Part 58 : Dr. Sui / Dr. Carlos

83 1 1
                                    

Icarus pov:

Masaya kaming nag-uusap nila daddy at Lolo nang biglang tumawag si Marcus sa amin...

"Hello son napatawag ka? Malapit na ba kayo??..."

tanong ko sa kanya pero hikbi lang niya ang narinig ko mula sa kanya nung una at maya-maya lang ay may narinig ng kung anong ingay na hindi ko maintindihan na ikinabahala ko.

"Son are you alright ??? Where are you?? What happened?..."

Nag-aalala kong tanong sa kanya napatingin naman sa akin sina Lolo at dad dahil sa medyo napalakas ang boses ko sa pagtatanong ko kay Marcus kung nasaan nga sila

["Nandito kami ni Darius sa hospital dad...."]

Humihikbing sagot niya sa akin dahilan kaya lalo akong nag-alala sa kanya agad akong pumunta sa opisina ko para kunin ang susi ng kotse ko sinend naman niya sa akin ang pangalan ng hospital kung nasaan sila ngayon.

"Where are you going son? bakit parang nagmamadali ka? may nangyari ba sa mga bata?..."

Takang tanong ni daddy sa akin alam kong nakikinig lang si Lolo sa amin ni dad.

"Marcus is crying dad he said na nasa hospital daw sila ngayon ni Darius hindi niya sinabi sakin kung ano ang nangyari at kung ano ang dahilan kung bakit sila naroroon kaya pupuntahan ko na lang ang mga bata tutal ay sinend naman niya sa akin ang pangalan ng hospital kung nasaan sila aalis na ako dad pakisabi na lang kanila mommy ang nangyari..."

Paalam ko kay dad akmang lalakad na ako ng pinigilan ako ni daddy.

"Sasama ako sa'yo anak Lolo mo na lang ang bahalang magpaliwanag kanila Lola mo..."

Sabi ni daddy sa akin napatingin naman ako kay lolo na tumango naman dahil sa sinabi ni daddy.

"Halika na dad puntahan na natin yung mga bata.."

Dahil sa sobra kong pag-aalala sa mga bata hindi ko namalayan na mabilis na pala ang takbo ng kotseng sinasakyan namin ilang minuto lang ang lumipas nang marating namin ang hospital kung nasaan sila Marcus.

"Miss saan kwarto ang pasyenteng nagngangalang Marcus Santillianes??.."

Tanong ko sa front desk tiningnan muna nila ang record palipat-lipat at pabalik-balik ang tingin ng nurse sa akin at sa papel na hawak niya.

"Sure po ba kayo na dito dinala ang pasyenteng binanggit niyo sa akin sir?.."

Magalang na tanong ng nurse sa amin pinakita ko ang address na tinext ni Marcus sa akin na ikinanuot naman nito ng noo.

"Pasensya na po sir pero babaeng pasyente lang po ang dinala dito ng ganung oras kanina baka sa ibang hospital po siya dinala.."

Hinging paumanhin naman ng nurse sa akin.

"Son tawagan mo kaya si Marcus para malaman mo kung nasaan ba talaga sila.."

Mahinahon namang sabi saakin ni daddy kinuha ko ang cp ko at tinawagan si Marcus ilang ring muna bago niya nasagot ang tawag.

["Dad---."]

Hindi ko na siya pinatapos na magsalita agad ko siyang tinanong.

"Nasaan na kayo ni Darius anak? nandito kami sa front desk ng hospital..."

Nag-aalalang tanong ko sa kanila.

"Nandito po kami sa emergency room dad kasama po namin yung mga crew ng The Caffee."

 My Wife SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon