043

592 17 0
                                    

Third's POV

"NASAAN SI CELESTINE!!!?" Umalingawngaw ang sigaw nito buong throne room dahil biglaang pagkawala ng anak nito

"Patawrin nyo kami your majesty, at hindi namin nagawa ng maayos ang naatasang trabaho saaming mga kawal"

"Buti at alam nyo!, Halughigin ang buong palasyo at kung wala kayong maihaharap saakin ay ako mismo ang papatay sainyo, magsilayas kayo sa harapan ko mga lapastangan!!!"

'Kailangan ay agad nilang mahanap si celestine kung hindi ay mamamatay ako sa kamay ng diyos ng mga diyablo, hindi ako makakapayag!' sabi ng hari sa kanyang isipan

Mahahalata mo ang kaba nito sa kanyang sapagkat siya ay may isang na lamang upang tuparin ang kanilang kasunduan ng Demon Lord na siyang nakatakdang pakasalan ni Celestine ang kanyang anak na itinakas ni Zakeios Vladimir

Sa kabilang dako naman ay masayang ipinagdiwang ni Zake ang tagumpay na pagligtas kay Celestine sa kamay ng Hari ng Ravana

Kasama ang itinuri niyang pamilya, ipinagdiwang rin nito ang matagumpay na pamumuhay nila sa Far Land

GORN's POV

Lapastangan siya kung sino man siya para dukutin ang nag-iisang pag-asa ko upang makamit ang kapangyarihang matagal kunang inaasam

Mapapasakin na sana ang lahat kung hindi lang nawala ang walang kwentang babae nayun, kung may nagawa lang siyang tama ay baka sumaya pako na binuhay kosya

"BRANDO!!!, Ihanda ang hukbo at tayo'y susugod sa Far Land!" Kailangan kong kumilos agad dahil kung hindi ay mamamatay ako sa kamay ng demonyong yun

"Sabay sabay tayong mamatay at hindi ko hahayaang may matira sainyo WAHAHAHAHAHA"

Tumayo ako sa aking trono upang maghanda sa magiging pagsugod namin sa Far Land


ZAKE's POV

Habang sine-celebrate namin ang pagdating ni Celestine at ang pamilyang nabuo namin ay biglang tumunog ang plawta

Palatandaang may paparating na mga kalaban

"Anong nangyayari?"
"Hindi paba halata, may kalaban"
"Nagsisimula nanaman kayong dalawa"
"Manahimik kayo at maghanda, hindi natin alam kung ano paparating"

Tinignan ko sila at mukhang seryoso na dahil sa sinabi ni Greg, tama siya at kailangan naming maghanda dahil hindi namin alam at baka isang malalakas na nilalang ang naglakas ng loob para sumugod rito

"Yuan at Celestine maiiwan kayo rito kasama ang mga bata, Reign at Greg kayo ang aatasan kong protektahan sila, magtago kayo sa training ground kung sakali mang makapasok rito ang kalaban, bumaba na kayo Reign huwag kayong mag-alala at kompleto ang mga gamit sa baba" Tinignan ko naman ang naiwan rito sa sala nang makaalis na sila Reign

"Sasamahan nyokong labanan sila, hindi lang tayo ang lalaban at kasama natin ang guild pati narin ang kawal hari, biglaan man ito pero kakayanin at kaya natin silang talunin, lakasan ninyo ang inyong loob at wag panghinaan, sama sama nating tatapusin toh"

Isa lang ang kilala kong susugod rito at iyon si Gorn Ravana, ang ama ni Celestine

At dahil sa ginawa ko ay mukhang taning na ang buhay niya, inalagay niya ang kaluluwa ng anak niya sa Demon Lord kapalit ng kapangyarihan pero may kapalit yun

Kapag hindi tumupad sa usapan si Gorn ay mismong kaluluwa niya ang kukunin, in short siya ang mamamatay

Nagpakit nako ng damit at sinuot ang pandigmang lagi kong ginagamit, itinali korin ang buhok ko into messy bun at iniwan ang medyo may kahabaan kong bangs

Inilagay ko sa bewang ang espada na dating ginamit ng Goddess of War

Lumabas nako at naabutan ko silang nakaayos at handa nang makipaglaban, sinenyasan ko sila para umalis na pero napatigil rin sa paglalakad ng biglang nangitim ang langit at lumakas ang hangin

Kasabay ng hangin ay ang pagdaloy ng malakas na inerhiya na nanggagaling sa isang malakas na tao o nilalang, ngayon lang ako kinilabutan sa lakas ng inerhiya na inilabas nito

Mukhang isang madugong laban ang kakaharin ng Far Land at hindi basta bastang laban lang dahil saamin nakasalalay ang buhay ng mga taong naninirahan rito lalo na ang mga pmilya namin

Sumakay nako sa kabayo at ganun rin sila, mabilis ko itong pinatakbo papunta sa entrance ng Far Land

Pagdating namin run ay agad naming nakita ang lahat ng Guild Members pati narin ang Guild Leader ay nandito rin kasama ang mga kawal ng kaharian ng Far Land, nandito rin ang Holy Knights na mula sa Templo ng mga diyos ng mundong ito

Bumaba at pinatakbo ang kabayo pabalik sa bahay, hindi ko alam at hindi ko maintindihan ang nararamdamn ko ngayon kinakabahan ako at natatakot sa mga mangyayari

"General!!, May paparating na mga halimaw!!!"

Umakyat ako sa tower para makita kung malayo paba ang sinasabi ng kawal na mga halimaw, nang makarating sa taas ay agad kong nakita ang hindi maibilang na halimaw sa sobrang dami nila

"Masasabi kong hindi basta basta ang bilang nila at puro malalakas ang mga halimaw nayan" napatingin naman sakin ang General na mas naging problemado dahil sa sinabi ko

"May maganda kabang stratihiya upang matalo ang mga halimaw?"

Tinignan ko ulit ang mga naglalakihang halimaw na nasa malayo pa, hindi susugod ang mga yan kung nag-utos o gumagamit ng sing sing, kailangan kong mapatay ang may hawak ng nun, kayang kaya kontrolin ng sing sing ang isip at galaw ng mga halimaw malakas man o mahina ay gumagana iyon

Ginamit ko ang kapangyarihan na makakita sa malayo at hinanap ang may hawak nun, malayo pa sila kaya may oras pa ako para mahanap lapastangang kumukontrol sa mga halimaw

Pinalabas ko si Zeke at ikinagulat naman yun mga taong nandirito dahil ito ang unang beses nilang makakita ng taong may familiar, sabi sabi kasi nila rito ay tanging mga diyos lamang ang kayang makapag palabas ng isang familiar katulad ni Zeke

"General, kailangan kong mahanap ang may hawak ng Ebä'vuè, ang sing sing na kayang kontrolin ang isip at galaw ng mga halimaw, bigyan nyoko ng bente menutos para mahanap yun at kapag na nahanap kuna ay bumalik na kayo rito

Huwag kayong mag-alala at tutulungan kayo ng alaga kong si Zeke, twenty minutes lang ang hinihingi ko para matapos na ang lahat ng toh"

Tumango naman si General at seryosong hinarap ang mga nasa baba

"Makinig kayong lahat!, Kailangan nating bigyan ng bente menutos para mahanap ang may hawak ng Ebä'vuè, tama kayo ng narinig mandirigma, sa tulong ng isang Wyvern ay hindi tayo mahihirapang labanan sila, SAMA SAMA NATING IPAGLABAN ANG ATING KAHARIAN AT MAMAMAYAN!!!"

Sa pagsigaw ni General ay siya ring pag sigaw ng mga nasa baba, mukhang handa silang isakripisyo ang buhay nila para sa kaligtasan ng mga mahal nila sa buhay

"SUGOOOD!!!!!" Nangibabaw ang sigaw at takbo nila sa buong paligid, alam ko na sa mga oras nato ay maraming mawawala hindi lang isa magsasakiripisyo kundi kaming lahat ay handang ialay ang mga buhay namin ma protektahan lang ang kaharian at ang mga buhay ng mga taong naninirahan ng payapa rito sa Far Land


A/N: Cringe ba?


THE REBORN OF THE ERIS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon