Chapter Three

624 21 0
                                    

Chapter Three

Napahawak si Patricia sa pader dahil muntik nang mawalan ng balanse, Wright immediately went to her. Tinaas ng mabilis ni Pat ang kamay nya.

"Ugh, nasusuka ako."

"You should drink water." singit ni Emilia sa kanila. Pinasadahan pa nito ng tingin si Wright. "Anong ginawa mo kay Patricia?"

"I didn't do anything."

Sinamaan ng tingin ni Emilia ang lalaki baga inabot kay Patricia ang water bottled. Kapagkuwan ay pumay awang ito.

"I know men like you, lalapitan ang babae tapos ano!"

Binalewala ni Wright ang pagtataray ni Emilia at sinulyapan si Patricia na kakatapos lang uminom ng tubig. Nagtama ang mata nila. Bago pa makapagsalita si Patricia, umariba na ng hampas si Emilia kay Wright sa ulo. Nanlaki ang mata ni Patricia dahil doon at nilayo ang babae. Napatawa naman si Wright at sinulyapan sya.

"I'm okay, pasensya ka na." she bite her lower lip.

"Binabastos ka nito." singit ni Emilia.

Umiling sya. "No, Uhm, he  was just talking to me..." lumapit sya ng bahagya kay Emilia. "Kaso tinatamaan na ako sa alak."

"Ah, true ba?"

Isang marahang tango ang ginawa ni Patricia. Wright was just standing there, watching them both.

"Oh, sorry. Kasi naman."

"It's my fault then?"

"Go on, Emilia. I'm okay. Baka hinahanap ka na ng kasama mo."

Emilia nodded her head, tinapunan nya pa ng tingin si Wright but the man just shrugged his shoulder. Nang makaalis si Emilia kaagad na tumalikod si Patricia para sana makabalik sa cottage nya but Wright cleared his throat.

"I'll walk you to your cottage."

"Hindi na. A-ako--" Naputol ang sasabihin nya ng lagpasan sya ni Wright.

Humaba ang nguso nya at sumunod nalang sa lalaki. She bit her lower lip.

"Wait." aniya. "Can I asked, where is the moon painting that you bought?"

Umangat ang kilay nito sa kanya. She was supposed to be pissed off with this man because she remember that this man bought the moon painting, but she totally forgot it.

"Why should I answer you?"

"Kasi po ako dapat ang bibili noon."

"There's a lot of moon painting."

"Memorable kasi iyong nakuha mong moon painting. I admire the artist who painted it."

Wala syang narinig na sagot dito kaya sinilip nya ang mukha nito. Diretso lang ang tingin nito sa dinaraanan nila.

"Wright?"

"Find another moon painting."

Umismid sya at naglakad nalang, medyo hindi pa din sya sanay sa paglalakad sa buhanginan. Bigla ay naalala nya si Aliana, ni hindi man lang talaga sya nito inaaya pumasyal. Iba na ba talaga kapag may asawa na ang kaibigan?

"Where's your cottage?"

"Dito."

She lead the way. Lumiko sila.

"Actually, you don't have to do this. Kaya ko naman maglakad, I'm not that drunk."

"Okay." Anito.

Huminto sya sa tapat ng cottage nya, pagkatapos ay hinarap si Wright. He was eyeing her intently.

"I'm all good here."

Island Series: Patricia TanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon