Part 49 : Andrea Mini Version Of Amarah

87 2 1
                                    

Icarus pov:

Andito kami sa mall ni Condrad ngayon dahil naghahanap kami ng magandang isusuot na damit para sa dadaluhan naming aniversary party ng isang kumpanya.

"Ito bro... try this one magmumuka kang bachelor kapag sinuot mo ito..."

Sabi sa akin ni Condrad.

"Hindi ko na kailangan magmukhang bachelor dahil aniversary party ang pupuntahan natin at hindi blind date atsaka alam naman ng lahat na i'm a married man at si Amarah lang ang nag-iisang asawa ko wala nang papalit pa sa kanya dito sa puso ko."

Sabi ko sa kanya habang tumingin-tingin ng isusuot para sa party.

"Naks!!! eh di ikaw na ang loyal sa asawa gusto mo patayuan pa kita ng rebulto tapos ang ilalagay kong caption "ICARUS...ANG DAKILANG LOYAL NA ASAWA NI AMARAH." huwag kang mag-alala magandang kuha mo naman ang pipiliin kong pag-gagayahan nun kung sakali."

Biro niya sa akin nakapili na ako ng susuotin at binayaran ko na ito kaagad.

"Di ba dapat ikaw ang dapat patayuan ng rebulto at ang caption ay "ANG DAKILANG ENGOT NA MANLILIGAW NI CHRISTINE." dahil sa limang taon mong panliligaw kay Christine hanggang ngayon bokya ka pa rin hahaha... isa na lang ang natitirang solusyon alam mo kung ano?.."

Pang-aasar ko sa kanya napatigil naman siya sa huli kong sinabi.

"Sabihin mo nga sa akin ano ang natitirang solusyon para mapa-ibig ko si Christine?"

tanong niya sa akin makikita mo sa kanya na desidido siya na gawin iyon.

"Gayumahin mo hahahaha ang tanong tatalab kaya iyon sa kanya.?"

Napaisip naman siya sa sinabi ko at tumingin siya sa akin ng seryoso.

"San ba meron nun? gusto ko magbakasakali magbabayad ako kahit magkano."

Natawa ako sa sinabi niya sa akin na ikinanuot naman niya ng noo.

"Talaga ba? Baka lagnatin ka kapag naglabas ka ng malaking pera hahahahah..... Atsaka nasaan na ang pinagmamalaki mong kagwapuhan ha??... Akala ko ba babae pa ang lumalapit sayo??.... baka nakakalimutan mo sabi mo pa sa akin noon gusto mo ikaw ang humahabol sa babaeng mapapangasawa mo oh!.. ayan na! dininig na ang panalangin mo..tsk!..tsk!..tsk!.. Ito ha... ako naman ang magpapayo sa'yo... kung ako sa iyo ibahin mo na ang paraan mo sa panliligaw sa kanya alalahanin mo ate niya si Amarah kung hindi nakita ni Amarah ang kagwapuhan mo ganun din siguro siya.. atsaka ENGOT ka talaga alam mo naman na ilag siya sa mga lalaki panay dikit mo naman sa kanya malamang lalong lalayo ang tao sa'yo tama na munang makuntento ka sa LDP tingnan mo kami nag-uusap pa rin kami ni Christine dahil medyo lumalayo ako sa kanya kaya panatag siya saakin ako na ang nag-adjust para sa kanya dapat ganun.."

Mahabang paliwanag ko sa at lumabas kami ng store kung saan kami bumili ng damit.

"Ano naman ang LDP bro parang Ngayon ko lang narinig iyon madalas ko kasi naririnig LDR.?"

Tanong niya sa akin na nakakunot ang noo .

"Long Distance Panliligaw hindi naman pwedeng tawaging LDR ang relasyon niyo dahil hindi naman kayo magjowa wag lang feeling Condrad.."

 My Wife SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon