028

803 35 1
                                    

Zake POV

Diko na alam kung anong gagawin nasa panganib ang anak ko at si yuan hindi ako pwedeng magpadalos dalos sa pag galaw at sugurin ang mga kalaban

Marami nang sumusubok na sirain ang barrier na ginawa ko para saaming tatlo, kami lang talaga ang pakay nila kukunti nalang rin ang nga tao rito sa ball room dahil ang iba nakatakas na

"Aahhh!!!"

"Mommy!"

"Huminahon lang kayo as long as nandito tayo sa loob walang makakahawak sainyo"

Sobrang dami nang nakapalibot saamin napag alaman kong mga Ravana ang sumugod at nagtangkang kunin ang pamilya ko, nakabukas na ang mga ilaw kaya klarong klaro sa mga mata ko kung paano nila sinusubukang gibain ang barrier

Kumukulo ang dugo ko sa mga toh, nasaktuhan pa talagang hindi ko dala ang nga espada ko ni kahit dagger ay wala akong dala masyado akong naging kampante na nasa loob kami ng palasyo

Niyakap ko nalamang si era at yuan isiniksik ko sila sa dibdib ko, ayaw kong makita nila ang mga ganitong pangyayari, ayuko silang ma trauma

Ipinikit ko ang mga mata ko at nananalangin na sana ay nay tumulong saamin rito upang makadaan kami paalis

"Zake!!!"
"Ayos lang kayo?"
"Shit andami nila!!!"
"Wag kanga magreklamo jan para namang anlaki ng tulong ng pagrereklamo mo!"
"Ang ingay nyong dalawa mamaya kayo sakin!"

Napadilat ako sa mga boses na naririnig ko, sila Reigh, thank God at nandito sila panandaliang nagsaya ako sa kadahilanang may tumutulong saamin

"Zake hindi kami makapasok ano batong harang na ginawa mo?"

Hindi nila alam yung barrier?

Tinanggal ko ang barrier, muntik pang masubsub sa sahig si Reigh dahil walang pasabi kong tinaggal yun gusto kong matawa pero mamaya nalang nasa kalagitnaan pa kami ng labanan

"Kakainis ka naman! Tinanggal mo ng walang pasabi!"

"Sorry"

"Anyway tara na, kailangan na nating makaalis rito, saan ba ang pinaka safe na lugar?"

"Sa bahay ko"

"Seryoso? Sa bahay nyo?"

"Pa ulit ulit, oo nga sa bahay KO!"

"Ok ok chill, tara na"

"Aaayyy!!!"

"Sorry miss, mas mabilis tayong makakaalis kung bubuhatin kita"

Nanlalaki ang mata kong nakatingin kay Reigh na buhat buhat si Yuan, putangina pano nya nabuhat ng ganun kadali si yuan eh doble pa ang bigat ni yuan kaysa sakanya

"Mommmyyy let's go napo!!!" Ay nakalimutan ko may anak pa pala ako rito

Binuhat kuna si Zehra at dali daling tumakbo at pumuntay kila Reigh, tinignan ko si yuan na nakatingin rin sakin, napa ngisi naman ako dahil namumula ang mukha nya diko alam kung nahihiya ba or kinikilig sya AHAHAHAHA hindi ito ang time sa pag tawa pero talagang natatawa ako sa itsura nya. So priceless (≧▽≦)

"Wag moko tawanan ate, hmp!"

Tumatawa ako habang papalabas kami ng palasyo nasa likod namin yung tatlo na parang mga baliw pano ba naman kasi kung saan saan nagtatago tapos sisilip kung nay kalaban habang kami nila reigh dere-deretsyo lang ang lakad

Nag mala ninja yung tatlo para tuloy silang mga abnormal ang seryoso pa ng mga mukha

"Mommy bat tumatawa ka mag-isa? Baliw kana din ba?" Lokong batang toh kung diko lang anak toh

"Wala anak hehe"

Napapailing na umiwas ng tingin sakin si era at humiga na lamang sa balikat ko, agad kaming pumasok sa karwahe malaki naman kasi ito kaya kasya kaming lahat

Agad naman pina takbo ang kabayo papunta sa bahay at wala pang ilang minuto nakarating kaagad kami ipina pasok namin ang karwage mahirap na at yun ang pagdiskitahang sirain ng mga kalaban mahal pa naman ang bili ko jan

"Grabe anlaki ng bahay mo zake, kayo lang nakatira rito?" - nick

"Yup, ito ang pinaka safe na lugar para kila yuan at era dahil may barrier ang buong bahay ko at kung sino mang magtatangkang pumasok rito ay mamatay kaagad syempre sa mga may masasamang intensyon lang gagana.....

Napatunayan nyo namang wala kayong intensyon na masama, pumarito na muna kayo dahil nakilala na kayo ng nga kalaban at paniguradong hahabulin rin nila kayo at papatayin, base sa obserbasyon ko hindi madaling sumuko ang nga Ravana"

"May isang kwarto na apat ang kama duon na muna kayo mag stay pansamantala dahil hindi sila titigil hanggat hindi nila nakukuha ang gusto nila"

"Anong kailangan nila sainyo at kayo ang hinahabol?" - Reigh

"Ako. Ako ang kailangan nila upang gamitin at ilaban sa iba pang kaharian"

Nagtataka namang napatingin sakin ang apat, buti nalang at nasa taas na ang dalawa at pinabihis kuna ng komportableng damit hindi dapat nakita at naranasan ni era ang ganung pangyayari pero what do I expect? Nasa ibang mundo ako at alam ko na masyadong napaka delikado lalo pat hindi kopa nalalaman ang buong history ng mundong toh madami pakong hindi alam may mga bagay na hindi nakikita ng ibang taga rito na nakikita ko

"A-anong gagawin natin? Hinahabol narin nila tayo" -leigh
"Hindi tayo pwedeng magtago dito habang buhay"- Greg
"Ayuko pa mamatay huhu!"-Nick
"Arte mo buhay kapa nga eh"- Leigh
"Magtigil kayong dalawa, pag umpugin ko kaya kayong dalawa!"-Reigh

Kahit na nasa panganib na sila nagagawa pa nimang magbiruan, hay nako madadagdagan nako ng responsibilidad, takaw pa naman ako sa gulo

"Sa ngayon magpahinga na muna kayo, magluluto lang ako ng makakain natin"

Madaling araw na at tulog na yung dalawa sa taas, lumaki lalo yung bahay dahil pinadagdagan ko ng isang floor at pinalawak pa ang kada floor simula first floor hanggang third floor

Pina lagyan korin ng pool yung likod ng bahay pagakatapos ay sa harap ng bahay naka pwesto ang garden nasa gitnang parte naman ng daan yung malaking fountain, pina lagyan ko yun ng nga glowing fish kaya sobrang ganda ng harap ng bahay ko kapag gabi

Hindi naman nauso yung pool rito pero nagpalagay ako nung una di ako gets ng nga manggagawa pero kalaunan rin sinunod nila yung nga sinasabi ko, napa drawing pa tuloy ako ng walang sa oras

Sa ilalim ng bahay ko ay may underground malaki yun at half nun ay isang dungeon, trip kolang palagyan just in case lang naman na nay gusto akong ikulong ruon, plano kuna rin magdagdag ng katulong since nalalapit na ang panganganak ni yuan

Bukas na bukas pupunta kaagad ako ng palasyo upang mamili ng magiging knight ni yuan at era, mas maigi na yung ako ang mamili dahil baka traydor ang ibigay sakin mahirap na

Totoong ako nga talaga ang habol nila dahil naririnig ko pasimple nilang pagsira sa barrier pero ni isa sakanila ay walang nagtagumpay, salamat sa nga mata ko at nakikita ko ng malapitan ang mga ginagawa nila mula rito sa bintana ng kusina, nasa madilim silang parte pero kitang kita ko ang nga galaw nila

Nakita ko kung paano naging abo yung isa, tanga ba naman tinanggal nya yung gloves nya at mismong kamay ang hinawak sa barrier edi naging abo agad

Kaya kong gumawa ng klase klaseng barrier at hindi madling sirain dahil kailangan ng malakas na kapangyarihan upang masira ito, at sa itsura palang ng mga Ravana alam kong gagawin nila lahat makuha lang ako


_________________________________________

Pasensya na sobrang tagal ko mag update this days




THE REBORN OF THE ERIS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon