007

1.2K 52 5
                                    

Mavue Gale/Zake POV

Nandito parin ako sa Black Forest, pero nagpapahinga ako sa ilalim ng malaking puno favorite spot ko, habang pinapanood ang pagsikat ng araw, yep dito ako natulog kagabi, kumakain ako ng tuna sandwich ngayon

Payapa kong ninanamnam ang kinakain ko nang may bigla akong naramdamang tao sa likod ng punong sinasandalan ko, kaya agad kong kinuha ang dagger ko na bagong gawa ni Zashi, ang mga materyales nitong dagger ay puro S-Class lahat kaya malakas ang impact nitong dagger

Inilapag ko ang sandwich at dahan dahang pumunta sa taas ng puno upang duon tignan kung sino ang nasa likod nitong puno, maingay at walang ingay, naging ninja nanaman ako tss....

Isa itong lalaki pero hindi ko makita ang mukha nya dahil nakayuko mukhang natutulog rin yata ito, mahinahon akong bumaba at tinignan ang lalaki ngunit wala nasya ruon teka nasan nayu---

"Who are you?" naramdaman ko ang isang matulis na bagay na nasa leeg ko kaya hindi ko maigalaw ang ulo ko, isang maling galaw kolang tigok na kaagad ako

Mabilis kong binaliktad ang posisyon namin kaya sya naman ang tinutukan ko ng dagger sa leeg habang nakahawak sa buhok nito

"And who are you?" Diniin ko ang dagger sa leeg nya kaya napadaing sya

Patulak kosyang binitawan kaya muntik nasyang masubsub sa lupa, pigilan mong tumawa self pigilan mo

"Pfft, eh-hem anyway who ever you are I don't care basta wag ka dito tumambay sa favorite spot ko, bye see you when I see you" kinuha ko ang sumbrero ko at isinuot

Tinignan kosya bago umalis, bukas na ang Duel Event kaya mamayang tanghali ako pupunta sa palasyo para magbayad ng registration fee, sa ngayon tutulong nalang muna ako kay Zashi gumawa ng espada pagkatapos ay tutulungan ko naman si Mavel magbenta ng mga bulaklak

"Yow Zashi" Tinignan ako ni zashi ng pagtataka, ay hindi nya pala ako makilala kasi naka panlalaki akong suot tapos nakatago pa sa sumbrero ko ang mataas kong buhok na kulay silver white, hindi nya pa kasi ako nakitang nakasuot ng ganto hehe, tinanggal ko ang sumbrero ko kaya bumagsak ang mataas kong buhok na lagpas tuhod na

"Zake? Ikaw nga, shit hindi kita nakilala agad HAHAHAHA" nanlaki ang mata ko nang marinig kosyang nagmura, nakakagulat kasi first time kosyang narinig magmura

"Ayos ahh sakin kaba natuto magmura? HAHAHAHA"

"A-ahh hehe, bat proud na proud kapa?◉‿◉"

"Hindi ahh, nagulat lang (●__●), anyway tutulungan ako sayo tapos bandang alas otso, tutulungan ko naman si Mavel para magbenta ng bulaklak" tumango tango sya at tinignan ang bakal na iniinit pa para matunaw

"Simulan na natin Zake para matulungan muna si Mavel dun"

"Sus, minamadali moko para si Mavel matulungan ko agad nako hah Zashi napaka torpe mo, I mean kayong dalawa torpe tss, magsimula nanga tayo tsk"

Nagsimula na kaming magtrabaho, ako ang nage-entertain sa mga pumapasok at pinapakita ang mga malalakas at maganda ang pagkakagawa na mga espada at kung ano ano pang armas

Si Zashi naman ay ang gumagawa ng mga espada, malaki ang katawan ni Zashi, gwapo at madiskarte magaling sa paggawa ng mga armas ang kaso lang lalaki rin ang gusto nya, lalaki kaya si Mavel

Yan kasi si Mavel hindi naman sa bakla yung galawan nya pero mahahalata mo namang baliko the way ba naman tumingin sa babae, tsaka masyadong possessive si Mavel kay Zashi kaya walang gustong lumapit kay Zashi lalo na pag babae

Ako naman wala lang, namumuhay lang ng tahimik ay hindi pala tahimik kasi halos araw araw akong hinahabol ng mga babae, mas habulin ako ng babae kaysa sa lalaki, baliktad diba imbis lalaki ang maghabol sakin, naging babae tss

THE REBORN OF THE ERIS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon