005

1.5K 60 5
                                    

Mavie Gale POV

1 year have passed, at ito nako ngayon buhay padin mwehehehe

Nasanay nako sa mundo nato, sa sobrang sanay ko halos kilala kuna lahat ng tao rito sa bayan, kinakatakutan rin ako ng mga siga rito sa bayan, pano ba naman hindi matatakot beh, kumalat lang naman yung balita na pinatay ko yung bakulaw sa restaurant, kasalanan rin naman kasi ng bakulaw yun bastos nanga ginulo pako na busy sa pagkain

Anyway, busy ang lahat ng tao rito sa bayan dahil pupunta ang mga Prinsesa at Prinsipe galing sa tatlong kaharian, hindi kopa masyadong alam kung pano mamuhay ang tatlong kaharian ang alam kolang ay ang pagkakasunod sunod ng apat na lupain kung sino ang pinaka unang mayamang lupain, obviously ang kahariang Far Land ang nangunguna at sunod sunod na ito

"Uy Mavel kamusta ang pamamalakad mo sa shop?" Meet Mavel mafren, take note lalaki yan, pero both gender ang gusto nyan

"Maayos naman Zake, tsaka nga pala pwede mobang ibigay ito kay Zashi hehe"

"Tsk, alam kuna ang mga tinginan nayan Mavel hay nako akin nanga napaka torpe mo talaga bat dika nalang kasi umamin dinadamay mopa akong hayop ka"

"Grabe ka naman paabot lang ehh" mama mo blue

"Oo na oo na dami mong echos sa buhay bakla ka" Sarap pag untugin nitong si Zashi at Mavel parehas torpe di nalang magaminan ginawa pakong si kupido, panain ko mata nila ehh

Umalis nako sa flower shop ni Mavel at pumunta sa pinaka magaling na blacksmith walang iba kundi si Zashi, Zashi the torpe mana kay Mavel

Zake ang tawag sakin ng lahat rito dahil yun ang pagkakakilanlan sakin ng lahat Zake rin kasi ang sinasabi ko pag may nagtatanong ng pangalan ko

Minsan nakakagulat ang mga babae rito sa bayan, sumusulpot kahit saan at kung ano ano ang ibinibigay sakin kaya halos mapuno na ng gamit yung bahay ko, pano ba naman yung ibang babae rito sa bayan crush ako ehh hindi naman ako lalaki andami daming lalaki rito puro pogi pa tapos sakin sila mahuhulog sorry sila saging hanap ko hindi bulaklak

"Hi zake, para sayo nga pala hihi byeee"

"Kingina di talaga ako tinitigilan ng mga toh, kulang nalang gumawa na ng club, hayop nayan, Zashi!!!"

"Ohh bakit Zake?" Sus maang maangan pa ang isang toh alam naman na nya kung para kanino tong dala kong bulaklak tss, corny nyo

"Ohh pinapabigay ni Mavel, tsk" kuminang naman ang mata nya ng makita ang bulaklak na halatang bagong pitas, fresh kasi ang mga bulaklak ni mavel dahil may sariling taniman ng mga bulaklak si Mavel sa likod ng shop nya

"Amm pwede paabot rin ito kay Mavel?" Kinginang yaAaann~

"Tangina nyo, pag untigin ko kaya kayong dalawa noh mga bwesit kayo ang totorpe nyo dinamay pako sa corny nyong relasyon na wala namang label, pumunta ka magisa dun at uuwi nako baka habulin nanaman ako rito----"

"Zake ko!!!"
"Zakeios!"
"Mahal ko!!"
"Zake mahal!!!"
"ZAAKKKEEE!!!!"

"Shet nandito nanamn sila, MAMA KOOOOO!!!!!!" Wala ng 1 2 3 takbo agad, tumakbo ako kahit may mga nababangga nakong mga tao pero humihingi naman ako ng paumanhin kaya medyo bumabagal ang takbo ko dahil narin sa sobrang daming tao ngayon sa Ichiba

(Ichiba in English is Market)

Lumiko ako sa isang eskinita at duon nagtago, lagpas sa sampo ang humahabol sakin araw araw, kaya ang ending minsan ay hindi nako lumalabas sa bahay, kaya imbis na i-enjoy ang pagtira ko rito naging ganto bigla nakakainis, kaya minsan lang ako maka tapos ng request sa Adventurer's Guild, para lang talaga akong nasa laro pero totoong mundo ang tinatapakan ko

Ang kinaibahan lang ng tao at dongmul, ang mga tao ay hindi naglalaho kapag namamatay habang ang mga dongmul naman ay naglalaho at nagiging treasure box

Pagkapasok ko sa bahay kaagad kong ni lock ang pinto at napasandal nalang sa pinto sa sobrang pagod kakatakbo, Sa susunod na lumabas ako magdidisguise na talaga ako

Pumunta ako sa kwarto at patihayang humiha sa kama, napahinga ako ng malalim nang biglang tumunod ang kampana kaya dali dali akong lumabas pero may nakalimutan akong dalhin kaya bumalik ako sa loob ng kwarto at kumuha ng kapa na may hood sa closet ko, bago lumabas ay isinuot ko ito then ready to go na

Pumunta ako kung saan nagtitipon ang mga tao tuwing may darating or announcement, at sabi konga kanina darating ang mga Prinsesa at Prinsipe sa  tatlong kaharian, hindi naman ako excited na pupunta sila rito curious lang ako sa mga itsura nila, malay mo diba may pogi hihi

"Nanjan na sila"
"Ang gaganda at gagwapo nila"
"Pero mas maganda parin para sakin si Zake" Tangina ako nanaman
"Hindi maipagkakailang kahit na nasa mababa uri lamang sila ng Far Land ngunit mayayaman parin sila"
"Tama ka Marites"

Sabi sainyo kahit dito, nandito rin si marites baka naman pati si karen nandito rin noh, isang chismosa at isang taga gawa ng istorya, saym baybs beh perpek kopol

Tinignan ko ang lalaking nakadamit pang itim na may kunting halong gold ,kala mo galing sa lamay pero gwapo sya di narin masama, tumingin ito sa direksyon ko, hindi naman sa assuming ako pero parang ako talaga ang tinitignan nya, parang ak----

"AAHHHH!!! SHIT!!" Sinong matinong tao ang nanulak sakin dahil papatyin ko ngayon din, kakainis, tumayo ako at pinagpagan ang suot kong kapa kasabay nun ang pagdaan ngedyo kalakasang hangin na nagsahi na matanggal ang hood kaya na expose ang mukha ko

Napatingin ako sa paligid at dun kang namalayan na dito pala ako napunta sa dinadaanan ng mga royalties, napatingin ako sa likod ko at nagulat ako dahil lahat ng royalties nakatingin sakin maging ang mga taga silbi at gwardya nila

Wala pang isang minuto ay tumalikod ako at agad akong tumakbo at tumalon sa bubong dahil paniguradong hindi ako makakadaan sa baba sa sobrang daming tao, tumalon ako sa mga kabahayan bago naka abot sa bahay

Nakita ko sa perevision ko kanina na lahat ng tao sakin nakatingin, dahil narin siguro sa kilala at kinakatakutan ako ng lahat rito sa bayan at dahil narin sa pagkakatulak sakin kaya napadpad ako sa gitna na ikinatigil ng mga royalties, pagtalaga nalaman ko kung sino tumulak sakin talagang kikitilin ko ang buhay, char joke lang

Hingal na hingal kong hinubad ang suot kong kapa na medyo nadumihan na, hinubad ko ang boots ko at inilgay sa lagayan ng sapatos bago pumunta sa kusina at uminom ng tubig since nagugutom narin ako kaya kumain nalang rin ako

Magpapahinga nalang rin siguro ako para bukas makapag hunting ako at marami-rami akong makuhang items at pera










Hindi paman nakikita ang araw gising nako, routine kuna talaga ang magising ng maaga

Naligo muna ako bago kumain at umalis ng bahay, as usual may suot ulit akong kapa pero ibang kulay na same design ngalang, pumunta ako sa Ichiba upang mamili ng mga kakailanganin ko para mamaya lalong lalo na ang healing potion

Nararamdaman kong may matang nakatingin sakin pero hindi ko nalang pinansin at nagpatuloy sa paglalakad patungong black forest, tapos na kasi ako mamili, bumili narin ako ng snack para makapag picnic ako ruon since kahit maraming dongmul dun masarap rin tumambay run sariwa ang hangin at sobrang nakakarelax, maganda ring maligo sa falls malinaw ang tubig at puro ang buhangin masarap sa paa

Tsaka isa pa ang falls nayun ay kayang magpagaling sa isang sugatan at pagkakabali ng parte ng katawan at kung ano ano pang sakit ngunit hindi nito kayang gamutin ang kung ano mang uri ng sakit na katulad na lamang ng cancer or leukemia at kung ano ano pang sakit na hindi nakikita sa labas ng katawan







_________________________________________

Sino gusto maging tour guide si Mavie taas paa!

Chapter 005 Done!!!

THE REBORN OF THE ERIS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon