021

868 31 0
                                    

Zake POV

Ipinatawag ng hari ang lahat ng adventurers, walang makapag sabi kung bakit at anong meron

Nasa isang malaking field kaming lahat at naghihintay na magsimula, sa totoo lang kanina pa kami rito at masakit na sa mata yung araw nagsisimula naring mamula yung balat ko

"The king has arrive!!!"-Seneschal

Pumunta sa gitna ang hari habang pinapayungan sya ng katulong, nakakahiya naman saming nakabilad sa araw

"Pasensya na sa matagal na paghihintay ninyo, ipinatawag ko kayo dahil kailangan ng malalakas na mandirigma na labanan ang mga Ravana Clan"

Madaming nagreact at na confuse sa sinabi nya, na curious ako kasi ngayon kolang alam yang Ravana Clan hindi ko nabasa yan nung pinag aaralan ko ang mundong toh

"Hindi lang ang apat na Land ang naninirihan rito sa mundo, meron pang ibang clan may masasama kagaya ng Ravana na gustong sakupin ang buong mundo, matagal na silang nanggugulo rito ngunit ngayon kolang isinabi sainyo dahil ayukong mag-alala ang naninirahan sa bayan gusto kong mapanatiling payapa ang Far Land"

"Ano po ba ang kailangan naming gawin mahal na hari?"

"Nababawasan na ang mga gwardya ko dahil sa biglaang pagsugod nila noong nakaraang buwan, hindi pa naman sila nakakapasok sa Far Land at hindi ko hahayang mangyari iyon upang guluhin ang payapang bayan, humihingi ako ng tulong sainyo upang labanan ang mga Ravana at panatiliing payapa at walang gulo ang Far Land"

Kanya kanya namang sang ayon ang iba habang yung iba naman ay ayaw, wala akong choice kundi ang pumayag tsaka wala akong dapat ikabahala sa pamilya ko safe sila sa loob ng bahay at walang sino man ang makakapasok ruon unless kung uutasan ko or ni Yuan na papasukin

Ipinalista ng hari yung mga pangalan ng mga sasama bukas, nang ako na ang maglilista namukhaan ko yung gwardya na naglilista sya yung gwardya na inihatid ako papalabas ng palasyo nung kinuha ko ang premyo ko, tinignan nyako at medyo gulat sya ng makita ako pero ngumiti nalang ako sakanya

"Zakeios Vladimir pangalan ko"

"Ano ang mga kakayahan mo upang alam namin kung saang pwesto ka ilalagay"

"Lagay mo nalang jan secret, hindi ko pwedeng sabihin hehe" kinamot nya naman ang ulo nya bago sya nagsulat ulit kaya umalis nako sa linya dahil tapos naman nako

"Uy Zake" napalingon ako sa tumawag sakin at duon ko nakita yung apat kong kasama sa palaro nung Duel Event

"Mmm? Bakit?"

"Musta kana? Hindi ka namin nakikita sa Guild House" sabi ni Leigh

Yup , nakikita ko sila duon dati diko lang pinapansin kasi wala akong time makipag usap at kailangan kong umuwi kaagad lalo na ngayon na 2 years na si Zehra, hinanap ko talaga yung taong nagpaanak sa mama ni Zehra para malaman kung kelan at anong oras sya inilabas bago iwanan ng maganda nyang ina, note the sarcasm

Nalaman ko ding galing pala sa Land of Varn ang ina ni Zehra, maraming bayarang babae ruon at isa ata ang ina ni Zehra sa mga yun, mahahanap kodin ang ina nya balang araw siguro kapag malaki na si Zehra at nakakaintindi na tyaka ko sasabihin ang totoo

"Zake ok kalang?" Nabalik ako sa realidad ng bumungad sa harap ko si Reigh

"A-ah yeah, madami lang iniisip pasensya na"

"Limang araw kang hindi pumunta sa guild house, bakit?"

"May inaasikaso lang at wala akong time mag hunting" totoong busy ako dahil tinuturuan ko si yuan kung pano gamitin ang mga kapangyarihan na pinili nya, fast learner naman sya kaya walang kahirap hirap kosyang tinuturuan

"Ganun ba, kelan ka pupunta ulit?"

"Bakit?"

"Wala naman"

"Mauna nako, hindi ako pwedeng magtagal rito at may naghihintay sakin sa bahay, paalam" diko na hinintay ang sagot ni Reigh at umalis na masasayang nanaman oras ko kakachika

Tanong ng tanong nakakairita minsan, paguwi ko sa bahay inaasikaso ni yuan na pakainin si Zehra malaki narin ang tiyan nya kaya doble ingat dapat sa nga galaw nya good thing kinuha nya yung telekinesis at nagagamit nya yun sa pag aasikaso kay Zehra dahil hindi nasya masyadong makagalaw at minsan ay nananakit ang balakang nya

"Hi baby" hinimas himas ko ang tiyan ni yuan bago pumunta kay Zehra na kumakain habang nasa high chair at hinalikan ito sa pisngi kaya napatingin sya sakin

"Hi Mommy" hindi na hoh sya bulol magsalita fast learner din kasi ang isang toh in short matalino

"Hello anak, how's the food?"

"Good po" napa thumbs up naman ako sa sinabi nya, vegetarian syakasi kailangan nya maging healthy palagi

"Kumain kana ba yuan?"

"Opo ate kakatapos kolang"

"Ohh sige kakain muna ako bago ko sabihin yung about pag alis ko bukas" tinignan nyako ng pagtataka bago tumango

Kumain na muna ako at inasikaso si Zehra dahil wala ako rito ng tatlong araw, tatlong araw lang kailangan naming maipanalo ang Far Land, first time rin akong makakasali sa ganto kaya medyo excited na kabado

Umupo ako katabi si yuan na nagpapahinga mahahalata mo talagang kunting galaw lang pagod na agad sya, kawawang buntis

"Kailangan kong sumama sa digmaan bukas Yuan para sa Far Land at sainyo"

"Huh? Digmaan? Sino ang kalaban?"

"May alam kaba sa Ravana Clan?" Tinignan nyako na parang gulat na gulat sya sa narinig nya so kilala nya nga

"Sumugod nanaman sila, masyadong sakim ang namumuno sa Ravana Clan ngayon lang ulit sila nag paramdam at mali ang kinalaban nila ngayon...."

".....Una nilang sinugod ang frozen land dati noong limang taong gulang palang ako tandang tanda kopa kung paano sila nakapasok pero sa awa ng Diyos ay madaling naagapan ng hari at hindi na lumaki ang digmaan na sinimulan ng mga Ravana"

"Anong lugar pa ang sinugod ng Ravana?"

"Marami yung nga maliliit na bayan ang inuna nilabg pinuntirya at sinakop, maraming naghihirap sa kamay nila dahil mga walang puso ang mga Ravana, sila rin ang dahilan ng pagkamatay ng nakababata kong kapatid kinuha nila si ruby kapalit ng buhay namin nila mama at papa"

Nagsimula nang humikbi si Yuan kaya hinagod ko ang likod nya at pilit na pinapatahan

"Huwag kang mag-alala as long as nasa loob kayo ng bahay at hindi kayo lumalabas sa gate ligtas kayo at walang mangyayari sainyo huwag kalang magpapasok ng kahit na sino lalong lalo na kung hindi kilala, tatlong araw lang akong mawawala at ipinapangako kong pagbabayarin ko sila sa ginawa nila sa kapatid mo kaya tumahan kana at nakakasama sa mga anak moyan"

"Salamat sa pagkupkup sakin, diko alam kung saan kami pupulutin ng mga anak ko kung wala ka"

"Ano kaba wala yun, oh wag na magdrama at papangit sila baby paglabas nyan"

Hinampas ako ni yuan sa braso kaya natawa nalang ako, ang cute na buntis hindi sya nagiging hagard mas lalo syang gumanda siguradong maraming manliligaw toh pag labas nila baby, akala ko talaga isa lang nasa loob pero nung nagpa check up ulit kami napagalaman naming tatlo sila, kaya ganun nalang kahirap kay yuan ang gumalaw dahil sa sobrang laki ng tyan nya

_________________________________________

Done Chapter 021

THE REBORN OF THE ERIS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon