Part 43: Our New Queen is Missing

101 1 0
                                    

Amarah's pov:

Marami na ang mga namamatay at ang iba naman ay halos sumusuko na sa laban konti na lang kaming natitirang kalahok kaya kailangan ko nang maghanda at maging seryoso alam kong na magiging matindi ang tensyon sa aming mga natirang kalahok tama na ang pag-iwas at kailangan ko na silang harapin.

"Hold on baby kailangan na ni mommy lumaban I will do everything para maprotektahan kita...."

Sabi ko sa sarili ko nakaharap ko si Selina ang babaeng nakabanggaan ko kanina na nakangisi pa sa akin habang dahan-dahan siyang lumalapit sa akin .

"So buhay ka pa pala? ang galing mo rin noh?? kanina pa kita napapansin na puro iwas lang ang ginagawa mo sa pakikipaglaban naduduwag ka na ba.."

May pang-aasar na sabi ni Selina sa akin hindi ko siya sinagot tinitigan ko lang siya na ikinainis niya sa akin at inatake niya ako. Mabilis siyang kumilos puro salag muna ang ginagawa ko para mapag-aralan ko ang kanyang mga kilos.

May umatake rin sa akin na isang kalaban may hawak siyang samurai bale dalawa na silang pinagtutulungan ako hindi nila ako tinitigilan maraming mga sugat at galos na akong natatamo mula sa kanila tuwang-tuwa naman sila sa ginagawa nila sa akin.

" Ano?! bakit hindi ka lumaban!! naduduwag ka na ba!? dapat nung una pa lang sumuko ka na Looser!."

Malakas na sigaw ni Selina sa akin habang gigil na wasiwas niya ang kanyang espada sa akin. Bawal kaming gumamit ng baril mga matutulis ba bagay lang ang pwede naming gamitin dahil hand to hand combat ang labanan namin.

Ilang minuto pa ang hinintay ko nang makabisado ko na ang galaw nilang dalawa sa tingin ko magkakilala itong dalawang kalaban ko dahil base sa pag atake nila sa akin ay timing na timing ang mga galaw parang matagal na nila itong ginagawa napangisi ako sa naisip. Ngayon na ang tamang timing para ako naman ang umatake sa kanilang dalawa.

Hindi nila inaasahan ang pag-atake ko
hinila ko ang nakatago kong maliit na espada na may magkabilang tulis sa magkabilang dulo at iwinawasiwas ko kaagad sa kanila sinamantala ko habang nasa malapit sila sa akin dahil sa patuloy nilang pag-atake sa akin gamit ang kanilang espada hindi nila napansin ang aking biglaang pagkilos.

Malalim at mahaba ang kanilang naging sugat sa bandang tiyan dahil sa biglaang kong pag-atake naghiyawan naman ang mga manonood.

"Paano ba yan... tapos na ang oras na ibinigay ko sa inyo para patayin ako I guess this is the right time para ako naman ang umatake sa inyo.."

Nakangisi kong sabi sa kanila na lalong ikinasimangot ni Selina pati ng babaeng kasama niya.

"Huwag puro sal---aaaahhhhh!!!."

Hindi na niya natapos ang sasabihin niya nang matumba siya at napasigaw dahil sa malaking hiwa na ginawa ko sa may kaliwang banda ng kanyang hita.

Lima na lang kaming natitirang kalahok tatlo sa kanila ay sabay-sabay na umatake sa akin habang si Selina ay nakaupo pa rin at tinatalian ang sugat na kanyang natamo mula sa akin.

Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at sinalubong ko ang pag-atake nila sa akin aaminin ko nahihirapan na ako dahil nakakaramdam na ako ng pananakit ng puson ko pero kinakaya ko ang sakit alang-alang sa batang nasa sinapupunan ko.

"Hold on baby konting tiis na lang kapit lang matatapos na si mommy babalikan pa natin si daddy at kuya mo.!!"

 My Wife SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon