa nga, sana hindi ko na siya makita pero tignan naman natin ngayon.

We just rode in silence. Hindi naman yung tipong awkward, yung komportable lang. Na kahit wala kaming sinasabi, okay na. Parang presence lang naming dalawa, okay na.

Di ko namalayan na nandito na pala kami school.

Unti-unting nagsisimula naman ang mga malalakas na bulungan ng mga tao nang pinagbuksan na naman ako ni E ng pinto. Sabay kaming naglakad papasok ng building.

"Uyy! Nandito na ang bagong campus couple!"

"Bagay talaga sila!"

"Bakit di natin sila gawan ng name?"

Opposites Attract [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon