029

776 30 0
                                    

Zake POV

Kina umagahan nauna akong nagising sakanilang lahat dahil narin sa madaling araw na kaming nakauwi at nakatulog, medyo masakit ang katawan ko at humahapdi ang nga mata ko

Kulang ako sa tulog, pero kailangan kong pumunta ng palasyo pina-alalahanan kuna ang apat na dito muna sila hanggat hindi humuhupa ang gulo na nangyari at walang lalabas ng gate, at bantayan nilang apat si era at yuan

Naglagay lang ako ng note at inipit sa nakatakip na ulam na kakaluto kolang, lumabas na ako ng gate dala dala ang armas ko na nasa aking tagiliran, marimi naring tao ang naririto at sobrang nakakasilaw yung araw, hindi naman mainit ang araw rito sobrang silaw nga lang masakit sa mata

Pumikit ako saglit dahil humapdi nanaman yung mata ko, matutulog talaga ako mamayang hapon

Sumakay na ako sa kabayo na inarkilahan ko napapagod akong maglakad at talagang tinatamad ako, kulay puti at sobrang lusog nito talagang inaalagaan sila

"Hiyaaahh!!!" .

Pinatakbo ko ito patungo sa palasyo tumatabi naman ang mga taong nadadaanan ko, malaki naman kasi ang daan marami lang talagang tao

"Magandang umaga Zakeios Vladimir, hinihintay kana ng hari sa training area" sabi ng Seneschal, pinaka mataas na position bilang isang servant para lamang silang mga managers kumbaga

Sumunod ako sakanya habang pa ikot ikot yung tingin ko sa palasyo sobrang taas kasi ng ceiling tapos andaming pintuan ano bang ginagawa nila sa mga kwartong toh at nilagyan nila ng maraming kwarto yung palasyo

"Your grace nandito na si Zakeios Vladimir" yumuko kaming dalawa nung seneschal at tumayo rin ng maayos pagkatapos mag bigay galang sa hari

Katabi naman ng hari ang isang Chamberlain ang kasunod na posisyon ng Seneschal bilang isang servant, trabaho ng chamberlain na tingnan ang hari at i-intertain at palaging pasayahin ang kanyang pinaglilingkuran

Napatingin ako sa mga lalaking naka topless na puro pawisan at makikisig ang nga katawan take note lahat sila ma-itsura, seriously? Anong kalokohan toh at ganyan yung itsura nila? Parang nawalan ako ng gana pumili pero anyway kailangan ko talaga ng dalawang knights

Nasa kinse ang kanilang bilang at nakatingin sila samin I mean saakin habang nasa likod yung nga kamay nila, tinignan ko sila isa isa at napansin ko ang isa na tinitignan ako na parang nang-aakit kala siguro umuubra sakin yung nga pa ganyan kung sa ibang babae siguro baka nasa sahig na at nahimatay sa sobrang kilig

"Knight's this is Zakeios Vladimir a girl with a man's outfit and figure"

Napaikot naman ang mata ko sa sinabi ng hari nato, pinapahiwatig nya na tomboy ako, anyway I don't care

"Pipili ako isa sainyo at ang paraan ng pagpili ko sainyo ay kailangan nyokong labanan. Kapag natalo ako isa sainyo sya ang pipiliin ko"

Pina bihis ko muna sila kahit sando manlang dahil naasiwa ako sa mga katawan nila shuta, malakas ang pang amoy ng mga babae kaya kahit sobrang layo ko sakanila may naaamoy akong kababalaghan at sobrang sakit sa ilong sis

"Ito ang patakaran ko, kung sino mang makatanggal nitong espada sa mga kamay ko ay sya ang pipiliin ko at kung ako naman ang nakahulog ng mga espada ninyo ay hindi kayo ang mapipili, as simple as that.........

Let's start with you, labanan nyoko sa dahas ayuko ng mga parang nagkikilos babae in short mga bakla kung gumalaw"

Nagstart na ang laban, kakasabi kolang huwag magkilos babae parang tanga akala siguro nila laro lang ang ginagawa namin tss

"Huwag mong gawing madali ang laban hindi porket babae ako ay hindi kita kayang patumbahin" nginisihan lamang ako nito at parang nangangasar pa kaya naubos ang pasensya ko at dinaplisan sya sa kamay kaya nabitawan nya ang espada nya

Napatingin naman sya sakin at naiinis na umalis sa kanyang pwesto, naka poker face lang ako at tinignan ang sumunod na knight, mas maayos sya sa mukha palang ay masasabi kong woman hater itong lalaking nasa harap ko, good to know

Tumunog ang maliit na bell hudyat na similan na ang laban, nakatayo lamang ako ruon at hinihintay siyang sumugod, pagkuwan bigla syang nawala sa harapan ko

Alam kuna ang tricks nato ginagawa ko kaya toh lagi kapag gusto ko ng madaliang trabaho, nasa likod kolang naman sya, mabilis kosyang hinawakan sa braso at idinamba sa sahig malakas yun kaya halos hindi sya magkanda ugaga kaka himas sa likod at ulo nya hawak nya padin naman ang espada kaya kailangan nya pa akong labanan

"Tumayo ka jan!"

Sumunod sya sa utos ko at parang nagiisip nanaman sya ng strategy upang matalo ako, hindi naman sya tanga na susugod lang kaagad plus points kung sya ang mapipili ko

Maya naya lang ay diko namalayan nya na pala ang leeg ko at kinuha nya ang espada sa kamay ko, diko inaasahan yun hah very good magaling, lumayo sya sakin at iwinasiwas nya ang espada ko at makikiruon ang itim na ilaw na nakasunod sa espada ko habang iwinasiwas ito, pinitik ko ang aking darili at wala pang isang segundo ay nasa kamay kuna ulit ang espada

Talagang hindi mananakaw ang espada ko isang pitik kolang nasa akin na kaagad

Nagulat naman ang mga tao sa ginawa ko pero dzuh anong nakakagulat run, pina iba ko yung pwesto nya since natalo nya ako baka kasi apat or tatlo ang makatalo sakin pipili nalang ako kung sino ang karapat dapat

Nagsunod sunod na at natalo ulit ako ng pang limang kabalyero sumunod ruon ay ang pang pito at pang walo

Ito na ang huling kabalyero na makakalaban ko ang pang labing lima, seryoso ang mukha nya at halatang hindi interesado sa mga bagay bagay na wala namang kabuluhan, poker face lang ang mukha ko habang nakatingin sa mga mata nyang kulay gray na may kakaunting puti

Maganda ang mata nya pero hindi ibigsabihin ay magkakagusto ako sakanya noh anlayo naman, diko rin alam nawalan talaga ako ng interes sa mga lalaki

Naghihintay akong sumugod sya pero ni isa saaming dalawa ay walang naglakas loob na gumalaw kinatatayuan namin, gusto talagang paunahin nakakainis

"Fine, ako ang mauuna" isang segundo lang ay nasa harap nako ng lalaking at mabilis na iwinasiwas ang aking espada na nasasalagan nya naman, wala akong pinalagpas at nas binilisan ang aking galaw minsan ay nadadaplisan sya pero patuloy parin sya sa pagsangga

Walang gusto magpatalo tuloy parin ang laban, hindi naman ako hinihingal sa galaw ko pero napapansin kong tumataas baba na ang mga balikat nya at naririnig korin ang mabilis na pintig ng puso nya

Tumalon ako palayo at ibinaba ang aking espada susugurin nya pa sana ako kaso naawa ako kasi sobrang dami nya nang sugat

"Enough!!!" Napatigil sya sa paglakad papunta saakin at sumali sa mga lalaking nakatalo sakin

"Lima kayong nakatalo sakin at nagbago na ang isip ko, mahal na hari meron akong kahilingan kung kaya't sana ay pahintulutan nyo ako at pumayag kayo sa aking nais"

"Ano iyon Zakeios?" Yumuko ako

"Gusto kong silang lima ang aking kunin, kung iyong pahihintulutan mahal na hari"

Hindi padin ako umaayos ng tayo dahil hinihintay ko ang sagot ng hari na sana ay payagan ako

"Kung iyan ang iyong gusto isa pa't iyan ang iyong gantimpala sa pakikipaglaban sa mga Ravana"

Napaayos ako ng tayo at nagpasalamat sa hari bago pumunta sa harap ng limang lalaki

"Ngayon na nasa pangangalaga kuna kayo sana ay gawin nyo ang tungkulin nyo bilang mga kabalyero madali lang naman ang trabaho nyo at maayos ang inyong tutuluyan kaya wala kayong dapat ipag-alala"

Pinaalis kuna sila upang kunin ang kanilang mga gamit bago kami makauwi ay dadaan muna ako sa Guild House at maglalagay ako ng hiring paper sa Quest Board

"Mahal na hari, ang General ay gusto kayong makita"

"Sabihin mong hintayin nya ako sa salas at duon kami mag-uusap"

Napatingin ako ruon nang marinig ang word na general naalala ko nanaman yung lalaking yun tss

_________________________________________

Pambawi ko sainyo hehe




THE REBORN OF THE ERIS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon