Part 22 : Same face Same Aura

135 4 0
                                    

Amarah's pov

Nakarating ako sa lugar kung saan magpupulong ang lahat ng mga leader ng mga iba't-ibang organisasyon this is the first time na pupunta ako bilang leader sa grupo namin sa ganitong klase ng pagpupulong.

Kadalasan kasi ay si Max ang pinapaattend ko sa ganitong pagpupulong nirercord lang niya ang pinag-uusapan at isesend lang niya sa akin kaya medyo may alam ako sa mga nakaraang topic.

Dinaraos ang pagpupulong na ito tuwing katapusan ng buwan magkahiwalay ang pwesto ng magkakalaban na grupo.

Para mapanatili ang kaayusan at katahimikan habang nagpupulong obligado ang lahat ng mga pinunong inanyayahan na pumunta.

Kung hindi naman kahit isa lang na maging representative ay pwede na pinamumunuan ito ng nagiisang pinaka malakas na grupo na kilala sa pangalan na "LEGENDARY EMPIRE"

Ini-i-scan ng mga tauhan nila ang kada leader na dumadating para malaman kung saan ang pwesto ng kanilang upuan sa lawak ng building ay kailangan pa kami samahan ng tauhan dito para maihatid sa tamang pwesto ng uupuan ko.

Pagkatapos kong ma-scan ay binigyan ako ng maskara at hinatid na ako sa upuan ng taong nakatalaga sa akin.

Ilang Oras pa ang lumipas Bago dumating ang queen of all Queens pati ang King of all Kings kahit may katandaan na sila ay mararamdam mo pa rin ang lakas ng aura sa pagkatao nila .

" Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa magkakaroon tayo ng paligsahan kung sino ang papalit sa aking pwesto bilang Reyna kailangan bukas mismo ay may maipresentang kayong pinaka malakas na babae sa grupo niyo."

Seryosong anunsyo ni Queen Mirai ang queen ng Legendary Empire

"mawalang galang na po Queen Mirai pero bakit niyo po naisipan na baguhin ang pagpasa ng trono ? kung tutuusin maganda naman po ang pamamalakad mo sa buong organisasyon atsaka Hindi mo po ba naisip na may posibilidad na mapunta sa maling kamay ang korona at baka samantalahin lang niya posisyon sa pansarili kapakanan lamang."

Lakas loob kong tanong sa Reyna halos lahat ng katabi ko ay napatingin sa akin dahil sa pagiging straight forward ko sa reyna kahit nakamaskara siya ay alam kong na amuse at napangisi ang Reyna.

Dahil sa tinanong ko sa kanya habang ako naman ay uminom ng wine sa amoy pa lang alam kong napaka especial ng wine na ito kaya nahalina akong inumin ito at hindi nga akDo nagkamali masarap nga ang wine na ito

"hhhhmmmm... I like you for being straight forward and now you caught my attention lady....what is the name of your group Ang who's your leader."

Interesadong tanong niya sa akin at tinitigan niya ako maigi sa aking mata na sinabayan ko naman din ng pagtitig habang tumatayo sa kinauupuan ko itinigil ko lang iyon Gawin nung yumuko ako sa harap niya

" my group name is HellCards and I am the leader of this group they called me Lady Ace your majesty"

magalang na pakilala ko sa kanya at yumuko pagkatapos ay bumalik na ako sa upuan ko at tumingin ulit sa kanya siya naman parang napaisip sa sinabi ko maya-maya lang ay napatango lang ito saglit at tumingin siya ulit sa akin na parang inaalam niya kung sino ako sa likod ng maskara

"hhmmm....ikaw pala ang leader ng Hellcards anyway about sa tanong mo nandun na din ang sagot siguro naman ay hindi lingid sa kaalaman ninyong lahat ng nasa organisasyon ang tungkol saamin ng manugang ko alam niyang hindi ako tiwala na mapapamahalaan niya na tama ang buong organisasyon kaya nga nakapag desisyon kaming mag-asawa na mas mabuti pang mapunta sa iba ang trono para kahit mali ang pamamalakad niya ay hindi madadawit ang angkan namin kung sakaling hindi magugustuhan ng ibang grupo ang gagawin niyang pagbabago lalong-lalo na sa mga grupong nakadikit sa grupong ito at sa mga kahihiyan na makukuha niya kung sakaling pumalpak ang pamumuno niya. Naniniwala kami ni King sa desisyon naming paligsahan may chance na hindi mapupunta sa maling kamay ang trono."

 My Wife SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon