Part 42: The Battle

90 0 0
                                    

Amarah's pov:

Nandito ako ngayon sa lugar kung saan nakalibing ang aking Ina dito mismo sa may hardin ng aming lumang bahay dito sa probinsya. Ito kasi ang hiniling ni mommy bago siya mawalan ng buhay sa kamay ng mga taong humahabol sa amin noon gusto niya dito dahil tahimik at payapa raw ang lugar na ito.

"Matagal na rin pala ang lumipas nung huli akong bumisita dito mommy.."

Malungkot kong sabi sa kanya habang hinahaplos ko ang kanyang puntod.

"Mommy naaalala mo pa ba yung huling sinabi ko dito sa puntod mo? na babalik ako rito na masaya at may masayang mga ikukuwento... i'm sorry i'm failed dahil malungkot pa rin akong bumalik sa'yo dahil sa ibang dahilan ."

Sabi ko sa puntod niya habang may luhang pumapatak mula sa aking mga mata.

Dito na lang muna ako magpapalipas ng mga natitira kong oras bago ako pumunta sa labanan hindi na kailangan pang linisin ito dahil may binabayaran akong taga-linis ng bahay pati ang puntod ni mommy tuwing linggo.

" Masaya akong makita ka dito iha lilinisin ko sana ang puntod ni ma'am Arah."

Masayang sabi ni mang Arturo sa akin siya ang caretaker dito sa bahay pinunasan ko kaagad ang aking mga luha bago ako humarap sa kanya at pilit na ngumiti.

" parang namayat ka ata iha?may dinaramdam ka ba?... kumain ka kaya muna iha sakto marami akong dalang pagkain dahil naparami ang luto ni misis para hanggang mamayang hapon ko daw ang pagkain na binaon ko teka lang hahainan kita..."

May pag-aalalang sabi ni mang Arturo sa akin at pumasok na siya sa loob para maghain ilang minuto pa ang lumipas ay lumabas ulit siya at tinawag ako para kumain..

"Kain ka lang ng kain iha marami naman ang dala kong pagkain.."

Natakam ako sa mga pagkain na nakahain kanin, dinaing na bangus , itlog na maalat na may kasamang kamatis , diningding , manggang hinog , nilagang saging na saba at ginamos kumuha rin siya ng ilang pirasong buko para maging inumin namin ang sariwang sabaw nito.

Matagal ko na kasing hindi nakakain ang mga ganitong klase ng pagkain namimiss ko tuloy si mommy dahil favorite niya ang isa sa mga inihaing pagkain ni mang Arturo ito ay ang itlog na maalat na may kamatis.

"Hhhhmmm... Ang sarap talaga magluto si aling Nora."

Nakangiting sabi ko kay mang Arturo magana kaming kumain lalo na't naka-kamay pa kaming kumakain halos naubos na namin ang lahat ng dala niyang pagkain sa ngayon nilagang Saba na isinawsaw sa ginamos ang kinakain ko.

"Kamusta ka na iha?? Nakikita ko sa'yong mga mata na may problema kang pinagdadaanan."

Malumanay na tanong sa akin ni mang Arturo habang kumakain ako ng Saba na sinawsaw sa ginamos huminga muna ako ng malalim bago ako nagsalita.

" Ayos naman ho ako huwag na ho kayo mag-alala sa akin hindi naman ho malaki ang problema ko mang Arturo."

Pagsisinungalin ko sa kanya pinilit kong magmukhang masaya sa harap ni mang Arturo para makumbinse ko siyang ayos lang ako.

"Ahhmmmm... Mang Arturo maraming salamat ho sa ilang taon niyong pagaalaga at paninilbihan sa aming pamilya kahit wala na si mommy ay hindi niyo pa rin iniwan itong bahay bagkus inalaagaan niyo pa rin itong bahay pati ang puntod ni mommy kaya naisip ko ho na ibibigay ko na ho itong bahay sa inyong mag-asawa masyado na ho kayong matanda para magtrabaho pa para may pambayad kayo sa bahay na inuupahan niyo ni aling Nora kada buwan pupuntahan kayo ng aking secretary para sa monthly budget niyo ibibigay na rin niya ang titulo nitong lupa't bahay na nakapangalan na sa inyong dalawa."

 My Wife SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon