Part 64 : Unknown Man

64 1 1
                                    

Angela pov :

Pagkatapos ang nangyari sa akin sa The Caffee ilang araw muna akong hindi pinapasok ni mommy Nina ang sabi niya kasi sa akin ay naover fatigue daw ang katawan ko kaya dinugo ako hanggang ngayon ay nakahiga lang ako dito sa kama tatayo lang ako kapag gagamit ng c.r o lilipat ng pwesto ng higaan may maliit kasing kama na inilagay sa terrasa para kapag gusto ko sumagap ng sariwang hanggin doon ako hihiga.

Magpahinga na lang daw muna ako dito sa bahay siya na raw ang bahala sa The Caffee tutal alam naman daw niya kung paano ang magbake ng mga cookies , cup cakes at iba pang pagkain at inumin na nasa menu ng The Caffee.

"Iha dito ka muna ha? Isasama ko na lang si Andrea para makapagpahinga na kayo ng maayos ni baby kung may kailangan ka o gustong kainin tawagan mo lang ako o si manang may darating din pala na nurse dito mamaya para tingnan-tingnan ang kalagayan niyo ni baby okay ba Angela?.."

Matamlay na sabi ni mommy sa akin napapansin ko ang pamumugto ng mga mata niya.

"Mommy may problema po ba?? Bakit ang lungkot mo po at namumugto pa ang mata niyo?.."

Nag-aalalang tanong ko sa kanya ngumiti naman siya sa akin pero kahit anong ngiti niya mahahalata ang lungkot sa mga mata niya.

"Don't worry about me iha I'm fine basta ang bilin ko sa'yo ha magpahinga muna kayo ni baby bawal ka muna magkikikilos aalis na kami bye."

Paalam niya sa akin bago niya ako hinalikan sa pisngi atlumabas ng kwarto.

Pagka-alis niya ay dahan-dahan akong bumangon at pumunta sa may terrasa umupo ako sa maliit na kama habang nakatanaw sa malayo.

Habang nakatanaw ako sa malayo may napansin akong tao sa di kalayuan sa bahay namin tinitigan ko ito maigi pero hindi ko makilala kung sino ang taong ito dahil nakajacket siya na may hood at nakafacemask pa.

May nakasabit na DSLR na camera sa may bandang balikat niya kumaway siya sa akin nawala ang atensyon ko sa kanya nang marinig kong si manang na pumasok ng kwarto namin ni Andrew.

"Ma'am ito na po ang almusal niyo ni baby kumain po kayo ng marami atsaka po ito rin po yung mga vitamins na dapat niyong inumin..."

Magalang na sabi ni manang sa akin dahan-dahan niyang inilapag sa may lamesa sa terrasa ang pagkain ko.

"Aahhhmm... Manang pwede po bang ibili niyo ako ng inihaw na paa at malalaking kwek-kwek iyon po kasi ang gusto kong kainin ngayon okay lang po ba??.."

Sabi ko kay manang ngumiti naman si manang sa akin.

"Oo naman iha igagawa na lang kita ng inihaw na paa at kwek-kwek tamang-tama pupunta ng palengke si Nelia isisingit ko sa listahan ang mga sahog na gagamitin sa pagluluto nun. Kumain ka muna ng almusal kasi mamaya mo pa makakain yon kung sakali iha.."

Nakangiting paliwanag ni manang sa akin.

"Ayos lang po manang salamat po pasesnsya na po kung naabala pa kita.."

Natawa naman si manang sa sinabi ko at hinaplos niya ang buhok ko.

"ano ka ba iha ayos lang naaalala ko sayo ang anak kong babae nung nagbubuntis pa siya ganyan din siya sa akin noon mahilig magpaluto sa akin ng kung ano-ano nung hindi pa ako pumapasok dito hahahaha..... o siya iha kumain ka na at ako'y babalik na sa kusina baka kasi naiinip na si Nelia sa kakahintay sa akin ako kasi ang gumagawa ng listahan ng mga bibilhin niya isisingit ko muna ang mga sahog na kakailanganin ko sa pagluluto ng inihaw na paa at kwek-kwek.."

Pagkalabas ni manang ng kwarto nagsimula na akong kumain masarap naman ang niluto niyang sinangag na may tapa at itlog sinamahan niya pa ng gatas para inumin at papaya na may halong powder milk at asukal isa din kasi yun sa pinaglilihian ko kapag walang papaya avocado naman..

 My Wife SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon