Part 59 : Dr. Carlos / Twins

86 2 1
                                    

Icarus pov:

" Ano napansin mo sa katawan niya Dr. Sui??...."

napangisi naman si Dr. Sui sa akin bago pabagsak umupo sa upuan kasalukuyang nandito kami ngayon sa opisina ni lolo para mapag-usapan ang tungkol kay Angela.

"Wala ngang duda siya nga si Lady Ace Sir Icarus alam kong magagalit ka sa sasabihin ko pero kabisado ko ang buong katawan ni Lady Ace lahat ng peklat alam ko dahil ako lang ang nag-iisang Doktor na pinag-kakatiwalaan niyang makakita ng buong katawan niya para gamutin ang lahat ng sugat na natatamo niya sa lahat ng klase ng misyon niya kahit sa panganganak niya sa anak niyo ako pa rin ang doktor niya.."

Napakuyom ang kamao ko sa nalaman nakaramdam ako ng matinding selos dahil sa mga sinabi niya pero naintindihan ko naman siya dahil paggagamot naman ang dahilan kaya nakikita niya ang katawan ni Amarah.

"Pero may problem tayo sir Icarus.."

Sabi ni Dr. Sui at Isa-isa niya kaming tiningnan ng seryoso.

"Anong problema naman iyan?...."

Kunot noong tanong ni Daddy sa kanya si Lolo naman ay nakikinig lang sa usapan.

"It's about Dr. Carlos sir Isaac...."

Seryosong sagot ni Dr. Sui sa amin napahilot siya sa kanyang sentido makikita sa kilos niya na pinag-iisipan niya pa kung sasabihin niya ba sa amin o hindi..

"What about Dr. Carlos??.."

Seryoso tanong ni Lolo kay Dr. Sui bumuntong hininga muna siya bago nagsalita.

"Kilala si Dr. Carlos bilang magaling na Dr. Pero lingid sa kaalaman ng nakararami katulad din siya ni Amarah magaling siyang gumawa ng mga hindi kilalang gamot at drugs... Pero may maling epekto ang drugs na ginagawa niya maganda ang tama nito sa una pero kapag napapadalas na ang paggamit ay hindi namamalayan ng taong gumagamit ng drugs na ito na nasisira na pala ang kanyang internal organs huli na niya malalaman ito kapag malala na ang kanyang kalagayan.... Binebenta niya ang mga ito sa mataas na halaga sa underground kilala siya sa pangalang Dr. X siya sana ang bagong assignment ni Lady Ace pagkatapos sana niya lumaban sa palaro ni Queen Mirai... ang ipinagtataka ko lang ay paano siya nahandle ni Mr. Heron??? Ayon kasi sa nakalap na impormasyon ni Lady Ace isa siyang independent person kumbaga wala siyang mga grupo na sinalihan kaya nahirapan si Lady Ace na hanapin siya mailap kasi siya sa mga tao wala siyang pinagkakatiwalaan..."

Mahabang paliwanag ni Dr. Sui sa amin .

"Hindi kaya may dahilan Siya kung bakit napunta siya sa pamilyang Heron??.."

Sagot naman ni Daddy Isaac sa amin halos lahat kami ay napaisip sa sinabi niya.

"May Isa pang problema sir Icarus.."

Sabi ni Dr. Sui sa amin .

"I'm sorry to say this sir Icarus but this is not the right time para magpakilala kayo ni Marcus kay Lady Ace..... dahil hindi makabubuti sa pagbubuntis ni Lady Ace ang panunumbalik ng kanyang alala sa ngayon katulad ng ginawa ni Marcus noon na nasaksihan ng marami.... Ang panunumbalik ng kanyang Ala-ala ang nagiging dahilan kung bakit dumugo ang ilong niya at muntik na siyang makunan nabibigla kasi ang kanyang katawan.... Sa ngayon ay pinag-aaralan ko pa kung paano ko maibabalik ang ala-ala ni Lady Ace sa oras na makapanganak siya kahit papaano mahaba-habang panahon pa ang maaari kong gugulin sa pag-aaral na iyon."

 My Wife SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon