Special Chapter

383 19 2
                                    

Special Chapter

Mabilis na napatayo si Wright nang makinig na umiiyak ang anak nya. Tinapik lang ni Patricia ang balikat nya.

"Ako na, babe. Matulog ka pa."

Pinanuod nyang buhatin ni Patricia si Zed at nagpa-breast feed.

"Tulog ka na uli, may trabaho ka pa diba?"

Sinilip nya ang orasan sa gilid at nakitang alas tres na ng madaling araw.

"I'll cook breakfast babe. What you like?"

Ngumuso si Patricia. "Ham at egg. May tira pang kanin kagabi, pasangag nalang."

Tumayo na sya at hinalikan sa labi si Patricia. Tinanaw naman ni Patricia ang asawa na lumabas na ng kwarto bago sya bumaling sa anak nya. Zed is already eight months old, wala namang bago sa kanilang mag asawa. Sa Taguig sila nakatira pero nagbabakasyon sila sa Isla Verde kapag may oras sila. Both of them had work here in manila. May nanny si Patricia na si Aliana mismo ang naghire para makasiguradong safe si Zeddy.

---

"Happy Birthday, Zeddy!" Pumalakpak pa sya kasi humagikhik ang anak nya.

Si Wright ang may bitbit dito, tuwang tuwa si Zed sa mga taong nasa paligid nya. First birthday nito at talagang mabilis lang lumipas ang bawat araw.

"Happy Birthday, Zeddy." Ani Haven at hinalikan pa ito sa pisngi.

Sumunod si Luigi na anak ni Pepper. Nagsimula na syang asikasuhin ang mga bisita dahil ayaw nang bitawan ni Wright ang anak nila. Humaling na humaling si Wright dito na minsan nalang nyang nahahawakan. Pinaghandaan nila ang araw na ito para sa anak.

"Wright, ako na. Papalitan ko lang damit."

Humalik si Wright sa pisngi ni Zed bago inabot sa kanya. Pinunasan pa ni Patricia ng pawis ang asawa.

Dumating ang ilang kaibigan nito at nagsimula nang umupo sa isang table. Dinala naman nya ang anak sa kwarto nila para mapalitan ng damit. Palaging ganito si Zed sa kanya, nakatitig parang iyong ama.

"Ate Lai. Pahawak naman po muna."

Tumalima ang nanny ni Zeddy. May nagpapaalam na kasing bisita kaya nilapitan nya para magpasalamat dito.

"Babe." Hinawakan sya ni Wright ng mapadaan sa table. "Iinom na kami ha. Kaya mo na ba?"

"Oo naman."

"Alright," hinalikan ni Wright ang braso nya.

"Enjoy kayo."

Hindi naman nya pinagbabawalan si Wright, basta kaya nito. Nagkaroon sya ng pagkakataon kumain habang hawak ni Ate Lai ang anak nya. May iilan na ang nagpaalam sa mga bisita.

Tumulong na din sya sa pagligpit ng mga gamit. Nakatulog na si Zed nang maayusan nya. Sinilip nya si Wright at nakitang nagpapaalam na ang mga kaibigan.

"Misis! Alis na kami, salamat!"

"Oy! Ingat kayo, kaya nyo pa ba?"

Sumaludo lang sina Zero sa kanya. Pagtingin nya kay Wright, nakangiti ito sa kanya. Nilock nya ang gate nila, saktong pagharap nya ay syang pagsalo ni Wright sa baywang nya.

"Tulog na si Zed?"

"Kanina pa. Magwash ka na para makatulog ka na, bukas nalang ayusin dito." Tinapik nya ng mababaw ang pisngi ni Wright.

Pagkabihis ni Wright, agad na itong nakatulog. Sinilip nya lang si Zed bago sya humiga sa tabi ni Wright. Kinabukasan, balik trabaho na silang dalawa. Maiiwan si Zed kay Ate Lai, at sabay silang papasok sa trabaho. As much as possible, ayaw ni Patricia na magkaroon ng complications ang buhay nya ngayon. She's avoiding the stress and such, ang iniisip nya lang ay ang pamilya nya.

Island Series: Patricia TanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon