Chapter 17: Traitor and A Test of Friendship II

263 12 2
                                    

Chapter 17: Traitor and A Test of Friendship II

3rd Person's POV

Nagsimula na silang magdecorate kaya nagkahiwalay ang magbabarkada.

"Ate Krystal!" tawag ng isang 3rd year kay Krystal.

"May problema ba?" tanong naman ni Krystal sa babae.

"Kailangan ka daw dun sa gym."

"Ganun ba. Sige, susunod na lang ako dun." tumakbo naman ang babae pagkatapos nun. "Kailangan daw ako dun sa gym. Kaya niyo na naman dito, di ba?" bilin ni Krystal sa kanyang grupo.

Pagkatapos niyang magpaalam sa kanyang mga kagrupo, dumiretso na agad siya sa gym. Pero nagtataka naman siya dahil wala naman masyadong tao dun. Baka naman dahil wala masyadong tao dito kaya nila kailangan ng tulong. Yun na lang ang kanyang naisip.

Nakita naman niya yung babaeng tumawag sa kanya kanina kaya linapitan niya ito. "Ah, ate nandito na pala kayo. Kailangan po kase namin ng tulong sa paglagay ng mga decorations dun sa taas pero di naman kami marunong umakyat. Narinig ko po kase na malapit niyo ng matapos ang ginagawa niyo sa assigned place at di lang yun, narinig din namin na athletic din pala kayo, ate. Kaya napagdesisyunan namin na humingi ng tulong sa inyo." dahil naman matulungin naman talaga si Krystal, pumayag naman siya.

"Eto oh," sabay bigay ng babae ng hagdan. Nagsimula ng umakyat si Krystal habang hinahawakan naman ng babae ang dulo para hindi matumba. "Para sa'n pala ang mga kahoy na yan?" tanong ng babae sabay turo ng malalaking kahoy sa kanilang harapan. "Sa tingin ko para sa gagawing booths yan."

Habang busy naman ang dalawa , hindi namalayan ni Krystal na kanina pa pala siya sinusundan at minamatyagan ng isang lalake.

*Ring*Ring*Ring*

Napalingun naman ang dalawa sa pagring ng isang cellphone. Nagkatinginan naman silang dalawa at ang tatlo pang babae na kasama nila sa gym. Pero hindi naman sa kanila galing ang phone na yun.

"Ate, ano yun?!" nanginginig na tanong ng babae. "Uy, huwag kang gumalaw! Mahuhulog ako!" natatarantang sabi naman ni Krystal.

Sa likod naman ng malalaking kahoy nagtatago ang lalakeng inatasan para sundan si Krystal. "Wrong timing naman mam oh!" bulong niya bago sinagot yung tawag ng boss niya. Kinwento naman ng lalake ang lahat ng nakita niya hanggang sa kasalukuyan.

"Mam, gagawin ko na po?" tanong ng lalake.

"Sige, gawin mo na. Pero siguraduin mong hindi ka papalpak."

Madaling tinulak ng lalake ang malalaking kahoy na nagdulot sa pagkatumba nito. At dahil busy naman si Krystal, hindi niya namalayan na natutumba na pala ang mga kahoy patungo sa kanila. Malapit na sila matabunan ng kahoy nung namalayan niya ito kaya dali-dali siyang tumalon at tinulak ang babae.

Opposites Attract [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon