Chapter One

876 26 4
                                    

Chapter One

"Patricia!"

Halos mapairap sya nang marinig na tinawag sya ng Mama nya.

"Patricia, huwag kang bastos."

Inis na hinarap nya ang Mama nya at tinaasan ng kilay ang lalaking katabi nito.

"Let her be, Aira."

Sinamaan sya ng tingin ng Mama nya kaya napabuntong hininga sya. She hated her Dad for leaving them just like that. Tapos itong Mama nya, para namang wala lang kasi tinatanggap pa ito sa bahay nila.

Pumihit nalang sya paakyat sa kwarto nya uli at kinalma ang puso nya. Anak sya sa labas at hindi na bago sa kanya iyon. Alam nya ding wala syang karapatang magreklamo pero nasasaktan sya na pinaasa sya ng Dad nya na sila ang tunay na pamilya nito.

Inabala nalang nya ang sarili sa paggawa ng mga crochet stuffs nya nang marinig nya ang katok sa pinto nya. She choose to ignore her Mama kasi alam nyang tatalakan sya nito.

"Patricia,"

"Ma, alam ko."

"Gusto ka lang nyang kamustahin."

Hindi sya sumagot, narinig nya ang buntong hininga ng Mama nya bago sumara ang pinto. Binitawan nya ang hawak at pumikit ng mariin. Kapagkuwan ay biglang nanikip ang dibdib nya kaya tumayo sya at inabot ang gamot nya sa puso.

Nanginig pa ang kamay nya pero kalaunan ay nakainom naman sya.

She made a mental note to visit her doctor later.

Wala ang mama nya sa ibaba nang sumilip sya. Siguro ay busy sa flower shop nito. Dali dali syang lumabas at pumara sa taxi. Ito ang ayaw nya, ang pakikipagkita sa doctor nya pero dahil lately pakiramdam nya lumalala ang sakit na nararamdaman nya, kelangan na talaga nyang makipag usap dito.

A nurse welcome her as soon as she entered the hospital. Giniya sya nito sa loob ni Doc Yappy.

"Good Afternoon, Miss Tan. Long time no see."

Alangan syang ngumiti at naupo sa tapat nito.

"Matigas pa din ang ulo mo. It's been one year since you last visited me."

Kinamot nya ang pisngi. "I'm sorry, Doc. Busy lang talaga sa trabaho."

"I told you to quit stressing yourself." anito na may chineck sa computer.

She sighed, makulit nga talaga ang ulo nya. Ayaw na kasi nyang tumapak pa uli sa hospital, okay naman na sya, Kapag lang stress sya, tyaka lang sya nakakaramdam ng kakaiba. She has heart disease, and she's not even complaining about it. Ang sa kanya, kung mamamatay sya, di mamamatay.

"I need to have your x-ray again."

Tumango nalang sya. Niready na ni Doc ang gagawin sa kanya, kinuhan din sya ng dugo para sa test result ba yun, tamo hindi nya alam ang tawag sa mga ginagawa sa kanya.

Dinalhan sya ng tsaa ng nurse habang naghihintay sya ng result. Pinasadahan nya ng tingin ang kabuuan ng hospital kung nasan sya. Kung malala ang mababasa ng doctor sa kanya, posibleng ma-confine sya para sa iba pang test na gagawin sa kanya.

Her phone beep, sinilip nya kung sinong nagtext at nakita ang pangalan ng Mama nya. She choose to ignore it, ang alam kasi ng mama nya ay medyo okay na sya at ayaw na nyang mag alala ito.

Napaayos ang upo nya nang pumasok sa opisina nito si Doc at umiling sa kanya. Ngumiti naman sya.

"Doc?"

"Buti at hindi lumala ang sakit mo. Reresetahan nalang kita ng gamot." ANito bago naupo. "At please, bumalik ka next month for your monthly check ups."

Panay lang ang tango ni Patricia kay Doc. Matapos ibigay sa kanya ang mga reseta, nagpasalamat na sya agad at nagbayad. Dumiretso sya sa botika sa labas para makabili na ng mga gamot nya.

Island Series: Patricia TanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon