Part 68 : Island

65 1 1
                                    

Angela's pov :

"Wake up my Angel nandito na tayo sa hospital..."

Malambing na pagkakasabi ni Jexter sa akin habang ginigising niya ako.

"Nasaan na si manang??.."

Takang tanong ko kay Jexter pagkagising ko dahil pagtingin ko sa backseat ay wala na si manang doon.

"Nasa loob na si manang at  ginagamot na..... ginising kita para magamot din iyang mga sugat mo lalo na yung paa mong namamaga na.."

May pag-aalalang sabi niya sa akin at binuhat na niya ako napahawak naman ako sa batok niya dahil pakiramdam ko ay baka mahulog ako.

"Nasaan na tayo? Saang lugar na ba ito??..."

Kunot-noong tanong ko sa kanya at tumitingin sa paligid habang buhat-buhat niya ako papunta sa emergency room ng hospital..

"May mga sumusunod kasi sa atin kanina habang nasa biyahe tayo.... iyon ata yung sinasabi mong mga taong armado na sumugod sa inyo.... kaya no choice na ako kundi dalhin ko na lang kayo dito sa lib-lib na probinsya para hindi nila tayo agad na mahanap kung sakaling magtanong-tanong sila.."

Nag-aalalang paliwanag niya sa akin nakaramdam tuloy ako ng awa sa kanya dahil nadamay pa siya sa problema namin.

"Naku!! pasensya ka na sa nangyari.... nadamay ka pa tuloy sa problema namin imbes na tahimik ang buhay mo nagulo pa ng dahil sa amin..."

Hinging paumanhin ko sa kanya habang buhat-buhat niya pa rin ako hindi siya sumagot sa sinabi ko at ngumiti lang siya sa akin.

"Ayos lang ang mahalaga ay ligtas ka..... may bahay bakasyunan ako na pwede niyo munang pagtaguan kahit saglit kaso sa kabilang isla pa iyon.."

Alok niya sa akin ng makarating kami sa loob ng emergency room lalapit sana sa akin yung lalaking doktor nang mapatingin siya kay Jexter ay umatras ito maya-maya lang ay lumapit naman sa aming babaeng doktor at inumpisahan na niya akong gamutin.

"Naku!! Iha napasama ang pagkatapilok mo hindi ka muna pwedeng maglakad Ng ilang araw para mapabilis ang pag-galing mo and about naman sa baby niyo nothing to worry naman basta inumin mo ang mga vitamins na irereseta ko sa'yo at sapat na pahinga ang kailangan mommy huwag masyadong papakapagod okay?? ibibigay ko na lang kay daddy ang reseta..."

May pag-aalalang paliwanag ng doktor sa akin.

"Dok nagkakamali ka po hin----...."

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang biglang sumingit si Jexter sa usapan namin ng doktor.

"Ito lang po ba ang mga kailangang bilhin dok?.."

Nakangiting tanong ni Jexter sa Doktor..

"Yes daddy.... maaari na kayong umuwi..."

Masayang sabi ng doktor sa amin. Tatayo sana ako nang pigilan ako ni Jexter.

"Bubuhatin na kita narinig mo naman ang sinabi ng doktor my Angel di ba?.."

Malambing na sabi sa akin ni Jexter sabay buhat sa akin palabas ng hospital.

"Te-teka paano si manang??.."

Tanong ko sa kanya habang naglalakad siya palabas ng hospital..

"Wala pa ring malay si manang kaya kailangan muna siyang iadmit dito sa hospital huwag ka nang mag-alala titingnan-tingnan ko siya at babalitaan kita about kay manang pero sa ngayon magpahinga ka muna alang-alang sa baby..."

 My Wife SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon