Chaper Twenty One

469 16 8
                                    

Chapter Twenty One


"May gusto ka pa?"

Umiling si Aliana sa tanong nya at sumandal sa sofa. Kabuwanan na nito at syempre bawal nang kumilos ng kumilos. Si Ava ang naging abala sa Craft Shop at binibisita din naman ni Patricia kapag kailangan.

Sa susunod na linggo, plano nyang bumisita sa Mama nya. Doon din ata manganganak si Aliana kaya sasabay nalang sya.

"Itaas mo paa mo." Aniya.

"Mas matindi ka pa kay Allen, luv."

"Aba dapat lang." Naupo sya uli sa sahig at binalikan ang ginagawa nyang crochet. "Kailan ba uuwi yun?"

"Baka mamaya."

Matapos nyang makagawa ng ibang crochet, nakatulog si Aliana sa panunuod sa kanya. Binilin nya ito sa mga bodyguard bago sya naglakad papunta sa Craft Shop. Nahalina pa sya sa ganda ng dagat.

Dinaan nya ang mga crochet sa shop at binilin kay Ava, nandoon din ang kapatid nitong si Nell bago sya lumabas. She walked towards the Yatch and took a peek inside. Papauwi palang si Wright ngayon. Kaso di na nya napigilang sumulyap na baka nandoon na iyong lalaki.

"Looking for me."

Napasinghap sya at muntik pang mahulog sa tubig. Wright was fast enough to grabbed her waist.

"Bakit ka ba nanggugulat?"

"Why are you sneaking in?"

"Kailan ka pa umuwi?"

"Just an hour ago. I was about to text you."

Naputol ang kung ano mang sasabihin nito nang may babaeng sumulpot. Napabitaw sya kay Wright.

"Wright, I need to go. Thank you."

"Sure Leila. Ingat."

Sumulyap sa kanya iyong Leila bago tumalikod. Sinundan nya pa ng tingin iyon kundi lang hinarang ni Wright ang sarili.

"Sino iyon?"

"She's a business partner."

"Bakit nandito?"

Umangat ang gilid ng labi ni Wright bago humakbang palapit sa kanya.

"Hindi ako nagseselos." Mabilis nyang sabi.

"I'm not saying anything."

She purses her lips, binuhat sya ni Wright at pumasok sa loob. They ended up in the couch, kissing. Gumapang ang kamay ni Wright sa gitna nang hita nya pero mabilis nyang hinawakan iyon. Then she shooked her head.

"Meron ako." Mahina nyang sabi.

Hinawakan pa din ni Wright iyon para icheck, at nang nadama ay bumuntong hininga at umalis sa ibabaw nya.

"How's crochet, baby?"

"Still a crochet." Sagot nya at pinanuod ang marahang pag upo ni Wright. "I'm sorry..."

"For what?"

"We can't have ugh..."

"No worries. I'm just sleepy."

Tinap nya ang hita, wala namang dalawang isip na humiga doon si Wright at hinawakan ang kamay nya.

"If I asked you to live with me now? Will you consider it?" Anito.

"Huh? I mean, are you sure?"

"I am sure."

"Hindi ba parang mabilis, Wright?"

"Then we'll get married."

"Ayan ka na naman sa kasal."

"I wanted to. Can't you read between the lines, baby? Of course, I'm offering this because I fucking love you." Paos na sabi ni Wright. "Naiintindihan mo ba?"

Island Series: Patricia TanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon