Chapter 24: Teasing, Dancing & Accidental Kissing?

283 13 0
                                    

ANNOUNCEMENT: I am currently planning to change the title of this story. I want to think of something better and catchy. Please do give your suggestions, it is really much appreciated. Thanks! Sige, basahin niyo na ang chapter 24.

Chapter 24: Teasing, Dancing & Accidental Kissing?

Zyriel's POV

Nagkaayos na ba ang dalawang yun? Ang tagal naman nila mag-usap. Baka lalabas yung astig na split persona ni K at booom! talo lahat. Ay sorry... ganito lang kase ako pag hindi ako mapakali. Ang layo sa usual kong attitude di ba?

"Ano na kaya ang nangyari dun?" Jane.

"Baka nagkarambulan na yung dalawa hahaha! Astig pa naman ng split persona ni K." Drew.

"Magseryoso ka nga, Drew!"

"Sorry naman! Pinapagaan ko lang naman ang usapan. Ang te-tense niyo naman kase. Wala ba kayong tiwala kay K."

"Tama naman si Drew. Alam kong hindi lalabas ang split persona ni K. Siya na mismo ang nagsabi sakin." Erwin.


"Tama na nga iyan. Huwag kayong masyadong nega! Nakakahawa kayo, mga sis!"
Loko talaga 'tong si Jerome.

"Sira!" Jane.

"Tatawa na ba ako?" Gian -__-

Kahit kailan talaga 'tong si Gian. Wagas kung mambara. Hindi na nga masyadong magsalita. Wala tayong magagawa eh, ganun talaga siya.

"Tumahimik na nga kayo. Parating na sila oh." Pahabol pa ni Gian.

Ito na siguro ang pinakahabang lumabas sa bibig niya ngayong araw na'to. Sige na nga, pagbigyan na natin. Sabay naman silang pumasok sa loob. Ang seryoso ng mga mukha. Kinakabahan ako...

"Uhh.. So ano na?"

Nagkatinginan lang ang dalawa at biglang humagalpak sa tawa. Pinagtritripan lang pala kami ng dalawang 'to. -_________-

"So ibig sabihin ni'to, okay na kayo?" Jane.

"Oo!" sabay sagot ng dalawa.

"Pinakaba mo kami dun ah." Jerome.

"Isa lang ang ibig sabihin niyan kumain na tayo at magcelebrate!" Drew.

"Hahaha! Ikaw talaga, Drew! Hindi pa nga naluto yung dinner eh!" Krystal.

"Akala ko gutom ka na rin K! Hahahaha!" Erwin

Opposites Attract [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon