Part 56: Lady Ace / Ma'am Amarah

97 0 1
                                    

Angela pov :

Nandito ako sa clinic ngayon ni Dr. Carlos... ngayon kasi ang schedule para sa ultrasound ng baby namin ni Andrew gustong-gusto niya akong samahan dahil baka daw mahilo ako't mawalan ng malay sa daan pero tinanggihan ko siya dahil kailangan siya sa trabaho ngayon pinahatid niya na lang ako sa driver namin papunta dito sa clinic.

Habang naghihintay ako na tawagin ang pangalan ko ay may isang babaeng buntis ang tumabi sa akin at pinaharap niya ako sa kanya kaya napakunot ang noo ko.

"L-lady A-ace??..."

Naluluhang sabi ng babaeng buntis sa akin na lalong ikinanuot ng noo ko.

"I'm sorry miss hindi Ace pangalan ko my name is Angela.. and do I know you??.."

Kunot noong tanong ko sa kanya umiyak naman siya at umi-iling-iling habang nakahawak pa siya sa balikat ko.

"Mahal nandito ka lang pa---..."

Hindi naman natapos sabihin ng bagong dating na lalaki ang gusto niyang sabihin nang mapatingin siya sa akin.

"M-Ma'am A-amarah..? Ikaw ba talaga yan??"

Gulat na tanong sa akin nung lalaki.

"Isa ka pa Amarah naman ang tinawag mo sa akin.. Hindi Ako si Ace o Amarah na sinasabi niyo Angela ang pangalan ko.."

Nakukunsuming sabi ko sa dalawang kaharap ko.

"Mrs. Angela Heron??."

Narinig kong tawag ng isang nurse sa pangalan ko tinaas ko naman ang kamay ko.

"Narinig niyo ba yon? Angela Heron? Ako yon... Ako na ang tinatawag sa loob sige pasok muna ako sa loob bye."

Paalam ko sa mag-asawang nasa labas napaisip ako sa sinabi nilang dalawa..

"Humiga na po kayo Mrs. Heron para sa ultrasound niyo po.."

Magalang na sabi ng nurse sa akin sumunod naman ako sa sinabi niya humiga ako ng maayos.

Pinakiusapan ko si Dr. Carlos na huwag muna sabihin sa pamilya ni Andrew kung ano ang resulta ng ultrasound kahit labag sa loob niya napilitan na lang siyang tumango at niresetahan niya ako ng mga dapat kong inumin.

Pagkalabas ko ng clinic nandoon pa rin ang mag-asawa nakatingin sila sa akin I think ako ang hinihintay nila iiwasan ko sana sila pero mabilis na nakalapit sa akin ang babaeng buntis at hinawakan ako sa may braso.

"Miss pwede ka ba namin maka-usap kahit saglit lang....kung maaari sana dun tayo mag-usap sa mini stop please.."

May pagmamakaawang sabi sa akin ng babaeng buntis nag-alangan pa ako nung una naawa naman ako sa kanya lalo na't bawal sa buntis ang maestress kaya pumayag na lang ako na ikinatuwa niya...

Sa may pagtawid lang naman ang sinasabi niyang mini stop. Pagpasok namin ay pinaupo na kami ng Asawa niya sa pang-dalawahang upuan.

"Dyaan na muna kayo at mag-usap.... ako na ang bibili ng mga pagkain niyo.."

Sabi sa amin ng lalaki bago siya umalis para bumili.. Tumikhim muna ang babaeng buntis bago nagsalita..

"Pasensya ka na kung natawag kita sa maling pangalan miss kamukang-kamuka mo kasi ang dati kong amo ito yung picture niya..."

Malungkot na sabi niya sa akin sabay pakita ng isang picture sa akin nakaramdam ako ng kakaiba sa picture na nakita ko.

She's right parang ako talaga ang babaeng nasa picture buhok lang ang pinagkaibahan namin but we are the same features.

"May I know your name miss??.."

Curious na tanong ko sa kanya ...

"I'm Sylvia but my boss call me Slither..."

Sagot niya sa akin na may seryosong tingin.

"My husband name is Danny kilala niya ang boss ko dahil tinulungan niya ang pamilya ng asawa ko noon kaya sobrang nalungkot din sila sa pagkawala ng amo ko.."

Napahawak ako sa ulo ko dahil nakaramdam ako ng konting pagkirot sa may mga nakikita akong pangyayari pero blurred ito.

"Ayos ka lang Angela? May masakit ba sa'yo?.."

May pag-aalalang tanong sa akin ni Sylvia at hinawakan niya ako

"Ayos lang ako medyo nahilo lang ako dahil siguro sa pagbubuntis ko."

Nakangiting sagot ko sa kanya tinitigan naman niya ako ng maigi bago ngumiti.

"Ito kumain muna kayo alam kong gutumin ang mga buntis."

Masayang sabi ni Danny sa amin bago niya inilapag ang mga pagkaing binili niya umupo na siya sa tabi ni Sylvia at tahimik kaming kumakain hanggang sa natapos ..

Bago ako tuluyang sumakay sa sasakyan ay may inabot sa aking calling card si Sylvia.

"Kapag kailangan mo ako tawagan mo ako Am---este Angela mag-iingat ka pauwi bye..."

Tumango na lang ako sa sinabi niya at ipinasok ko sa bag ko ang calling card na binigay niya kumaway muna ako sa kanila bago ako sumakay sa loob ng sasakyan at umandar na ito paalis.



Slither / Sylvia's pov:


Hindi ako pwedeng magkamali si Lady Ace ang babaeng nakausap ko ngayon I know somethings happen to her kaya siguro wala siyang maalala at hindi niya kami nakilala.

Kanina nung nahilo siya pasimple kong sinilip ang likod tainga niya nandoon ang secret code niya as queen of HellCards.

Kailangan malaman agad ni Max ito..

"Mahal pakuha naman ng cp ko sa bag may tatawagan lang ako."

Sabi ko sa asawa kong si Danny habang naglalakad kami papunta sa sasakyan namin.

"Ito mahal oh... Kamusta na pala ang pagkilatis mo sa babae kanina may nakita ka ba sa kanya?..."

Curious na tanong niya sa akin.

"Oo mahal may nakita ako sa kanya  na magpapatunay na siya nga si Lady Ace pero ang ipinagtataka ko lang bakit hindi na niya tayo nakilala..."

Tanong ko kay Danny nagkibit balikat na lang siya. Tinawagan ko ang no. ni Max ring lang ng ring ito hindi niya sinasagot ang tawag ko.

"Ano ba Max sumagot ka.."

Naiinip na sabi ko.

["Anong meron?? bakit ka ba tawag ng tawag ?? Hindi mo ba Alam na naiistorbo mo ang trabaho ko ngayon..."]

Inis na sagot ni Max mula sa kabilang linya.

"Our Queen is alive Max I saw her but there's a problem hindi niya kami nakilala ni Danny..."

Diretsahan kong sabi sa kanya natahimik naman ang nasa kabilang linya.

["A-ano t-tama ba narinig ko?? Our Lady Ace is alive ??? Our Queen is alive? A-are you sure ? H-how did you know?"]

Kinuwento ko sa kanya ang nangyari kanina pati ang napansin ko sa may likod ng tenga ni Angela kaming mga member lang ng HellCards ang nakakaalam about sa code na iyon.

["Ilihim muna natin sa ibang member ang natuklasan mo... kay Icarus ko na lang muna ito Ibabalita... kahit na kay Angela nga ang code bilang Queen ng HellCards mas magandang may matibay pa rin tayong ebidensya na magpapatunay na siya nga si Amarah ang asawa ng ating King may hinihintay lang kaming DNA results na isinagawa... natutuwa ako sa binalita mo atleast kahit papaano may nangyayari na sa paghahanap natin kay Lady Ace ."]

Masayang balita sa akin ni Max sa akin nagkwentuhan pa kami tungkol sa ibang bagay kaya ilang oras pa inabot ang pag-uusap namin bago siya nagpaalam sa akin dahil magsisimula na daw ang meeting nila ng amo niya mga bigatin kasi ang kameeting Ng amo niya kaya kailangan maayos na presentation ang dapat nilang gawin.

 My Wife SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon