036

645 30 0
                                    

ZAKE POV

Nahatid kuna si Era and kakauwi kolang, as usual grabe yung kakasunod ng tingin sakin ng mga tao sa school kala ko naman first time makakita ng babaeng nakabihis panlalaki

Magbibihis na sana ako nang makarinig ako ng tunog nang tatakbuhang kabayo, naging aktibo ang mata ko at naramdaman kong umilaw ito

Nagpapahiwatig na nag-activate ang kakayahan kong makakita sa malayo, mula sa bintana ay nakita ko ang mga kawal galing sa palasyo kasama ang tagapagsalita ng hari

Ano nanamang ginagawa nila rito? Tss

Bumba ako ulit at lumabas ng bahay, kailangan kopang pumunta sa gate dahil hindi naman sila makakapasok kung hindi pahihintulutan diba nga naglagay ako ng barrier sa buong paligid ng bahay kaya wala talagang makakapasok kahit sino

Seryoso kong sinalubong ng tingin ang tagapagsalita pagkalabas ko ng gate, may kasama itong limang kawal na sa tingin ko ay nasa mababang ranggo lang naman

Mukhang importante ang sasabihin dahil kung hindi to importante hindi ang tagapagsalita ng hari ang pupunta rito mismo sa bahay, its either letter ang ipapahatid o kawal

"Anong ginagawa nyo rito?"

"Nandito ako upang iulat na pinapatawag ka ng hari sa palasyo"

"Bakit?"

"Ang hari lang ang makakasagot sa iyong katanungan" napataas ang isa kong kilay pero tumango ako at pumasok ulit sa bahay para mag-paalam kay Yuan na aalis ako saglit para kitain ang hari

Nakita ko sa sala si Yuan na busy magpadede sa nagiisang babae niyang anak, medyo awkward yung nakikita ko pero diko nalang pinansin yun at sinabi sakanya na aalis ako

"Ikaw muna rito Yuan, pupunta ako ng palasyo at pinapatawag ako, magiingat kayo rito" hinalikan kosya sa noo pati narin ang tatlong bata, ngitian kosya bago umalis at sumakay sa kabayo

Mabilis kong pinatakbo ang kabayo wala pang ilang isang oras narating kuna ang palasyo, agad kong binigay ang tali ng kabayo sa isang kawal na mukhang inaasahan na ang pagdating ko

Pumasok ako at hindi alintana ang mga tao sa paligid ko, nasa ball room ang lahat at mukhang malaki ang problema dahil nandito lahat ang mga nakatataas at mga nobles, pati narin ang empress at emperor ay nandirito rin

Pumwesto ako sa hindi ako masyadong makikita ayukong pagtinginan rito, nakakahiya

"The King has arrived!" Malakas na sabi ng announcer

Naglakad ang hari sa trono niya at taas noong hinarap kaming lahat, sa tingin ko ay hindi lang ordinaryong problema toh, hindi maganda ang pakiramdam ko rito

"Ipinatawag ko katong lahat upang ipaalam ang nangyayaring pagdukot sa mga babae mapa matanda man o bata ay wala silang pinapalampas, hindi ko alam kung paano sila nakapasok rito sa aking kaharian ngunit ginagawan kuna ng paraan paano ito malulutasan"

May nag taas ng kamay kaya sumenyas ang hari na magsalita siya kaya napatingin sakanya lahat

"Kung ginagawan na ninyo ito ng paraan kamahalan, bakit pa kami napatawag rito"

"Dahil walang pinipili ang mandurukot ng babae, lalo na at halos ang lahat ng nawawala ay galing sa mayayamang pamilya na may malalakas na kapangyarihan, hindi lang ito simpleng pandurukot lamang sapagkat alam kong may pinaplano sila at isa na duon ang sakupin ang buong Far Land"

"Sa ngayon ay kailangan nyo maging alerto lalo na kung kasama ninyo ang inyong mga anak na babae o asawa, huwag tayong makampante lamang kahit pa tayo ay may mga gwardyang nakabantay, nalusutan na nila ang mga gwardya na aking inatasan sa pagbabantay sa pangunahing tarangkahan"

Naisip ko bigla si Era na nasa eskwelahan ngayon, hindi ko ata kakayanin kaoag nadamay ang anak ko sa gulo

Nag-usap usap pa sila tungkol sa balita ng hari, ako naman ay nananahimik lang rito sa likod at iniisip kung saan ko sisimulan ang paghahanap sa mga hinayupak nayun

Bakit sila mangunguha ng babae? Para saan? Nakakabwesit naman toh

Umalis nako sa ball room at pumunta sa eskwelahan ni Era, simula bukas ay ipapabantay kuna sya kay Klaus ayukong mawalan ng anak ikakamatay ko yun hindi ko kakayanin mawala na lahat wag lang pamilya ko

Magkakamatayan kami kung sino man ang magtatangkang dukutin ang anak ko, makikita nila

Nakita kong nagkakagulo sa gate kaya agad kong pinatakbo ng mabilis ang kabayo upang makaabot kaagad dun

Bumaba ako sa kabayo at mabilisang naglakad at nakisiksik sa mga estudyanteng nagkakagulo, pagkadating ko sa harap halos mawalan ako ng dugo dahil sa nakita ko

Si Era.....ang anak ko duguan

Sobrang bilis ng pangyayare hindi na napapansin kung anong ginagawa ko basta ang nasa isip kolang ay mailigtas ko ang anak ko, hindi pwede...hindi pwede mawala ang anak ko

Agad kong pinatakbo papuntang pagamutan ang anak ko, hindi alintana ang mga taong nagrereklamo sa mabilis kong pagpapatakbo ng kabayo dahil muntik na silang mabunggo nito pero wala akong pakealam, buhay ng anak ko ang nakasalalay rito

Papatayin ko kung sino man ang may gawa nito sa anak, hahanapin ko sila mga hayop sila, wala silang karapatan saktan ang anak ko kahit insekto ay diko pinapadapo sa anak ko pero anlakas nv loob nilang saksakin ang anak ko ng ganun ganun lang

Walang cellphone rito sa mundo nila kaya hindi ko maipapaalam kay Yuan ang mga nangyayari pero makakapagpadala ako ng sulat gamit ang hangin

Pagkarating namin sa pagamutan ay agad  inasikaso ang anak ko at inilagay sa isang kama, tinignan siya ng magaling na healer at sinuri ang kalagayan niya bago ginamot gamit ang healing magic pagkatapos ay lumapit sakin

"Sa ngayon ay maayos na ang kalagayan niya dahil sa malalim ang natamo niya mukhang matatagalan ito sa paggaling lalo na at bata pa, ngunit gagawin namin ang lahat upang maging maayos ang anak mo"

"Maraming salamat" tumalikod ako sakanya at tinignan ang damit ko na napunong dugo ni Era

Uuwi na muna ako ng bahay para makakuha ng gamit at makapag bihis narin ako dahil natutuyo na yung dugo sa bandang tiyan ko

NANG makauwi ay nagulat si Yuan sa itsura ko dahil sa puno ako ng dugo ni Era

"A-anong nangyare?"

"Si Era" naiiyak ako pero kailangan kong magpakatatag dahil kailangan ako ng anak ko ngayon

"Anong nangyari sakanya Zake?" Naiiyak syang tumingin sa mga mata ko

"Nasaksak si Era, hahanapin ko ang may gawa nito Yuan hindi ko palalampasin ang ginawa nila sa anak ko, WALA SILANG KARAPATAN!!!" Sa lakas ng sigaw ko ay sabay ng pagyanig ng lupa na diko alam saan nanggaling

"Kumalma ka muna Zake, may mga bata rito" ginawa ko ang sinabi ni Yuan at napahinga ng malalim, ayukong madamay sila sa galit ko

"Maiiwan na muna kayo rito Yuan, hindi muna kayo lalabas ng bahay dahil may mga masamang nangyayare sa labas, pababalikin ko sila Klaus upang bantayan kayo, aatasan ko si Damon na bantayan si Era para magkaroon ako ng araw na mahanap ang mga hayop na sumaksak sa anak ko"

Mali sila ng kinalaban, sulitin nila ang mga araw na buhay pa sila dahil sa oras na mahanap ko sila, hindi na sila kailanman sisikatan ng araw, isinusumpa ko silang lahat!

THE REBORN OF THE ERIS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon