Part 63 : Darknemesis Leader

67 1 1
                                    

Icarus pov :

"Kamusta ka na anak? May masakit ba sa'yo? gusto mo tawagin ko si Dr. Sui?.."

Sunod-sunod na tanong ni mommy sa akin mahahalata mo sa boses niya ang pag-aalala niya sa akin. Pagkagising ko nakikita ko sa mga mata niya na galing siya sa pag-iyak tumingin ako sa paligid puro puti ng nakikita ko it means nasa hospital ako.

"Ayos naman ho ako mommy medyo masakit lang buong katawan ko, kamusta na ang mga bata? Pati si Christine..? Ligtas ba sila?..."

Tanong ko naman sa kanya habang pinipilit kong makaupo pero hindi ko magawa dahil sa mga sugat ko sa katawan...

"Huwag mo muna biglain ang katawan mo anak magpahinga ka muna....... Oo ligtas naman si Christine at ang mga bata nang maihatid ni Dark sa bahay ng mga Vasquez ..... Anak.... doon na muna kayo tumira sa bahay natin habang nererenovate pa yung bahay niyo ni Amarah malaki naman ang bahay natin siguradong kakasya kayo doon nasabi kasi ni Max matatagalan pa bago maibalik sa dating ayos ang bahay dahil halos kalahati ng bahay niyo ang nasira.."

Paliwanag ni mommy sa akin bigla namang bumukas ang pintuan at pumasok si daddy kasama si Lolo may dala silang prutas at pagkain galing sa kilalang restaurant..

"I'm glad your awake now iho.... galing kami ni Isaac sa bahay ng mga Vasquez ngayon para sana sunduin sina Christine at ang mga bata kaso Mrs. Vasquez requested me na sa kanila daw muna pansamantala ang mga bata at si Christine kahit 2 weeks muna bago kayo lumipat sa bahay pumayag na lang kami dahil nagustuhan naman ng mga bata doon kahit papaano hahahaha kaya dumiretso na lang kami dito.."

Natatawang sabi ni Lolo sa amin napakunot noo naman si mommy sa ibinalita ni Lolo??.

"Bakit ka pumayag daddy?! hindi sila pwede doon lalo na si Christine! Alam niyo naman na nadoon si Condrad!!..."

Inis na sabi ni mommy kay lolo natawa naman si Daddy sa inasta ni mommy..

"Ikaw naman mahal huwag kang mag-alala sinabihan naman pala sila ni Condrad about kay Christine kaya alam na nila ang gagawin alam mo naman ang bunganga ni Catherine kapag may ginawang kalokohan iyang si Condrad kay Christine.... At sa tingin ko nga gustong-gusto ni Catherine si Christine dahil nahihirapan daw sa kanya si Condrad first time niya raw na makita si Condrad na humahabol at mamroblema sa isang babae dahil noon halos ipagtulakan niya pa raw si Condrad sa mga babae para magkaroon man lang kahit girlfriend hahahahaha...."

Natatawang sabi ni daddy Isaac kay mommy .

"Anak uuwi muna ako ha.... daddy mo muna at ang lolo mo ang magbabantay sa'yo pupuntahan ko muna si Christine sa bahay ng mga Vasquez para kamustahin siya pati ang mga bata Alis na ako bye..."

Pagkalabas ni mommy ng kwarto naging seryosong ang itsura nila Lolo at daddy may inilabas si daddy mula sa bulsa ng kanyang suit isang maliit na kutsilyo na may nakaukit na isang simbolo sa handle.

"Nakuha ito Dark nung time na bumalik siya sa bahay niyo para tulungan kayo......ilang araw namin inalam kung sinong grupo ang nagmamay-ari ng ganitong simbolo...."

Seryosong sabi ni daddy sa amin ni Lolo.

"Nalaman niyo ba kung sinong grupo ang may-ari ng simbolo na yan.."

Seryosong tanong ni Lolo kay daddy.

"Oo dad pero hindi lang grupo ang nalaman ko kundi sino ang namumuno..."

Seryosong pa ring pagkakasabi ni daddy Isaac sa amin ni Lolo.

"Sino ?.."

Curious na tanong ko .

 My Wife SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon