Chapter Four

559 24 7
                                    

Chapter Four

Nahinto si Patricia nang magring ang phone nya, she checked her phone and Aliana's name flashed on the screen. Binalewala nya iyon at inangat ang tingin, she was greeted by Wright's dark eyes under the light of the moon.

"Uhm.."

"This is the perfect spot for you to admire the moon."

Pinasadahan nya ng tingin ang paligid, wala naman syang nakikita na kakaiba. Sa harapan nya nga lang ay kitang kita nya ang ganda ng buwan. Hindi nyo sya masisisi, iba talaga ang hatid ng buwan sa kanya.

Once again her phone rang.

"Wait lang," tumalikod sya at sinagot ang tawag galing kay Aliana. "Ano?"

[San ka pupunta?]

Napalingon sya sa paligid matapos marinig iyon. Then she blinked.

[Pumunta ka dito sa Shop. I'll be waiting.]

Mabilis pinatay ni Aliana ang tawag kaya napairap sya sa cellphone. She looked at Wright whose looking at her also, muntik na syang matumba. Sinulyapan nya ang buwan.

"I need to go, thank you for sharing this spot."

"No worries."

Patricia nodded and turned her back. Tinahak nya ang mabuhanging daan para makarating sa Craft Shop. She already saw Aliana inside, buti naman at naisipan sya nito ngayon. Porke wala ang asawa, second choice sya?

Tinulak nya ang pintuan gamit ang puwit at kumaway kay Aliana nang mapabaling sa kanya.

"Hi Luv! What's up?"

"Where have you been?"

"Roaming around, madami kang customer today?"

"Hinahanap nila ang bagong crochets."

Pabagsak syang naupo sa bilog na couch doon, "I'm still on a vacation."

Umirap si Aliana sa kanya pero natawa lang sya.

"I already ordered for our food,"

"Hindi pa ako gutom. Wala si Ava?" Tanong nya nang mabaling sa counter.

"Nag early out."

Ang bilis nyang tumayo at pumasok sa counter, she even giggled.

"Ako na muna cashier mo."

"Do whatever you want."

At the last minute of the shop, madami pa ding pumasok at bumili. Sinara lang ni Aliana iyon bago dumating ang pagkain nila.

"Parang hindi ata nangangamusta si Allen. Was that normal?"

"Di tawagan mo."

Patricia eyed her friend. "Ang sweet mong asawa, ni hindi mo lang ba ina-update iyon?"

Aliana just shrugged her shoulder.

"Paano kung naagaw na pala iyon sa Manila? Ang daming magagandang model!" pambubuyo nya pa. "Naku, huwag kang lalapit sa akin kasi may kabit na si Allen ha! Kukurutin kita."

"He can do whatever he want."

"Naririnig mo ba ang sarili mo?"

Ngumiti ng sweet si Aliana at sinubuan ng malaking hipon si Patricia para manahimik na.

"Feeling ko buntis ka."

Sinamaan sya ng tingin ni Aliana, Patricia just giggled.

After nila kumain, sinara na nila ng tuluyan ang shop. She invited Aliana for a drink pero umayaw ito at pagod na dahil sa maghapong pagtatrabaho. Hinatid nalang nya ito sa cottage bago sya umalis. She wanted to have a drink before sleeping.

Island Series: Patricia TanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon