013

1K 38 1
                                    

Mavie/Zake POV

Kakarating lang namin sa bahay, pinaalis ko naman na agad yung dalawa ayuko ng maraming tanong naiirita ako

Pumunta ako sa kwarto, inilapag ko muna ang baby sa kama habang yung mga bags ay inilagay ko sa mini table ko at at inilabas ang mga laman, kinuha ko yung shampoo at sabon nya bumili rin ang ng sponge hindi yung para pang higas ng plato kundi yung para sa katawan ng baby, bumili narin ako ng mini toothbrush at isang edible toothpaste for baby's only

Inilgay ko iyon sa cr dahil mamaya papaliguan kosya para matanggal yung itim itim nya sa mukha at pati narin ibang dumi sa katawan nya

Bago ako bumaba para pumuntang kusina nilagyan ko muna ng unan yung ulohan,sa dalawang gilid at sa paahan ng baby para kung gumulong man sya hindi sya mahuhulog, tinanggal ko muna yung lampin nya dagil feeling ko naiinita na sya

In on ko muna ang ceiling fan kahoy ang pagkakagawa, bumaba nako dala dala ang dalawang pack ng gatas kumuha ako ng malaking garapon at duon ang inilagay ang gatas at sa ibabaw ng gatas, inilagay ko ang wooden scoop

Bumalik ako sa taas para magbihis, bukas nalang siguro ako maghahunt, kailangan kopang mag hanap ng pwedeng magbantay kay baby

Next ko namang inayos ay yung mga damit nya, hindi masyadong madami ang ibinili ko baka bukas bibili ulit ako, magpapagawa rin ako ng crib kay Zashi bukas, para mabigyan ko ng sariling kwarto si baby na malapit lang saakin

Pumunta ako sa isang kwarto na katapat lang ng kwarto ko para rinig ko agad kung sakaling umiyak man sya, inagay ko sa isang aparador yung mga damit nya, bumalik ako sa kwarto at kinuha ang iba nyang gamit at in-arrange sa aparador yung nga laruan nya naman inilagay ko sa isang malaking box pupunuin ko yun ng mga laruan para just in case na wala ako madami syang laruan at hindi sya mabobored

Sisimulan ko narin bukas magdecorate sa kwarto since alam kunang babae si baby hehe nae-excite ako, kahit wala akong masyadong experience sa pag-aalaga ng bata pero excited akong makita syang lumaki sa pangangalaga ko tuturuan kosya ng mga natutunan ko at ipapasok kosya sa isang mamahaling eskwelahan

Napangiti naman ako sa inisip ko, pumasok ako ng banyo at ni ready ang ipangpapaligo ko kay baby tapos narin akong mag-init ng tubig, inilagay ko iyon sa bathtub, chineck ko kung masyado bang mainit, hindi ko pinuno ang bathtub baka malunod si baby kapag ganuon, naglagay ako ng towel sa bathtub para hindi masakit sa likod ni baby kaoag ipinaupo kosya dun

Paglabas ko ng banyo saktong nakita kosyang gumagapang na at nagb-baby talk hehe ang cute, kinuha kosya at dinala sa banyo tinanggal ko muna ang mga damit nya bago pina upo sa bathtub

Dahan dahan kong binasa ang ulo nya, naglagay kasi ako ng mainit na tubig at malamig na tubig sa isang maliit na balde para duon kumuha ng pangligo at pangbanlaw

Nakikita ko namang nage-enjoy sya sa tubig ngumingiti kasi sya paminsan minsan ay tatawa

Naglagay ako ng kunting shampoo sa kamay bago nilagay sa buhok nya, mamahaling shampoo at sabon ang binili ko kay baby para fresh at mabango sya lagi

Sinabunan ko naman sya pagkatapos, kinuha ko yung sponge para ilugod sa katawan nya at matanggal yung mga itim tim, kinuskus korin yung down there nya syempre yung walang sabon mahirap na at ma-infection

Binanlawan kuna sya kasi bawal syang magtagal sa tubig masyadong expose yung likod nya

Kumuha ako ng bagong lampin tsaka ko ipinunas sa katawan nya bago binihisan nilagyan kopa sya ng pang baby na pabango tsaka lotion

Kaninang sobrang dungis ngayon sobrang linis nya na, ang ganda ganda ni baby tsaka ambango bango hehe

Medyo puyat ako ngayon, dahil sa dis oras ng gabi nagising si baby at umiyak nanghihingi ng gatas, tapos antagal pang bumalik sa pagtulog, medyo ang hapdi ng mata ko

Karga ko ngayon si baby at pinapakain kosya ng smash potato, nasa harap ko naman si Ajara at Franz kagabi ko sinabi sakanila na may inuwi akong bata, nilaro laro pa nila kagabi bago nakatulog si baby

Pagkatapos kong kumain pupunta ako ng dungeon para itanong yung pangalan ni baby, ok lang naman daw sa dalawa na sakanila ko muna iwan si baby kaya pumayag nako wala rin namang ibang magbabantay dahil alam kong hindi rin marunong si Zashi at Mavel mag-alaga

Tumayo na ako at ibinigay si baby kay Ajara na tuwang tuwa naman, humalik muna ako sa matambok na pisngi ni baby nakita kopang napangiti si baby, nakakahawa talaga yung ngiti nya ang may malalalim rin kasi syang dimple nakakadagdag sa kakyutan nya

Lumabas nako ng bahay at dumiretsyo agad sa dungeon, nagtanong ako sa guard yung humila sa lalaki kahapon

"Pwede magtanong? Ako yung nakahuli sa lalaki kahapon yung nagnakaw ng bag sa prinsesa, gusto ko sana syang makausap tungkol sa anak nya, baka pwedeng--"

"Kung hinahanap mo yung si Renand, wala na pinatawan sya ng kamatayan ng hari kahapon dahil sa kalapastangan na ginawa nya sa prinsesa"

Nabigla naman ako sa sinabi ng gwardya, matagal na nagproseso sa utak ko ang sinabi nya, napa atras ako at tumalikod sa gwardya bago tahimik na umiyak, ito ang pinaka unang umiyak ako sa mundong toh

Hindi manlang nakita ni baby ang tatay nya sa huling sandali

Sumisinghot akong nagpunas ng luha, Ngayong wala na si Renand mahuhulog sakin ang responsibilidad  kay baby, poprotektahan kosya kagaya ng pagprotekta ng tatay nya sakanya

Ang drama ko ata ngayon, hindi konga iniyakan yung ex kong niloko ako pero dahil lang sa namatayan si baby naiyak ako, well nakakaiyak naman talaga

Napagdesisyonan kong pumunta kay Zashi at magpagawa ng crib, babalikan ko nalang bukas

Pagdating ko agad kong sinabi kay Zashi ang ipapagawa ko at bukas kuna kukunin, sumangayon naman sya kaya umalis nako dahil andami kopang bibilhin

Pumasok ako sa isang shop na puro pang baby lang ang ibinibenta, tumingin ako sa mga damit pang babae at may nakakuha ng atensyon ko, isa iyong dress na white na may mga makikinang na bids, sa baba na part nun ay may mga res roses

Kinuha ko yun and I decided na bilhin, kumuha nako ng mga pangtulog, pangalis, at pangbahay, bumili rin ako ng mga sapatos at slippers na sa tingin ko ay kakasya sakanya

Bumili narin ako ng mga hair clips, mga ipit, pagkatapos kong magbayad pumunta ako sa kabilang shop, at bumili ng mga pang dekorasyon sa kwarto

Umuwi ako ng bahay na may maraming dala dala, sakto namang tulog si baby kaya may time pakong ayusin ang mga gamit nya, hinanger ko yung unang dress nya at inilagay sa walk in closet medyo may kalakihan iyon pero tama lang para paglaki na paglaki nya hindi kuna papalitan, at sa apador ko naman nilagay yung mga damit nya

Pagkatapos yung mga sapatos nya inilgay ko sa isang maliit na shoe rack na binili ko kanina

Bumili rin ulit ako ng tatlong pack ng gatas, dinagdagan korin yung mga baby bottles

Narinig kong umiyak si baby kaya pinuntahan ko kagaad sya at hinile upang matulog ulit, tinignan ko ang maliit nyang mukha na sobrang sarap ng tulog

"Since wala na si daddy mo and diko alam kung ano ang pangalan mo, I'll name you Avyanna Zehra"

"Avyanna means strong,powerful and beautiful while Zehra means beauty, ang ganda ng mga pangalan mo pati ang meaning just like you Avyanna Zehra"

Avyanna Zehra Vladimir, Welcome to My Life ( ◜‿◝ )

I Zakeios Vladimir will now be your mother

Wow ang drama ko ಠ‿ಠ

_________________________________________

A new character for this chapter!!!

Done Chapter 013

THE REBORN OF THE ERIS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon