Part 19: Dr. Santillianes

160 3 0
                                    

Icarus pov :

Bakla man tingnan pero aaminin ko kinilig ako sa sinabi ni Amarah kanina sa akin.

Si mommy naman ay kilig na kilig sa aming dalawa love songs na ang kanta ngayon at maraming couple ang nagsasayaw nakaisip ako ng idea kung paano ko sisimulan na maging close sa kanya.

" pwede ba kitang maisayaw wifey?"

Tanong ko sa kanya.

" of course Hubbie let's go!"

siya na ang humila sa akin at sumayaw kami sa gitna nang dance floor.

" this is the first time na may nagsayaw sa akin ng ganito. Kadalasan kasi ay tumatanggi ako kapag may nag-aaya sa akin na sumayaw"

sabi ni Amarah sa akin hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at hinawakan ko siya sa magkabilang beywang at nagsimula na kaming sumayaw ng dahan-dahan.

" kung ganun dapat pala ay magpasalamat ako sa'yo dahil pinagbigyan mo akong isayaw kita hahaha"

biro ko sa kanya yumakap naman siya sa akin na ikinagulat ko halos dikit ang aming katawan lalo na ang dibdib niya niyakap ko rin siya pabalik dahil maraming kalalakihan ang nakatitig sa kanya.

" kaya ako pumayag dahil gusto ko malaman kung ano ang pakiramdam ng isinasayaw ng isang lalaki."

sabi niya sa akin humiwalay siya ng konti sa akin at tumitig siya sa mga mata ko.

Maganda si Amarah parang familiar ang mga mata niya at ngayon ko lang napansin ang dimples niya nang biglang pumasok sa isip ko ang babaeng nakilala ko sa bar nung college ako .

" so ngayong na nakasayaw ka na ng isang lalaki pwede ko bang malaman kung ano ang pakiramdam mo bilang isang babae? Hhhmmm?."

Pabiro kong tanong sa kanya. Nagulat ako nang kunin niya ang kamay ko na nakahawak sa beywang niya at idiniin sa may dibdib niya.

Agad kong binawi ang kamay ko pero hindi ko agad nabawi dahil sa higpit ng hawak niya sa kamay ko napatingin ako sa paligid at doon ko lang napansin na kami na lang pala ang natitirang sumasayaw at lahat ng atensyon ng tao Lalo na ang medya ay nasa amin na ikinataranta ko.

" Nararamdaman mo ba ang sobrang bilis ng pagtibok ng puso ko? Ganyan ang nararamdaman ko sa tuwing nakikita kita I don't know why? Maybe I'm sick how about you Hubbie? Ano nararamdaman mo kapag magkalapit tayo..."

Naguguluhang tanong niya sa akin.

" a-ah! e-eh! A-ano! pwede bang tanggalin muna nating ang kamay ko sa dibdib mo dahil pinagtitinginan nila tayo bago ko sagutin ang tanong mo."

Nahihiyang sabi ko sa kanya.

" Mga anak!! may kwarto naman!! mamaya niyo na gawin iyan. alam kong parehas kayong sabik sa isa't-isa pero pwede bang tapusin muna nating ang party bago niyo gawin iyan atsaka may mga bata dito SPG ang ginagawa niyo ohh!!!" 

Nakangiting sigaw ni mommy habang ang dalawang kamay ay nakatakip sa mata ng dalawang bata.

Si lolo at daddy ay nakangisi lang nagtawanan naman ang mga bisita.

 My Wife SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon