015

990 36 0
                                    

Mavie/Zake POV

Wala ako sa bahay ngayon nandito ako sa guild house para ma-meet ang magiging baby sitter ni Zehra, last day narin ngayon ni Ajara and Franz kaya nag-suggest sila na munang dalawa ang mag-bantay kay Zehra, igagala raw nila

Syempre ako naman pumayag agad dahil saktong dumating si Chad at ipinaalam sakin na may gustong mag-apply bilang baby sitter and of course babae ang iha-hire ko, kelan pa naging baby sitter ang lalaki?

"Ohh Chad nasan na yung mag-aapply?"

Tinignan naman ako ni Chad at itinuro ang babaeng nakayuko habang nakaupo, tulog ba toh? Medyo hindi kaputian at may itim na mahabang buhok, nakasuot ito ng maruming damit, teka saan ba galing toh?

"Seryoso sya yun? Baka niloloko mo nanaman ako Chad sisipain kita palabas tamo"

"Sya nga yun, puntahan muna at kausapin kagabi pa naghihintay sayo yan"

"Tss"

Umupo ako at sumandal at nagcross arms, kailangan muna kilatisin toh base sa itsura nya para syang hinabol ng kung ano or baka galing ito sa ewan na lugar, malay ko

"E-ehem, miss" dahil sa ginawa ko napaayos sya ng upo at napatingin sakin, medyo nagulat pasya pero maya maya lang ay ngumiti rin, maganda naman pala pero ang dungis ng mukha nya, napataas ang kilay ko

"Maga-apply ka bilang baby sitter? Bakit?"

"Kasi yun lang ang pwede kong pasukan na trabaho tsaka wala akong matitirhan dahil pinalayas ako samin, wag ka mag-alala magaling akong magbantay ng bata" for the second time ngumiti ulit sya sakin, umayos ako ng upo dahil sa unang sinabi nya bat naman sya pinalayas tss

"Bakit ka pinalayas?" Biglang nawala yung mga ngiti nya sa tanong ko at nanubig yung mga mata nya at nagsimulang humikbi, wtf

"Hey, wag kang umiyak tinatanong kolang naman ok lang kung hindi mo sagutin"

"H-hindi ayos lang, amm ano kasi nalaman ng mga magulang ko na nabuntis ako ng nobyo ko, sinabi ko kay Cade na nagdadalang tao ako pero iniwan nya ako hindi nya matanggap sabi nya andami nya pa daw pangarap sa buhay at hindi pasya handa" umiyak sya ng malakas ng sabihin nya iyon, kaya napatingin samin lahat ng nandito at nagtataka kung bakit umiiyak itong kaharap ko

"O-osige wag kana umiyak tinatanggap na kita bilang baby sitter ng anak ko pero buntis ka ayos lang ba sayo na magtrabaho?" Napangiti ulit sya sa sinabi ko

"Amm ayos lang naman atsaka baby lang naman ang aalagaan ko yun lang ang trabaho ko"

"Sabagay, wala ka namang ibang trabaho kundi ayun lang ang bantayan si Zehra, may mga gamit kabang dala?"

"Ahh oo meron, ito lang ang dala ko" pinakita nya sakin ang isang brown leather suitcase, kinuha ko iyon pipigilan nya pa sana ako pero nilayo ko sakanya yun

"Ako na, bawal magbuhat ng mabibigat ang mga buntis"

"S-salamat" habang naglalakad kami palabas marami akong tinanong sakanya

"Anong pangalan mo? Ilang taon kana? Saan ka nakatira dati? At tsaka ilang months na yang nasa tyan mo?"

"Ako si Lijuan Peterson, 19 palang ako, tsaka taga Frozen Land ako, pumunta ako ng Great Land pero mahigpit sila at hindi nagpapasok ng kahit sino kaya dito ako napunta at saktong Festival kaya pinapasok ako, 1 month palang itong baby ko kaya hindi pa masyadong halata yung umbok ng tyan ko"

"Hmm, nandito na tayo, ito ang bahay ko Ako lang mag-isa rito dati pero kinupkop ko si Zehra kaya dalawa na kami rito nagpapa-rent ako ng kwarto para sa mga dayo or adventurers na gusto magpalipas ng gabi rito sa bayan, malaki kasi ang bahay nato na nabili ko tsaka ito nalang rin ang natitirang bahay na pwedeng bilhin kaya naisipian kong gawing rentahan yung mga kwarto para narin kumita, ngayon hindi nako nag-iisa rito dahil kasama ko si Zehra at ikaw rin........ Welcome sa bahay"

Pagpasok namin sa bahay bumungad agad sakin ang dalawa na nakatulog sa sofa habang hawak hawak ni Ajara si Zehra na tulog rin, napagod ata sila sa paggagala sa labas tss, napailing nalang ako at nilagay muna ang suit case sa lapag bago kinuha ng dahan dahan si Zehra at nilipat sa crib, tatlo ang crib niya isa sa kwarto ko, sa kwarto nya, at isa rito sa baba nasa kusina naman ang high chair nya

"Lika Lijuan at ihahatid kita sa magiging kwarto mo, tsaka para narin makapag linis ka ng katawan mo may mga sabon at shampoo na sa banyo kaya wala kang ikakabahala malinis lagi ang bahay ko" nginitian kosya bago dinala yung bagahe nya at pinapasok sa kwarto na katabi lang ng kwarto ni Zehra

"Salamat talaga sa pagtanggap sakin rito isang malaking utang na loob ito sakin"

"Wala yun, sige na maligo kana para maitour kita dito sa bahay at hindi ka maligaw"

Tumango at ngumiti sya bago pumasok sa banyo kaya lumabas nako at isinarado ang pinto bago bumaba para icheck si Zehra

Nang makitang tulog parin ito ng mahimbing, pumunta ako ng kusina para magluto ng hapunan anong oras na kasi at hindi pako nakakain ng lunch dinamihan kuna rin dahil last day na ng dalawa rito tsaka may isa nakong kasama rito

Pagkatapos magluto at iready ang pagkain sa lamesa, nagtimpla ako ng gatas para painumin si Zehra, kahit tulog yan umiinom ng gatas yan ganyan sya katakaw mare

"Gising na Ajara Franz maaga pa kayong aalis mamaya, tsaka kain na tayo dali na tayo na"

Kanya kanya naman silang dalawa ng tayo at dumiretsyo sa lamesa, mga bastos na bata diman lang nagpasalamat na nilutuan ko sila tss

Pumaitaas muna ako para ipaalam kay Lijuan na kakain na, umoo naman sya at patapos na raw sya kaya bumaba nako at sinaluhan ang dalawa sa pagkain

Narinig kong bumaba na si Lijuan, pagdating nya rito at umupo, ipinakilala kosya sa dalawa ganun rin sa dalawa kaya medyo naging maingay ang hapagkainan dahil sa dalawa na nag-aaway sa isang laman ng manok

"Kakain kayo ng maayos o akong kakain nyan?"

"Sabi konga mananahimik na"
"Ikaw kasi Franz tss"

Tinaasan ko silang dalawa ng kilay kaya napatikom ang bibig nilang dalawa habang si Lijuan ay mahinang natatawa habang kumakain at patingin tingin saming tatlo kaya napa iling nalang ako at nagsimula ulit kumain

Narinig kong umiyak si Zehra kaya tumayo ako pinuntahan sya, nakita ko namang nakadilat nasya pero puno ng luha yung mukha nya kaya kinuha ko yung pamunas nya at pinunasan ang mukha nya

Kiniss kosya sa pisngi kaya napangiti naman sya at sinabi ang word na mommy hehe, nakakatuwa talaga na tinatawag nyakong mommy

Dinala kosya sa hapagkainan upang ipakilala kay Lijuan at buti nalang hindi umiyak si Zehra nung ibigay kosya kay Lijuan, nangingilala kasi itong si Zehra kapag hindi nya kilala or first time nyang nakita ang mukha tapos kakargahin sya bigla syang iiyak ng malakas at aabutin ako para kargahin kosya

"Mabuti naman at hindi ka umiyak Zehra, akina sya Lijuan bukas kapa naman magsisimulang alagaan sya, tapusin muna ang kinakain mo"

Binigay nya sakin si Zehra kaya pinakain ko ito ng kanin na may sabaw, pinapakain ko si Zehra ng kanin pakunti kunti lang rin tsaka may anim na syang ngipin apat sa itaas at dalawa sa baba ang cute nga ehh kapag ngumiti sya or tumawa nakikita gilagid nya at yung mga maliliit nyang ngipin hehe




_________________________________________

  New Character for this Chapter yey!!!

Done Chapter 15!!!

THE REBORN OF THE ERIS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon