Part 47: The Evil King

95 1 1
                                    

Icarus pov:

Sa ilang araw naming paghahanap kay Amarah ay wala pa rin kaming kahit konting natatanggap na magandang balita pero hindi pa rin kami tumitigil.

Ang ilang araw ay naging linggo, Ang linggo ay naging buwan hanggang sa umabot na ng limang taon ay patuloy pa rin kami sa paghahanap kay Amarah ngunit wala pa ring magandang resulta sa mga ginagawa naming paghahanap.

Ang pinanghahawakan ko na lang na pag-asa na buhay pa siya ay ang patuloy pa rin na pag ilaw ng heart monitor ni Amarah siya pala ang nagimbento ng bagay na iyan at pinakabit niya kay Dr. Sui.

Pero may kulang sa ginawa niya kasi hindi kayang itrack ng bagay na iyan kung saan ang location ni Amarah hindi namin ito pwedeng galawin dahil baka iyon pa ang maging sanhi ng kapahamakan niya kung sakali.

Pinupuntahan ko at maingat na hinahaplos ang heart monitor kapag may libre akong oras at kapag namimiss ko na siya. Sobra akong nagsisisi sa nagawa ko sa kanya nung huli naming pag-uusap ngayon ko lang naintindihan ang sitwasyon ni Amarah noon kung bakit lagi siyang busy nung time na hindi pa siya nawawala.

Simula nung ako na ang namuno sa lahat ng mga iniwan ni Amarah mapa-underground man o normal na negosyo niya ay pakiramdam ko ay nasa isang pelikula ang buhay ko.

Dahil laging may bakbakan kahit saan ako mapunta marami ang nagatatangka na pumatay sa akin para kunin si Marcus.

Akala ko kapag maraming bodyguard ay safe kami yun pala isa iyong malaking pagkakamali. Dahil simula nang makidnap kami ni Marcus ng isang beses at binugbog ang katawan ko para mapasunod ang anak ko sa mga nais nilang ipagawa sa kanya.

Nung time na iyon ay wala pa akong alam sa pakikipaglaban kaya hindi ako makalaban sa kanila akala ko nga ay katapusan ko na at mapipilit na nila si Marcus gawin ang mga formula na ibinigay nila sa anak ko pero buti na lang at dumating si Condrad para iligtas kami.

Dahil sa pangayayaring iyon ay madami na ang nagbago sa akin nagsasanay na ako sa pakikipaglaban kahit ayoko pa nung una ang pumatay ay kusa akong natuto para mailigtas ko ang anak ko dahil siya na lang ang naiwan ni Amarah sa akin.

Bukod doon ako na mismo ang tumatapos sa mga taong gumagawa ng masama sa amin natututo na ako sa mga dating gawain ni Amarah sa underground habang tumatagal parang nagiging normal na lang ito sa akin na ikinabahala nila daddy binansagan na akong "EVIL KING" sa underground dahil kapareha ko na daw si Amarah na walang awa na kung pumatay.

Pinapasok ko si Marcus sa isang taekwondo class para mag-aral ng self-defense na tinanggihan niya dahil hindi ko inaasahan na mas magaling pa pala sa akin si Marcus ang trainor daw niya kasi ay ang mismong mommy niya.

"Daddy?.."

Sabi ni Marcus habang kumakatok sa labas ng kwarto ko nagbabasa kasi ako ng mga documents dito sa kwarto ko tinatamad na kasi ako pumunta sa opisina ni Amarah.

Ayos na rin ito para kapag inantok ako ay diretso tulog na lang ako hindi ko na kailangan pang maglakad bago matulog.

" Come in anak.."

Sigaw ko narinig ko ang pagpihit ng serdura pumasok siya sa kwarto ko na may mga dalang mga documents.

11 years old na si Marcus ngayon pero ang katawan niya ay parang nasa 15 years old na dahil sa pagiging matangkad niya isa siya sa naging katuwang ko sa ng mga naiwan ni Amarah kahit tumutol ako nung una ay napilit niya ako pero ang kondisyon ko ay yung mga negosyo lang na hindi sakop ng underground siya pwedeng tumulong.

"Dad I saw a little girl sa mall kanina."

Bungad ni Marcus sa akin nagtaka ako dahil sa tagal na naming magkasama ni Marcus hindi pa siya nagkukwento tungkol sa babae ngayon pa lang.

 My Wife SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon