Chapter Twenty Eight

527 16 5
                                    

Chapter Twenty Eight

Natigilan sya pagtapik sa pisngi ni Wright nang maamoy nya ang alak dito. Umurong ang luha na dapat ay babagsak sa mata nya.

He groaned and slowly open his eyes. Lumayo naman si Patricia at lihim na pinagalitan ang sarili kung bakit sya umakyat pa dito sa yate.

"Patricia?"

"I-I just..."

"Why are you here?"

"Nakita k-kasi kitang nakahandusay dito. Akala..."

Mariing sinapo ni Wright ang ulo.

"You reek of alcohol."

"I just wanted to forget you." Mahinang sabi nito. "You can leave."

Hindi na sya umimik at kinuha na ang box nya para umalis na sa yate. Kagat kagat nya ang labi. Sa Craft Shop sya dumiretso at naupo sa gilid.

"Miss Pat? Okay ka lang?"

"Ha? Ah, oo."

"Magha-half day kasi ako, nakapagsabi na ako kay Ma'am Aliana."

"Okay lang, walang problema."

Pinilig nya ang ulo para mawala sa isipan nya si Wright.

"Ano ba yan! Wala na kami diba?"

Sya na ang napwesto sa cashier nang makaalis si Ava. Ngumuso sya nang lumabas ang isang customer, and she decided to clean the Craft Shop. Mukha kasing hindi nililinis ni Aliana at puro gabok na.

The bell above the door rang, ang bilis nyang sinilip kung sino iyon. And she saw Shinubo's smirked.

"Hey,"

"Ba't napadpad ka dito?"

"Bawal na ba ako dito?"

"W-wala akong sinabi." Pairap nyang sagot.

Shinubo chuckled and walked behind her.

"Ako na jan. Asan iyong may ari?"

"Nagpa-check up." Inabit nya iyong feather duster kay Shin. "How are you, Shin?"

"Doing good. But I still needed this vacation."

"How's Adie?"

Hindi sumagot si Shinubo kaya siniko nya ito.

"Alam mo, kunyari ka pa!"

"Why so nosy?"

"Just curious."

Inakbayan sya ni Shinubo at ginulo ang buhok nya, hinampas nya ang mukha nito. Natigilan sila ng bumukas ang pinto. Seryosong mukha ni Wright ang nakita nya.

"Perez?" Ani Shinubo.

"Kilala mo?"

"I know everyone, Pat."

"Bitawan mo ko." Inis na lumayo sya kay Shinubo.

Pinasadahan sila ng tingin ni Wright bago tumalikod palabas, Shinubo scoffed.

"Divorced na kayo diba?"

"Umalis ka na nga dito."

Umiling iling pa si Shinubo bago sya iniwan doon. Wala naman na syang pakialam sa dalawang iyon at inabala nalang nya ang sarili sa Craft Shop.

--

"Bulaga!!"

Humagikhik si Haven at pumalakpak. Aliana is busy cooking for their dinner, nasa labas daw si Allen.

"Bulaga!"

Mas lumakas ang hagikhik ni Haven kaya pinunasan nya ang laway nito. She was exhausted with the works and such pero noong nakita nya si Haven, nawala pagod nya.

Island Series: Patricia TanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon