012

1.1K 36 2
                                    

Mavie/Zake POV

"Ajara bakit nga pala kayo bumisita rito sa Far Land?" Tumingin naman sya sakin bago sumagot

"Sabi kasi ng hari na pwede kaming bumisita rito kasi festival naman"

"Ahh oo nga noh hehe, nga pala ilang taon kana?"

"19 nako" tinignan ko naman si Franz, hinihintay kosyang sumagot, nakita kopang siniko sya ni Ajara parang di ata nakikinig itong isa subo lang kasi sya ng subo nasarapan ata sa niluto ko

"Ahh ano hehe 20 nako" tumango tango naman

"Nasan mga magulang nyo?"

"Nasa Great Land, ikaw ilang taon kana?"

Ngayon lang may nagtanong sakin na ilang taon nako, ano ba isasagot ko? Sa earth kasi 22 nako, sabihin ko nalang 23 ako since 1 year nako rito

"23 nako"

"Nasan magulang mo?" Aba binabalik ng batang toh yung tanong ko sakanila kanina

"Wala na, bat mo natanong?"

"Ikaw lang kasi dito sa napaka laki mong bahay, pano ka nakabili ng ganto kalaking bahay?"

"Ahh simple lang naman Adventurer ako, at malalaking Quest ang kinukuha ko kagaya ng pumatay ng isang higante malaki ang pera na ibinibigay sakin kapag na kompleto ko, well wala pa namang quest na hindi ko natapos"

"Wow, ganun ka kagaling?"

"Hindi naman" tinignan ko sila ng seryoso para malaman nilang di ako joker, well minsan oo

"Anong gamit mong sandata?"

"Isang S class na espada at tatlong S class na dagger, may isa pakong espada yung SSS Class diko lang ginagamit kasi hindi naman mahirap hanapin ang kahinaan ng papatayin ko"

"Woah, pwedeng patingin naman ng espada mo"

"Hindi pwede, may buhay yung mga espada ko gusto nyo mamatay?" Kahit hindi naman buhay espada ko basta ayuko lang ipakita bat ba

"Wow ang astig naman may buhay espada mo" tumango tango naman ako bilang pag sang ayon

"Ohh sige na magsi akyat na kayo dahil anong oras na, diba may lakad kayo bukas"

Tumayo na ang dalawa at pumaitaas na, ako naman isinarado ko muna ang mga bintana at mga pinto, pumalakpak ng dalawang beses kaya nag-off na ang ilaw dito sa first floor

Pumunta nako sa itaas para mag half bath, ang bilis talaga ng oras kasi gabi na sabagay antagal kong nagising kanina

Pagkatapos maghalf bath pinatuyo ko muna ang buhok ko bago sumampa sa kama at nagbasa ng libro, nagbabasa ako tungkol sa mga bagong skills na pwede kong magamit in the future para narin sa kapangyarihan na hawak ko



It's early in the morning when I wake up around 5 am, maghahunt ako ngayon kasi boring at wala akong maisip na gawin na kasi akong maglaba tapos maglinis ng bahay tapos narin

Nagluto ako ng umagahan since tulog pa ang dalawa nilutuan ko nalang rin sila

Habang kumakain ay nagbabasa ako ng libro ito naman ay about sa kung paano mo makocontrol ang kapangyarihan mo at kung paano gumawa ng mga sandata gamit lamang ang mga kapangyarihan

Pagkatapos kong kumain kinuha kuna ang espada ko at inilagay sa likod, I put my mask on before going outside, naka ponytail din ang buhok ko ayuko ng sagabal mamaya

Pumunta muna ako ng Guild House para kumuha ng bagong quest

Habang papunta ako sa guild house nang may biglang sumalubong sakin na lalaki na may hawak hawak na bag kaya ang ending natumba ako, nagpatuloy sa pagtakbo yung lalaki kaya tumayo ako at hinabol yun, nakakainis kasi

THE REBORN OF THE ERIS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon