002

2.6K 63 8
                                    

Mavie Gale POV

Pumunta ako sa harap ng gate may dalawang naka bantay na kawal sa magkabilang gilid nito maraming nakalinya, parang may check point ata, mall ba toh? Chos

Sumali ako sa mga lumilinya para maka pasok swerte ako ngayon diba pagpinapasok ako, inayos ko ang damit at nagready ng sasabihin ko kunwari nalang ano tinanong pangalan ko syempre diko sasabihin totoo kong pangalan

"Anong ipinunta mo rito binibini?" Kung ngumiti si manong kala mo naulol, putanginang mukha yan

"Adventurer ako" medyo nawala yung ngiti na gulat ata or natakot?

"Ah hahaha isa karin pala sa mga heroes sige pasok ka, 'pasalamat toh maganda toh kung hindi nako, diko na pinapasok toh" gago toh, kala talaga diko naririnig sapakin ko kaya toh noh nanggigil ako

"May sinasabi ka?" Makita kolang toh sa susunod tamo babasagin ko pagmumukha nito

"Wala hoh, wala, pasok kana"

"Tss"

"Ohh ikaw ano yang mga dala mo?!" Naging pangit na dragon nasya ulit, kanina naman kasi kung ngumiti parang baliw na aso in short ulol, normal na siguro dito ang mga ulol

"Ohh bili kana maganda ang mga tela ko rito!"
"Bagong kuha lamang ang mga prutas na ito kaya masarap kainin bili kana!"
"Ginoo! Binibini!, bili na kayo ng mga potion bagong gawa lamang ang mga ito!"

Parang nasa RPG Games lang ako, I mean look at this place lahat ng meron sila nage-exist rin sa iba't ibang klase ng laro sa RPG, para talaga akong nasa laro pero kung laro toh aba ika-career kuna diba para lang akong nasa anime world why not magenjoy, may Adventure's Guild rin kaya rito?

Ohh baka naman hindi Guild kundi Alliance ang meron dito sa lugar nato matanong konga, teka diba nagugutom ako? Parang natakam ata ako ulit simula nung pumasok ako rito sa sobrang pagkamangha ko nakalimutan kong wala pa pala akong kain, hindi ata ako mamamatay sa saksak mamamatay ako sa gutom piste, pano ba bibili rito ehh parang iba naman atang pera ang ginagamit nila, teka gold coins bayan?!

Makikichismis muna ako baka totoong gold nga toh pwede kuna ibenta sa mundo ko pagnakauwi nako,magiging mayaman pako mwehehe ಥ⌣ಥ

"Ahh excuse me paumanhin pero totoong gold coins bayan?" Curious lang ako promise curious lang talaga

"Oo naman ineng tsaka ito ang ginagamit namin pambayad, bakit?ngayon kalang ba nakakita ng gintong barya?" Talaga? Barya lang sakanila yan? Niloloko bako nito? Baka naman scammer toh

"Ay oho ngayon lang hoh ako nakakita nyan ehh tsaka kararating kolang rito"

"Saang kaharian kaba galing ineng? Kaya ginto ang gamit namin ay dahil ang kahariang Far Land ang nangungunang pinaka mayaman sa apat na kaharian" haba ng explanation nagtanong lang naman ako kung totoo ba yung gold, pwede namang oo at hindi lang ang isagot, oo demanding ako, batas ako bakit may angal?!

"Sige alis na hoh ako salamat" lalayasan kuna si ate baka magkwento bigla mapahaba pa usapan baka sya lang maging sanhi ng pagkamatay ko dahil sa gutom, gold pala talaga yung pera dito san naman ako kukuha ng gold fungit na buhay toh oo, sinasampal talaga ako ng katotohanan na binuhay lang ako ulit para ipamukha sakin na poorita ako hayop nayan, shutacca bakla pag nakita lang talaga kita tamo kung anong gagawin ko sayo

Anyway san bako magsisimula? Ang pangit naman kasi kung manlilimos ako noh tapos ganto outfit ko pangmayaman, hayop nayan bakit ba ang hirap maghanap buhay rito shuta, makikichismis nalang muna ako baka may marinig akong kaaya aya rito diba

"Ilan nakuha mong item dun sa mga leotigers?"
"Limang gold coins tapos isang gold bar"
"Ang kunti lang pero ok na kasi ikaw lang naman magisa nakatira sa bahay mo" Bingo!!!, jackpot agad thank you sa miracle bro!!!

THE REBORN OF THE ERIS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon