035

699 30 2
                                    

ZAKE POV

Habang nagmumuni muni sa teresa hawak ang isang tasang kape, kitang kita sa pwesto ko ang buong bayan dahil narin sa itong bahay ko ang pinaka malaki sa bayan

Kakaunti nalang ang mga tao sa labas dahil alas nwebe narin ng gabi, tulog na ang mga kasama ko sa bahay at ako nalang talaga ang gising

Nagawa kopang mag kape kahit gabi na, ewan ko nalang kung makakatulog ako kaagad nito ang tapang pa naman ng kape

Matiwasay ako ng naka upo nang makaramdam ako ng presensya sa likod kaya agad akong napalingon

Nakita ko si Reigh na nakatayo sa likod ko at may hawak na tasa kape ata o gatas ang laman nun

"Hindi ka makatulog zake?" Umiling ako sakanya at bumalik sa pag tingin sa labas, sya naman ay umupo sa kabilang side ng teresa

"Ikaw, bat gising kapa?"

"Hindi rin ako makatulog, amm zake..." Hinintay kosyang tapusin ang sasabihin pero nanatili syang tahimik kaya napatingin ako sakanya

"Bakit?"

"Ano kasi may tanong ako, nag...nagkagusto ka naba sa babae?" Hindi ko pinahalatang nagulat ako sa tanong nya at bumaling sa ibang direksyon

"Oo reigh, ikaw ba nagkagusto na?"

"Hindi halata pero oo, may naging nobya narin ako"

Tinignan kosya ulit at saktong nakatingin sya sakin dahil sa pagkagulat nya ay agad syang bumaling ng tingin, na tense ata

Masyadong girly kung titignan si Reigh at hindi mo talaga mahahalata na babae rin ang tipo

"Hindi nga halata sa mukha mo"

"Anong gagawin mo zake kapag may nagka-gusto sayong babae?"

Napaisip naman ako sa sinabi nya, hindi naman masyadong seryoso ang pinag uusapan namin pero nakaka curious naman talaga

"Diko alam reigh, wala pa namang umaamin sakin simula ng tumira ako rito, marami namang naghahabol sakin pero imbis na maging masaya ay natatakot ako sakanila dahil narin siguro sa sobrang nilang agresibo na halos sirain na ang damit ko kakahila mapansin kolang sila"

"Sila? So madami pala talagang nagkakgusto sayo HAHAHA"

"Oo naman noh, kahit ata naka pambahay lang ako ay ang gwapo kopa ding babae"

"Pano kung...." Napatingin ako sakanya dahil sa pagputol nya sa sasabihin

"Ano yun reigh?" Umiling iling sya at ngumiti sakin na parang nadismaya

"Ah wala wala, nakalimutan kuna ang itatanong ko, muuna na pala akong pumasok sayo inaantok na kasi ako"

"Amm, ok"

Nagtataka man ay tumango ako sakanya bago sya naka alis, ang weird nya ngayong gabi hindi naman kasi sya ganun kung makipag usap sya sakin dati, somethings fishy

Hindi kuna tinapos ang kape ko na malapit ng lumamig, masyadong nang malalim ang gabi at kailangan kunang matulog dahil ihahatid kopa bukas si Era

Tuwang tuwa sya nang maibigay ko ang pasalubong ko sakanya, bukas ay ang mga knights at ang apat na baliw naman bibilhan ko


MAAGA akong nagising mga bandang ala sais dahil mag-hahanda pako ng kakainin ng mga kasama ko pati narin ang lunch box ni era

Pag-baba ko ay nakita ko ang mga knights na mukhang galing sa labas at kakatapos lang mag exercise

"Ang aga nyo naman, magsi-ligo na kayo at maghahanda ako ng pagkain"

Tumango at nagpasalamat sila sakin bago nagsipasok sa kanilang kwarto, ako naman ay pumasok sa kusina at nagsimulang mag luto

Dati ay di uso ang kanin at puro ulam ang kinakain namin dahil wala akong mahanap na bigas, nag mala american style tuloy kami

Pero nung nag lakbay ako sa gubat ay may nakita akong taniman na akala mo ay mga ordinaryong halaman lang pero bigas pala ang bunga, kumuha ako ng marami nun na halos umabot ng isang sako buti nalang at may magical bag ako

Nagsaing nako ng kanin at nag simulang mag luto ng ulam, ginawa kong steak ang laman ng isang A rank na baboy ramo na napatay ko nung nakaraang linggo pa

Pagkatapos ay nag balat ako ng prutas na kakaiba ang mga hugis hindi kagaya sa mundo ko dati

Habang naghihiwa ay may biglang maliliit na kamay na humawak sa binti na, ikina gulat ko talaga muntik pakong mapasigaw buti at napigilan ko

Tinignan ko kung sino yun, at anak pala ni Yuan ang nag iisang prinsesa ng mga kuya nya tss, napaka kulit talaga

"Dada!!!" Napataas ang kilay ko sa tawag nya sakin, mukha bakong tatay?

"Dada, dada" tumaas ang dalawang kamay nya at gustong magpakarga at dahil ayaw kong umiyak itong bulinggit ay kinarga ko nalang, magaan naman

"Dada, wayu" sabi nya at nilamutak ang pisngi ko kaya sobrang basa nung inalis nya ang mukha nya, ano bayan kadiri!

"Pinagsasabi mo bulinggit, tingnan mo ginawa mo sakin basa na pisngi ko" ngumiti lang sya sakin at kiniss ako ulit sa pisngi bago nagpababa

Diko alam pano naka baba yan, sa sobrang likot kasi sya ang unang natuto mag-lakad dinaig pa ang nagpa parkor at kung saan saan sumisiksik at umaakyat

Napapailing akong pinunasan ang pisngi bago bumalik sa ginagawa

Pagkatapos kong maghanda ng pagkain ay naglagay nako ng mga plato sa lamesa at tinawag na ang mga kasama ko sa bahay, diko naman na kailangang sumigaw dahil nasa sala silang lahat naka tambay

Nagtalo nanaman si Nick at Leigh habang si reigh ay mapapansin ang pananahimik so greg naman ganun parin tahimik pero nakikisabay minsan sa usapan

Ang mga knights naman ay seryoso ang mga mukha pero hindi naman nakaktakot tingnan, inuna kong inupo ang apat na bata bago ko paghilaan ng upuan si yuan, agad nya naman akong pinasalamatan

Katabi ko si Era sa right side at si Yrine sa left side  kaya't kaliwat kanan ang pagsubo ko sa dalawang bata at halos di nako maka kain sa kaka askiso sakanilang dalawa, yung dalawang bulinggit kasi na lalaki inaasikaso rin ni Yuan na hindi nman malilikot pakainin ito lang talagang si Yrine ang makulit

Ang dungis dungis nya na tuloy, pagkatapos kumain ay nag presenta na si leigh at greg na maghugas ng mga pinag kainan habang maglilinis naman ng bahay si nick at reigh

Sinadya talaga nilang paghiwalayin si Leigh at Nick at baka kasi ay magtalo nanaman

Inasikaso kuna sa pagpapaligo sa apat na bata, tumulong naman sakin si Yuan kaya ok lang, habang ang mga knights naman ay nagsi alisan na dahil may trabaho pa sila na kailangan tapusin

"Mauna kanang maligo Zake at ako na bahala na mag bihis sa kanilang apat" sabi nya habang nakangiti ng malawak sakin

Nagtataka man at hindi nya nako tinatawag na ate pero tumango nalang ako at umalis, pumasok ako sa kwarto at naligo na

Nasuot ako ng pormal na damit upang hindi mapagiwanan pagkarating sa school ni Era, puro naman kasi magagara ang mga suot ng nga nanay at tatay na naghahatid sundo, nakakahiya kung nakapang bahay lang ako

THE REBORN OF THE ERIS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon