Part 55: Mystery Person

80 1 0
                                    

Icarus pov:

Pagkagaling ko sa bahay ni Andrew ay niyaya ko na si Condrad umuwi.

"Nakuha ko na ang kailangan natin umuwi na tayo sasabihan ko na sila dad.."

Pasimpleng bulong ko kay Condrad.

"Mamaya na tayo umuwi nag-eenjoy pa akong kasama si Andrea eh..."

Nakangiting wagas ni Condrad habang nakatingin kay Andrea maasayang kinakausap si Christine habang umiinom siya ng alak.

Napakunot noo naman ako dahil sa sinabi niya anyari??

"Ano namang masamang hangin ang nasinghot mo ngayon at gusto mo ng makasama si Andrea?? Hindi ba sabi mo ay ayaw mo sa kanya dahil nabudol ka niya at naphobia ka na sa mga kamukha ni Amarah.."

Nagtataka kong tanong sa kanya humarap siya sa akin at ngumiti ng sobrang tamis.

"Hindi na ngayon bro bff na daw kami sabi niya sa akin..."

Napakunot pa lalo ang aking noo at talagang nagdududa na ako sa mga ikinikilos niya ngayon.

"Bff??."

Nagdududa kong tanong sa kanya.

"Oo bff as in Best friend forever Yun daw ibig sabibin nun sabi niya sa akin.."

Tumingin ako ulit sa pwesto nila Christine napansin ko na tumayo na si Andrea at hinila na niya si Christine patungo sa pwesto namin. Naibuga naman ni Condrad ang iniinom niya medyo natataranta siya at hindi mapakali dahil papalapit na sila Christine sa pwesto namin dinagukan ko tuloy siya para umayos.

"Ano ka ba!! Sa ginagawa mong iyan nagmumuka ka talagang engot... relax ka nga lang dyan.... Pwede ba umayos ka..huwag kang umasta na parang asong sabik na sabik na makita ang amo ipakita mo sa kanya na isa kang gentleman kung sakaling paupuin siya ni Andrea malapit sa'yo medyo umiwas ka ganun gawin mo para hindi siya mailang sayo use your common sense naman kahit ngayon lang chance mo na ito para maiba naman ang tinging niya sa'yo."

Nakukunsuming sabi ko sa kanya sinunod naman niya ang sinabi ko umupo siya ng maayos na parang walang nangyari.

"Tita Christine siya po si Tito Condrad he's nice po and handsome."

Masayang pinakilala ni Andrea si Condrad kay Christine mapapansin mo naman sa mukha ni Condrad na pinipigilan niyang ngumiti dahil baka mailang si Christine sa kanya.

"Hi..."

Yun lang ang nasabi ni Christine na may kasamang pilit na ngiti. Nawala ang ngiti niya nang ilapit ni Andrea ang kamay niya kay Condrad para makipag shake hands.

"Hindi ako pwedeng makipag shake Andrea kasi madumi ang kamay ko oh..."

Dahilan ni Condrad kay Andrea pinakita niya ang kamay niyang may konting chocolate sa kabilang kamay naman niya ay may hawak siya na alak.

"Ganun po ba.....  upo ka na lang po dito tita Christine tapos kain po tayo nagugutom na po kasi ako eh.."

Tinuro ni Andrea ang upuan na malapit kay Condrad hindi naman malaman ni Christine kung uupo ba siya upuan o hindi.

Pasimple kong siniko si Condrad at sinenyasan ko kung ano na ang gagawin niya na-gets naman niya ang gagawin inilayo niya ang upuan niya para makaupo na si Christine.

 My Wife SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon