010

1.1K 46 0
                                    

Mavie Gale/Zake POV

First battle was so easy, masyadong confident ang gunggung na matalo ako,I wonder kung malakas ang makakalaban namin mamaya

"Zake" nakapikit ako kaya diko alam kung sino tumawag sakin

"Mmm" dinilat ko ang mga mata ko at tinignan ang nasa harap ko, it's Leigh, maayos nasya at nakakagalaw na ng maayos hindi parehas kanina parang mamamatay na, hindi narin sya maputla

"Kailangan?" tinignan kosya ng bored inaantok kasi ako

"Gusto kolang magpasalamat sa pagtulong sakin kanina"

"Mmm welcome" tumango pako bago pumikit ulit

Narinig ko namang umalis sya at nakipag usap sa mga kasama namin rito, ako lang talaga yung tahimik sa labas naman ang ingay ingay ko pero dito ewan ko bat antahimik ko rito halos bilang kuna nga mga sinasabi ko

Tinawag na kami ng emce kasi tapos na yung laban ng dalawang land, at nanalo ang Frozen Land kaya sila ang makakalaban namin

Paglabas namin bumungad agad samin ang sigawan ng mga tao, nakasunod lang ako sa apat na nakangiti, siguro naman walang nakakita sa ginawa ko kanina kay Leigh kung pano kosya gamotin, ayukong maraming makakaalam

Tinignan ko ang mga pambato ng Frozen Land, parehas silang lima ng damit mapa babae or lalaki, kulay blue na may white lining, mahaba ang manggas ng damit nila kaya natatabunan ang buong katawan nila

Mukha naman silang disente kaya wala akong ikakabahala na mandadaya sila, lalo na sa mga kasamahan ko, diko sila kinakausap pero it doesn't mean ay wala akong pake sakanila, hindi ako ganun ka heartless noh madaming nagkakagusto sakin like mga ano basta madami, alam ko walang connect

Madami pang sinabi ang emce bago kami pinapunta sa pwesto namin kagaya kanina, as usual makakalaban ko ulit ay ang leader, well wala namang problema sakin yun

Tinignan kosya mula ulo hanggang paa, mataas ang buhok nya naka ipit ito ang kalahati nito kulay itim iyon na nababagay sa maputi nyang balat, yung katawan nya naman hindi naman sya nagmukhang payat para sakin, pero dahil sa suot nya mukha syang malnourishe sa iba

Nagtitigan kaming dalawa habang hinihintay yung kampana na tumunog, maya maya lang ay tumunog na ito kaya nagsimula nang maglaban ang lahat except dito samin

Nakatayo lang kaming dalawa at nagtitigan, wala atang plano sumugod ewan ko baka takot or may pinaplano, magiisang oras na ata at wala paring gumagalaw samin madami naring magrereklamo bat daw hindi pa kami naglalaban, mga excited amp, diba nila na mas thrill yung ganto

Tinignan ko ulit ang lalaki at wala talaga syang plano na gumalaw kaya wala akong choice kundi ang maunang sumugod nakakapagod kaya tumayo lang masakit sa paa, nararamdaman ko ang tensyon sa pagitan naming dalawa kay napagdesisyonan kong sumugod na

Pinandilatan kosya ng mata bago tumakbo ng parang si flash, pero hindi pako nakakaabot sa pwesto nya may humarang na pader sa harap ko kaya muntik na dun ako mabangga, napahinga naman ako ng maluwag ng makitang tungki lang ng ilong ko ang tumama

Sinuntok ko yung pader na nasa harap ko kaya bumagsak agad iyon, pinagpatuloy kuna ulit ang pagtakbo at handa na sanang patulugin sya pero nahawakan nya ang kamay ko at itinapon ako paitaas

Agad akong naalerto nung sumunod sya sakin sa taas, bumaba ako kaya naiwan sya sa ere, sumunod ako sakanya at sinuntok sya sa mukha kaya umatras sya ng ilang kilometro

Huminga ako ng malalim para kumalma at sinugod ulit sya, sa loob ng isang oras mabilis na suntok at sipa ang ginagawa namin

Umatras ako at hingal na hingal na tinignan sya, marami na syang pasa sakin naman ay bilang lang, tinanggal kuna ang hood ko dahil nabibwesit nako at gusto kuna matapos toh, ngayon lang ako tumagal sa isang laban

Tinignan kosya mata sa mata at ginawa ang bagay na hindi nakikita ng lahat, ang pagkuha ko ng hangin sa katawan nya sakto lang para mawalan sya ng malay at hindi mamatay

Nakita ko naman kung paano sya maghabol sa hininga nya at maya maya lang ay nawalan sya ng malay at mahuhulog na, nagsinghapan ang mga tao sa baba kaya hinabol kosya at hinawakan sa damit at dahan dahang nilapag sa semento

Pinagpag kopa ang kamay ko bago tumayo ng maayos at hinawi ang buhok na humaharang sa mukha ko, sobrang tahimik ng paligid kaya tinignan ko ang mga kasamahan ko na halatang kanina pa natapos ang laban nila kami nalang pala yung naiwan at katatapos lang

Nagkibit balikat lang ako at pinagpagan ang nadumihan kong damit, tumikhim naman ang emce ang i- announce ang mga nanalo at bukas ibibigay yung premyo, kaya makakauwi na kami, salamat naman medyo na challenge ako dun hah

Pinabalik na kami sa parang locker room, pagpasok palang namin dun nagingay na agad sila at binati ang isa't isa ng congratulations, habang ako naman wala tahimik lang at ready ng umalis para umuwi at matulog gutom narin ako ehh

"Zake, gusto mobang sumabay saamin kumain sa labas?"

"Hindi na, inaantok ako sa bahay nako kakain, bye ingat kayo" kumaway pako at ngumiti sakanila bago umalis

sinuot kuna ulit ang hood ko at tuluyan nang lumabas at umuwi, nadaanan kopa sila Zachi at binati ako sa pagkapanalo ko nagpasalamat naman ako bago umalis

Himala at walang humahabol sakin ngayon, mas mabuti nayun at hindi ako tatakbo papauwi, medyo nakakapagod ang araw nato para akong galing sa hunting

paguwi ay nagluto muna ako ng makakain, kakaiba yung mga karne at gulay nila rito pero parehas lang ng lasa pagkain sa earth

Kumain ako ng marami at nagtira ng ulam at kanin para mamayang gabi ay dina ako magluluto

Naligo muna ako bago sumampa sa kama, inisip ko ang mga nangyari simula nung dumating ako rito, alam kong may something rito kaya pinadala ako rito, kagaya ng mga nababasa ko sa wattpad

Hindi ko napansin sa sobrang pagiisip ay nakatulog na pala ako


_________________________________________

Done 010!!!

THE REBORN OF THE ERIS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon