Chapter Eight

496 22 0
                                    

Chapter Eight

"Thank you, Wright."

Tumango ito, hindi na nga halos matandaan ni Patricia kung iniwan nya ba doon sa lobby or sadyang nagpaiwan si Wright. Nataranta talaga sya at agad na hinanap ang room ni Aliana. Pabalibag nyang binuksan iyong pinto.

"What happened? Is the baby okay?"

"I'm okay, Pat." Natatawang sabi ni Aliana sa kaibigan.

Nakita nya sa gilid si Allen. "Ito ba ang may kasalanan? Hoy Allen, buntis ito, bakit naman biglang--"

Ni hindi ito pinansin ni Allen, at lumabas para siguro icheck ang bill. Inambahan ito ni Patricia ng suntok.

"Tamo! Nakakagigil!"

"Pat,"

"Bakit ka ba kasi nahimatay? Buntis ka!" Sabi nya.

"I'm really okay. It's normal."

Inasikaso nya si Aliana na tahimik namang pinagmamasdan ni Allen sa gilid. Ayaw nyang mainis kasi baka mas lalong ma-stress si Aliana.

"Babalik na pala ako sa Manila. May aasikasuhin lang ako and sure that I will be back."

"Hindi mo pa naikukwento ang problema mo."

"Tss. Forget about that. Isipin mo nalang ang kaligtasan ni Baby." Hinaplos nya ang tiyan ng kaibigan.

Nangakong magpapadala sya ng mga prutas bago umalis. Kailangan na nyang ayusin ang mga gamit nya dahil bukas ang balik nya sa Manila. Masyado na syang maraming bakasyon, kailangan na nyang kumita ng pera para sa future nya. At isa pa, kailangan nya ding icheck ang mama nya sa bahay.

Masaya ito, oo. Pero hindi nya alam kung hanggang kailan iyon. Namulat na syang hindi na sila ang first priority ng Papa nya.

Maaga syang nagising kinabukasan. Nagpadala ng breakfast sa cottage bago naligo. Nagpadala din ng mga prutas para sa buntis. Afterwards she check out.

Binilinan ni Allen ang isa mga bangkero doon na asikasuhin sya, hindi nya lang mapigilang mapaismid kasi naiinis sya dito. Marahil na ito ang may kasalanan kung bakit nahimatay si Aliana.

"Ako na po, Ma'am."

Inabot nya ang maleta sa bangkero at umakyat na sa bangka. Sinuot nya ang sunnies at umupo na. Pinasadahan nya ng tingin ang kabuuan ng isla at nangako din sa sarili na babalik sya dito. But for now, she needee to face the reality again.

Abala lang sya sa pagchecheck ng mga emails sa biyahe, at nang makarating sa apartment, kaagad syang nakatulog.

Kinabukasan din ay agad syang balik trabaho. She was even welcomed by Mrs. Pingris and a lot of paper works.

Subsob sya sa trabaho ng mga nagdaang araw.

Natutulala at sumisimsim sa kape at nakamasid sa papalubog na araw. Ngayon lang sya nagbreak sa trabaho ngayong araw. She was too focused, at nagsimula na uli syang gumawa ng crochet bikini's.

Marahan nyang hinilot ang leegan.

"Ito pala ang kapalit ng mahabang bakasyon." Marahan nyang inayos ang suot na reading glass.

Paspasan ang pagtatrabaho para sa bago g launching ng mga products nila. Sisiw lang kay Patricia ang mga iyon, sanay na sya.

"Miss Pat." Katok ni Marella sa table nya.

"Yes?"

"Sa office daw po ni Mrs. Pingris."

She stood up and grabbed her tablet. Kumatok sya ng tatlong beses bago pinihit ang seradura.

Island Series: Patricia TanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon