Part 57 : Mommy Amarah

92 0 0
                                    

Icarus pov :

Naibalita na sa akin ni Max ang about sa sinabi ni Slither sa kanya kasalukuyan kasing nakaleave si Slither dahil sa pagbubuntis niya lalo tuloy lumakas ang paniniwala ko na si Amarah nga ang babaeng iyon dahil sa mga sinabi niya.

Kasalukuyan kaming nandito sa hospital ng pamilyang Ceres para ibigay ko na sa kanila ang mga nakuha kong DNA samples ni Angela medyo matatagalan daw ang pagproseso sa ngayon dahil nasira ang machine na ginagamit nila sa DNA test dito sa bansa kaya sa ibang bansa na lang isasagawa ang DNA test paliwanag ng staff sa amin nadismaya kami nila dad pero we have no choice kung hindi ang maghintay.

"Hayaan mo na anak ilang months lang naman ang itatagal ng DNA test nahintay mo nga siya ng limang taon ngayon ka pa ba magmamadali..."

Sabi my Daddy Isaac sa akin sabay tapik sa balikat ko.

"You right dad konting tiis na lang makakapiling ko na si Amarah."

May pananabik kong sabi kay dad.

"Apo hindi natin pwedeng biglain si Amarah Lalo na sa kalagayan niya.... Di ba nasabi naman sa'yo ni Max na hindi nakilala ni Amarah ang dati niyang tauhan na sa Slither??....  Maaaring hindi niya rin tayo makikilala sa oras na humarap tayo sa kanya at magpakilala and the worst is kapag nalaman nila Sandro ang balak natin baka itago na naman siya ni Andrew alalahanin mo may anak sila na pwede niyang gawing alas kung sakaling magkagipitan."

Napaisip ako sa sinabi ni Lolo he's right kailangan ko na munang makaisip ng mga plano at mga dapat gawin para unti-unti naming makuha si Amarah.

"Gagawa ako ng paraan at plano lolo may anak din kami ni Amarah na matagal na ding nangulila sa kanya atsaka magaan naman ang loob ko sa anak niyang si Andrea kaya walang problema sa akin."

Desidido kong sagot kay Lolo.

"Sa'yo walang problema... Eh paano naman ang mararamdaman at iisipin ng bata sa gagawin mo kung sakali???... Tandaan mo anak hindi mo hawak ang isip ng bata maaari ka niyang kamuhian sa oras na gawin mo kung ano man ang magiging plano mo..... Dahil maaaring isipin ng bata na sinira mo ang pamilya niya na kahit na ang totoo ay ang ama niya ang dahilan ng pagkasira ng pamilya niyo..... nakita mo naman kung gaano siya kadikit sa mag-amang iyon kaya huwag kang magpadalos-dalos anak makukuha din natin si Amarah just be patient..."

Mahabang paliwanag ni daddy sa akin napabuntong hininga na lang ako sa sinabi niya at hindi na ako sumagot.....

"Konting pagtitiis na lang mababawi rin kita wifey...."

Yun na lang ang nasabi ko sa sarili ko at umalis na kami nila daddy sa hospital na pagmamay-ari ng pamilyang Ceres.


Marcus pov :


Halos nandito kami araw-araw ni Darius sa The Caffee dahil sa tuwing kumakain kami ng kahit anong klaseng pagkain dito pakiramdam namin ay si mommy Amarah ang nagluluto ng pagkain.

"Ang sarap talaga ng mga pagkain dito kaya hindi mo masisisi ang ibang tao kung binabalik-balikan nila mga paninda dito."

Sabi ni Darius sa akin habang kumakain kami waffles..

"Hi mga kuya kong pogi!!! .."

Kilalang-kilala ko ang boses na iyon napatingin kami ni Darius sa batang nagsalita sa may gilid namin. Tama nga ako si Andrea nga batang masayang bumati sa amin habang kumakaway pa.

 My Wife SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon