Chapter Five

547 24 0
                                    

Chapter Five

Wright softly held Patricia's waist before pulling away from the kiss. Hindi agad nakapag react si Pat at kumurap kurap pa. Bago pa sya makalayo, hinalikan sya uli ni Wright. It was just a close mouth kiss.

A loud music made her gasped. Lumayo sya kay Wright at kinalma ang sarili nya.

"Uhm... I-I need to go."

Sinubukan nyang tumayo, but Wright caught her wrist.

"I'll walk you home."

"Kaya ko naman..."

"You're a bit tipsy, Patricia. Let me walk with you."

She bit her lower lip and let Wright held her. Nilampasan lang nito ang mga tumatawag dito. Hindi naman alam ni Patricia ang gagawin, kanina lang ay hinalikan sya ni Wright at wala syang ideya kung bakit.

Nabuhayan sya ng masipat ang hilera ng cottage nya. Wright was quiet beside her, kaya mas lalo nyang naramdaman ang awkwardness.

"Okay ka lang?" She asked him.

"I'm good. Ikaw?"

Umiwas sya ng tingin dito at huminto sa tapat ng mismong cottage nya. She doesn't want to be rude so she faced Wright again and smiled even though she feel awkward.

"Ahm,"

"The kiss earlier, blame me for that but.."

"Hindi. Ano, wag mo nalang isipin." Mabilis syang lumayo kay Wright. "Pasok na ako."

Tinalikuran na nya si Wright at halos maibalibag ang pinto pasara. Pumikit sya ng mariin dahil hindi pa naman halos tinatamaan ng alak pero ramdam nya iyong halik na ginawa ni Wright sa kanya. She doesn't want to ask him kasi baka isipin ng lalaki, big deal at interesaado sya. But damn, that man had some soft lips.

Napamulat sya sa mga iniisip at agad sinabunutan ang sarili.

---

"Hi luv! Can you tour me around?" Bati nya agad kay Aliana nang buksan nya ang double doors. "Hi Ava!"

"Hello po."

"Are you okay?" Tanong ni Aliana sa kanya. Tumango naman sya. "Ava, ikaw na muna bahala dito."

Hinawakan nya si Aliana sa kamay habang naglalakad sila. Kumunot ang noo niya nang maramdaman ang lamig sa kamay ng kaibigan.

"Luv, are you okay? Ang lamig ng kamay mo."

"Pat, buntis ako."

"Ah, buntis ka lang pala--ANO? Buntis ka?" Nanlalaki iyong mata nyang sabi.

Tumango ito at pinagpatuloy ang paglalakad. Habang sya ay gulat na gulat pa din.

"Oh my god! Congrats Luv! Magiging ninang na ako!" Kinikilig na sabi nya ng mag sink in sa wakas at nanggigigil na niyakap pa ang kaibigan. "Nasabi mo na ba kay Allen?"

"Hindi sya ang ama."

Patricia stopped and she blinked a couple of times.

"Oh my god! Did you had an affair? Kay Shinubooo? Oh my god!"

Hindi na napigilang matawa ni Aliana sa naging reaksyon nya. Hinampas nya ito ng malakas kasi alam naman ni Aliana na medyo may pagka-slow at lutang sya. Plus madali syang maniwala sa mga sabi sabi.

"Hoy buntis ako!" nanlalaki iyong mata ni Aliana'ng sabi sa kanya.

"Kakainis ka! I was thinking na tuloy kung nag-ka-affair ba kayo ni Shin. Iyong singkit na iyon, madaming babae!"

Island Series: Patricia TanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon