Part 35 : Amarah's Real Family

111 2 0
                                    

Icarus pov:

Andito kami ngayon sa canteen dahil may gusto daw silang sabihin sa akin ilang minuto na ang lumilipas ay wala pa silang sinasabi sa akin pero may napansin ako sa matandang babae para siyang si Amarah kapag tumanda na dahil magkamukhang- magka-mukha sila. Tumikhim muna para makuha ko ang atensyon nila bago ako bago nagsalita.

"Aaahhhmmmm...... ano po ang gusto niyong pag-usapan ho natin Mrs. Ceres.." magalang na sabi ko sa kay Mrs. Ceres.

"Lola na lang ang itawag mo sa akin iho at Lolo naman ang itawag mo sa asawa ko.." Malumanay na sabi niya sa akin at ngumiti siya sa akin.

"Aahhhmm... O-okey po Lo-lola..." Naiilang kong sabi sa kanya kilala kasi ang pamilyang Ceres bilang isang maimpluwensyang pamilya sa larangan ng business sobrang yaman nila dahil sa dami ng kanilang mga negosyong naipundar nila..

Hindi mo sila basta-basta makakaharap at makakausap ganito... sa dami ng mga negosyanteng kakilala ko na ilang beses na sumubok magpa-schedule ng meeting sa kanila ay lagi silang bigo. This is the first time na nakita ko sila sa personal at kaharap ko pa sila mismo kilala ko lang sila dahil sila ang bukang bibig ng mga kapwa ko nagosyante sa tuwing may dinadaluhan akong mga parties at sa mga media lang.

"Huwag ka sanang mabibigla sa sasabihin namin iho..." Panimula ni Mr. Ceres hindi muna ako nagsalita at hinintay ko ang susunod niyang sasabihin sa akin.

"Kami ang totoong pamilya ni Amarah.." nabigla ako sa sinabi nila pero hindi ko ito pinahalata.

"Teka lang ho.... parang wala naman pong nababanggit si Amarah saakin about ho sa inyo at sa pagkakaalam ko ho ay Fuentebella ho ang gamit niyang apelyido nung dalaga pa siya..." Naguguluhang sabi ko sa kanila.

"Talagang walang mababanggit si Amarah tungkol sa amin dahil hindi pa niya alam ang tungkol sa amin.. at ang pamilyang Fuentebella ay ang kinagisnan niyang pamilya dahil ito ang kumupkop sa kanya nung namatay ang kanyang ina.." Paliwanag naman Mrs. Ceres sa akin.

"Iho si Amarah ang nawawala naming apo may DNA test kaming isinagawa at positive na siya nga ang apo namin... Sa totoo lang sumuko na kami sa paghahanap sa kanya nang aksidente lang namin siya nakita ni Ashiro nung una naming kita sa kanya ay halos hindi kami makapaniwala dahil kamukang-kamuka ko siya nung kabataan ko kaya hindi na ako nagdalawang isip na ipabackground check siya at ipa DNA test siya dahil malakas ang kutob namin na siya nga ang apo namin at hindi nga kami nagkamali..." Lumuluhang Sabi ni Mrs. Ceres sa akin inaalo naman siya ng kanyang asawa kinuwento nila sa akin kung ano ang nangyari sa pamilya nila at kung paano sila napadpad sa pamilyang Fuentebella..

"May pakiusap sana kami sa'yo iho kung pwedeng ilihim mo muna ito sa asawa mo hindi niya muna pwedeng malaman ang totoo dahil may kailangan muna siyang patunayan bago kami magpakilala sa kanya sana maintindihan mo..." Pakiusap ni Mrs. Ceres sa akin kahit labag sa loob ko ay pumayag na ako sa kagustuhan nila... ilang minuto pa kami nag-uusap nila Mr. And Mrs. Ceres bago sila nagpaalam na uuwi muna at babalik na lang sila bukas.

Hinatid ko hanggang sa labas ng Hospital pagkahatid ko sa kanila ay bumalik na ako sa loob at pinuntahan ko na kung saan ang kwarto ni Amarah pagdating ko sa kwarto ay naabutan ko ang isang lalaking medyo may edad na hinahaplos ang buhok ni Amarah habang umiiyak pinunasan niya muna ang luha niya nang lumingon siya sa may pwesto ko at ngumiti siya sa akin...

"Ikaw ang asawa niya hindi ba? Ako nga pala si Aaron Calixto Ceres ang ama niya call me dad... i know na may sinabi na sa'yo sina mom." Masayang sabi niya at nakipagkamay ako sa kanya.

"Masaya akong makilala kayo daddy Calixto" magalang na sabi ko sa kanya siya naman ay nakatitig kay Amarah.

"Kamukang-kamuka talaga siya ni mommy hindi na ako magtataka kung bakit pinasubaybayan ni mommy si Amarah nung unang kita pa lang niya sa kanya.... masaya kami dahil naging successful and independent woman siya.." Nakangiting sabi ni daddy Calixto kay Amarah habang hinahaplos niya ulit ang buhok ni Amarah.

.....tok.....tok.....tok......
 .....tok.....tok.....tok......

Kumatok muna si Max bago pumasok sa kwarto ni Amarah kasama sina daddy Isaac at Lolo Rogelio napatingin sila kay daddy Calixto..

"Anak nasabi na sa amin ni Max ang nangyari sa kanila ni Amarah.." malungkot na sabi ni Lolo sa akin at tumingin kay Amarah napatigil siya saglit dahil sa lalaking humahaplos sa buhok ni Amarah tumikhim muna ako bago ako nagsalita.

"Aaahhheeemmm..... Dad, Lolo siya po pala sa daddy Aaron Calixto Ceres ang totoong daddy ni Amarah.." pakilala ko kay Daddy Calixto kay Lolo at daddy ..

"Ikinagagalak ko na makilala ka Mr. Ceres I'm Rogelio Santillianes and this is my son Isaac Santillianes sa totoo lang hindi namin inaasahan makakaharap namin kayo and we didn't know na may pamilya pa pala si Amarah because she said na mag-isa na lang siya sa buhay bago niya nakilala ang Valliente siblings." Magalang na sabi ni Lolo Rogelio sa kanila. Ang binabanggit ni lolo na Valliente siblings ay sina Christine at ang kuya niya na si Christian.

Naipaliwanag namin ni Daddy Calixto kay Lolo at kay daddy Isaac ang sitwasyon about sa totoong pamilya ni Amarah at kung bakit hindi niya muna ito pwede malaman naintindihan naman nila ito... Sa ngayon ang pinag-uusapan nila ay ang tungkol sa kung sino ang nasa likod ng mga taong nagtangkang patayin ang pamilyang Ceres.

 

 My Wife SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon