Part 14: The Attack

166 4 0
                                    

Midnight's pov:


[" sir! parating na ang shipment ngayong gabi. Nakapwesto na po ang mga agent natin hinihintay na lang po ang go signal niyo."]

sabi ni shadow sa akin mula sa kabilang linya. Narito kami ngayon sa isang lumang building malapit sa abandonadong pier para kunin ang mga nilusot na mga kargamento.

Ako na mismo ang haharap sa supplier namin at konting tauhan lang ang isinama ko. Ang mga matataas na agent naman ay pinatago ko muna para kahit may lumusob samin na kalaban ako na muna mismo ang makikipaglaban para makilala ko kung anong grupo ang kumakalaban sa amin.

" good! ako muna ang lalabas para harapin ang supplier. kahit anong mangyari wala munang kikilos! tsaka na kayo kumilos pagkailangan ko na talaga hindi pwede malaman ng iba na marami kayong nandito maliwanag ba."

Seryosong instructions ko sa kanila..

[" copy that sir"]

sagot naman ni shadow sa akin. Bumaba na ako ng sasakyan at nilapitan ang isang chinese man na matagal na naming supplier .

"I'm glad to see you Mr. Midnight the place you chose is a good place so we can exchange cargo, I hope the price is right, it's not easy to import cargo here."

sabi ni Mr. Dragon sa akin. Mga code name lang ang pakilala ng bawat negosyante sa bawat kadeal nila sa mga illegal na negosyo.

" Don't worry dragon, I increased our payment a little as long as you brought us good quality cargo because we don't want our money to be wasted on fakes, maybe you know what's happening to those who cheat on me right? "

seryosong sagot ko naman kay Mr. Dragon na ikinangisi niya sa akin.

"During the time I have been supplying your organization, you probably know that I have never given you a fake shipment, even if it was wasted a few times because someone is always sabotaging the shipment, so my price is a bit high for now because I might go bankruptcy if the price is just like before."

nakangising pa rin niyang sabi sa akin at ang dalawang kamay niya ay inilagay niya sa magkabilang bulsa ng suot niyang pantalon.

" I just want to make sure that what you gave us is not a fake one , where is it?? so that I can check before I pay you."

Pagkatapos kong sabihin iyon ay pinuntahan muna namin ang pwesto kung saan dumaong ang ginamit nilang barko.

Ibinaba ng mga tauhan niya at binuksan na rin ang wooden shipping crate makikita mo sa loob ang mga iba't-ibang klase at malalakas na mga armas na ikinangisi ko.

"Nice, I like these kinds of weapons, go ahead!! and transfer them to the trucks that are here, hurry up!! , we might get into trouble!! ."

Sabi ko sa kanila at mabilis na silang nagsikilos.

Tinawagan ko ang tauhan ko para dalhin ang pera pagdating niya ay binuksan niya agad ang suitcase na naglalaman ng malaking halaga na ikinangiti ng malapad ng Chinese. Kumuha siya isang bungkos at inamoy-amoy na parang umaamoy siya ng bulaklak at nahalina sa bango nito habang nakapikit.

 My Wife SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon