044

614 19 0
                                    

THIRD PERSON's POV

Sa mundong tinatapakan natin ngayon, hindi natin alam kung kailan at saan darating ang panganib, hindi natin alam kung handa ba tayong magsakripisyo hindi lang para sa bayan kundi para rin sa mga mahal natin sa buhay

Some says that Life is short, and it becomes shorter when you choose the wrong decision, may choices tayo para piliin ang tamang daan pero minsan ay kailangan nating piliing dumaan sa maling daan para magsakripisyo at mabigyan ng magandang kinabukasan ang mga taong saatin naka salalay

In every choices there is consiquences, merong kapalit na hindi muna maaaring maibalik 

"SUGOOOD!!!"

Ipinokus ni Zake ang kanyang atensyon sa paghahanap sa may hawak ng sing sing, at sa pwesto niya ay nakikita nito ang lahat ng nangyayari

Hindi alam ni Zake ang nararamdaman at masakit na pinagmamasdan ang mga taong nagsasakiripisyo upang ipaglaban ang bayan at ang nasasakupan ng Far Land

Lumipas ang ilang minuto ay napansin ni Zake ang taong nasa kalangitan at suot ang sing sing na kumikinang at kanina pa niya hinahanap

Isa itong naga-anyong tao na may dalawang mahahabang sungay at agaw pansin naman ang itim na pak-pak nitong walang balahibo ngunit ay malaki at mahaba

Dahan dahang pinalutang ni Zakeios ang kanyang katawan patungo sa kalangitan at handang iniharap ang kanyang sarili sa isang malakas na diyablo na may malakas na inilalabas na inerhiya

"Ikaw, ikaw pala ang may pakana nito"
Sambit ni Zakeios at galit na tinignan ang diyablo

"Mahusay ka at ako ay iyong nahanap, at mukhang ikaw ay may itinatagong lakas"

"Wala akong pakealam sa sinasabi mo, itigil muna toh"

"Pag-paumanhin mo ako at ako ay inutusan lamang ng kataas taasan ang Hari ng mga halimaw, at wala karing karapatan upang utusan ako"

"Bakit niyo ba ginagawa toh?"

ZAKE's POV

"Bakit niyo ba ginagawa toh?" Ano ba ang gusto nila at bakit nila dinadamay ang mga inosenteng tao na naninirahan rito

"Hindi tumupad sa usapad ang huwad na si Gorn Ravana, at kapalit nito ay ang buhay niya ang nasasakupan niya kasama sa kasunduan nila ng kataas kataasan ang pagkuha ng Far Land"

"Anong karapatan ng demonyong yun para angkinin ang Far Land, hindi siya ang totoong diyos"

"Walang makakapigil sa makapangyarihang kataas kataasan"

"Kung hindi ko kayo mapakiusapan ay mapipilitan akong labanan kayo, idaan nalang natin sa dahas tutal jan naman kayo magaling diba!!?"

"Hindi naman siguro masama kung lalabanan kita at mas matutuwa pa saakin ang hari kung napatay kita"

Alam kong malakas siya pero susubukan kong labanan siya, kung malakas ako ay times two naman ang lakas ng kaharap ko ngayon

Hindi lang sya basta bastang tauhan ng hari nila, at mukhang nasa mataas na ranggo siya base itsura nitong naka formal attire pa

May hawak itong isang baby dragon at hinihimas niya pa sa ulo na mukhang tulog pa

Hinanda ko ang lakas ko at naunang sumugod sakanya puro malalakas na suntok at sipa ang binibigay ko sakanya pero nagagawa niya paring ilagan kaya dinoble kopa ang bilis ko

Hindi makapaniwalang umatras ako dahil muntik na akong matamaan ng sipa niya, alam kong malaks yun at isang sipa lang ay madi-dislocate ang mga buto ko sa tagiliran, tinignan kosya ng masama at saglit na tumingin sa baba at duon nakita ko ang pa unti unting pagkaubos ng mga adventurers

THE REBORN OF THE ERIS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon