006

1.3K 50 5
                                    

Mavie Gale/Zake POV

Dalawang araw na ang lumipas simula nung pagtitipon ng lahat sa fountain kung saan ginanap ang pagwewelcome sa mga royalties, at yung kahihiyan na nangyari sakin hanggang ngayon diko parin alam kung sino ang tumulak sakin 

At nang dahil lang dun mas lalong maraming nakakilala sakin at mas lalong maraming babae ang humahabol sakin, tangina yung tingin tuloy sakin ng mga nakakatanda samin napaka chix  girl ko raw, lalaki rin naman ang gusto ko pero.........ewan ko parang nabawasan na ang pagka attractive ko sa lalaki when I saw her

I'm a little bit confused about myself, but anyway kailangan kong pumunta sa Black Forest para magipon ng pera para sa gaganaping event

Duel Event, ibig sabihin ay maglalaban laban ang apat na kaharian at limang gold bars ang kailangan para maka sali at lumaban, obviously sasali ako dahil narin sa malaki ang price hehe, Every Kingdom needs 5 warriors/heroes so technically may ilalaban rin ang tatlong kaharian  na tig lilimang warriors/heroes

Pwede rin sumali ang mga adventurer's kung saan sila galing or saang kaharian sila tumatanggap ng mga request yun ang kahariang ipaglalaban nila, example nalang ako adventurer rin ako pero dito sa Far Land, kaya lalaban ako para sa Far Land at para narin sa price syempre <( ̄︶ ̄)>

I have plenty of gold coins but I don't have gold bars, pinang bili kuna lahat para sa gamit ko sa bahay, medyo may kalakihan kasi ang bahay na nabili ko since yun nalang rin ang available, para sa iisang tao na nakatira dun para lang akong nakatira sa isang mansyon, may anim na kwarto yun at yung isa ay nagamit kuna

Minsan kapag may co-adventurer ako na walang matutulogan, sa bahay ko sila pinapatuloy syempre may bayad limang gold coins hehe, ano sila sineswerte hmp!

Lalagpasan kuna sana ang isang eskinita ng makarining ako ng malakas na sigaw ng isang babae, ako lang ang dumadaan rito kaya wala akong choice kundi puntahan ang babae, dali dali akong pumunta ng walang ingay at maingat akong nagtago sa isang basurahan

"Bitawan nyoko!!!"

"Wag kanang mag matigas Prinsesa, sandali lang naman ito" tumawa ang lalaki na parang demonyo, well mukha talaga syang demonyo pangit ehh

"Aahhhh wag!!!, kapag nalaman ng ama ko ang ginagawa nyo sakin hahatulan kayo ng kamatayan!!!" So Prinsesa nga ang gusto nilang gahasain, ano naman kasing ginagawa ng Prinsesa dito sa labas tapos sa gantong oras pa

Malapit na kasing gumabi at ngayon ko naisipan maghunting dahil mas maraming dongmul sa gabi kaysa sa umaga

Pinunit ng lalaki ang suot nitong gown, kaya nakita agad ang maputing nitong legs at mahahalata mo talagang inaalagaan nito ng maayos ang kutis, e-ehem self babae ka ipasok mo sa kokote mo yan (ー_ー゛), lumabas ako sa pinagtataguan ko at inilabas ang dagger ko 

"Itigil nyo yan mga gunggung, pakawalan nyo ang binibini I mean princess" Napatingin sakin ang Prinsesa at ang tatlong lalaki na hinaharas ang Prinsesa

"At sino ka naman binibini? HAHAHA gusto morin bang sumaya?" Medyo nagulat ako dahil nalaman agad nyang babae ako kahit nakasuot ako ng panlalaki, Dinilaan nito ang labi nyang parang sinuntok ng bato anlaki naman kasi tss

"Yuck kadiri, sino bang papatol sa pangit na katulad nyo tss" Ginawa kong panlalaki ang boses ko para hindi nila malaman na babae ako, Halatang hindi taga rito ang mga gungung nato dahil hindi nila ako kilala, tsaka hindi pang Far Land ang style ng damit nila

"Gusto kita HAHAHA hindi madaling makuha, kahit naka panlalaki kang suot alam kong babae ka binibini, tres hawakan mosya" mukhang hindi madaling utuoin ang lalaking toh, Lumapit sakin ang isa nyang tauhan at hahawakan na sa ako sa braso kaya inunahan ko ito at pinutol ang dalawang daliri kaya sa sobrang pagkabigla hindi sya agad nakapag react

Tinignan ko ito at iwinasiwas ang dagger ko para matanggal ang dugo nitong gunggung sa dagger ko, tinignan ako nito na para akong halimaw at bigla nalang sumigaw ng malakas kala naman buhay nya ang pinutol ko ehh daliri lang naman tss, tatakbo na ito nang bigla kong hinugot ang chain dagger ko at iwinasiwas ito at pinulupot sa paa ng lalaki kaya natumba si tres

"Trying to escape ehh😏" Hinila kosya ng malakas kaya tumama sa pader si tres, nahimatay si tres kaya hinila ko ang chain dagger na nakapulupot sa paa nito at ibilanil sa tagiliran ko

"One down two to go, ohh gulat na gulat? hahaha" Tinignan ako ni pangit na parang mapapatay nyako sa ganyang tingin, ulol

Tinignan ko ang Prinsesa na hindi makapaniwala, ngayon lang ba sya nakakita ng babaeng lumalaban? Or baka hindi talaga sya pala-labas ng palasyo, aba eh malay ko

"Ok kalang ba Your Majesty?" Kailangan maging formal ako beh syempre maganda-este royalty yan oo ganun, tumango sya kaya tinignan ko ulit ang dalawang natirang gunggung

Ginamit ko ang Glitch skill ko kaya napunta ako sa likod ng lalaking may hawak sa princess, agad na pinutol ko ang braso nitong nakahawak sa bewang ng Prinsesa, kaya tnagsitalsikan ang dugo nito sa suot ko pati narin sa sirang gown ng Prinsesa na maputi pa sa kutis ko, bakit naman kasi nagsusuot ng puti tss

Sinipa ko ito kaya tumalsik sa mga basurahan ang lalaki kaya napadaing sya at napahawak sa putol nyang braso, sinunod ko ang lalaking may malaking labi na hugis rectangle, pangit talaga

Sinuntok kosya sa mukha kaya napaatras at napadaing ito, tinignan nya ang kamay nyang may dugo galing sa ilong nito

"Magbabayad ka sa ginawa mo sakin arrghh!!"

"Takot pala mamatay ang kingina tss" Hinagis ko sa ere ang dagger ko at humarap sa Prinsesa at sinalo ang dagger ko na malinis na at wala ng bahid ng dugo, nagpapasikat lang naman hehe malay mo diba may price ako sa pagligtas ko sakanya

"Hi Your Majesty, I'm Zake an adventurer of Far Land" yumuko ako sign ng paggalang sa isang maharlika, tumayo ako ng maayos nang diko marinig ang boses ng Prinsesa kahit manlang pagginga diko marinig, ano manequin lang ang peg?

"A-ahh ok kalang bah Your Majesty?" Umiling ito at muntik na matumba kaya inalalayan kosyang tumayo at tinulungan na makalakad papalabas

May iilang tao akong nakikita sa paligid na nakatingin saamin ng Prinsesa, magtatawag na sana ako ng tulong pero may biglang nagsidatingan na mga gwardya sakay ng isang pegasus, may dumating pang isang karwahe na galing sa himpapawid

May lumabas sa karwahe at isa itong Prinsipe base na koronang suot nito, tinignan nito ang Prinsesa ng seryosong tingin bago ako binalingan at tinignan head to toe, grabe naman makatingin judgemental at mukhang matapobre tss

Sinenyasan nya ang isang gwardya na kunin ang Prinsesa, marahas na kinuha ng gwardya ang Prinsesa kay diko mapigilang magalit tss

"Pwede dahan dahanin mo naman paghila sa Prinsesa, tss napaka careless na gwardya" Tinignan ako ng Prinsesa na parang sinasabi na nagpapasakamat syang iniligtas kosya, nginitian kolang ito at nagwave bago ito nakapasok sa karwahe

Tinignan ko ang Prinsipe na nakatingin parin sakin at sinusuri ako, parang tanga rin ang isang toh makasuri parang ako na ang pinaka mahirap sa mundo, mema nya pasalamat sya diko sya masapak, tinignan kosya ng walang emosyon 

Ibinalik ko sa likod ang dagger ko, since naka panlalaki akong suot baka hindi nya matukoy na babae ako tsaka mataas rin akong tao at isa pa naka bandage ang naglalakihan kong dibdib, sinadya korin yun dahil mabigat sa pakiramdam kapag nakikipaglaban ako

"May mga taong hindi takot sainyo kaya wag kayo pakampante dahil maharlika kayo wala ng pwedeng manakit sainyo, tss"

Umalis nako run at pumunta sa Black Forest para maghunting, madilim na ang kalangitan pero ok lang may night vision skill naman ako, kakainis nasayang talaga ang oras ko dahil lang sa mga royalties nayun tss



_________________________________________

Awit anong ibig sabihin mo sa confused Mavie Gale (⊙_◎)

Chapter 006 Done!!!



THE REBORN OF THE ERIS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon