Chapter Twenty Six

471 18 1
                                    

Chapter Twenty Six

"Wala kanang ipapabili?" Tanong ni Patricia habang pinapasadahan ng tingin ang listahan.

"Wala na." Sagot naman ni Aliana.

"Okay, ako na bahala dito."

"Dalhin mo yung golf cart."

Nag okay sign sya sa kaibigan bago pinisil ang pisngi ni Haven.

It's been one month, pero wala pa ding bumabalik na annulment paper sa kanya. She was slightly pissed off with Wright. Hindi nya kasi alam kung ano pa bang gusto nito. As far she know, kinausap na ito ng Papa nya. Sabi ni Allen on time.

Tahimik syang nagmaneho papuntang bayan ng boracay para mamili din. Personal na ginagawa ni Aliana ito pero dahil nalaman nilang buntis uli ang kaibigan, sya na ang nag presinta. She almost rolled her eyes when she saw Wright a few blocks away from her. Isa pa ito sa kinaiinisan nya, hindi sya tinatantanan nito.

Ayaw na nga nya ientertain itong nararamdaman nya kasi hindi dapat! Wright made her stupid with her decision.

Binalewala nya iyon at sinimulan nang bilhin lahat ng mga nasa listahan ni Aliana. Ngayon lang sya halos nakalabas ng Isla para pumunta sa bayan, madaming mga regular na mga tindahan din dito. Naiiba lang dahil malayo ito sa siyudad. May wet market doon at mga iilang groceries. Meron ding mga resto bars doon.

Narinig nya ang hagikhikan ng mga tinderang babae nang dumaan si Wright doon. Umismid nalang sya at ngumiti kapagkuwan sa binilhan nya ng mga gulay.

"Hindi ka napapagod?" Tanong nya ng hindi nililingon si Wright.

Hindi ito sumagot at seryoso lang na nakatingin sa kanya.

"Iyong annulment papers. Mag iisang buwan na." Mahina nyang sabi.

Tinulak nya ang push car sa mga diapers.

"Baka gusto mong pirmahan na."

Sinilip nya si Wright dahil hindi pa din ito umiimik. Napanguso sya at inabot iyong diapers pero mabilis na nasungkit ni Wright iyon.

"Hindi ko kailangan ng tulong mo."

"You were tough huh?"

"Ikaw ba naman lokohin at paikutin." Bubulong bulong nya.

Nagbayad na sya ng mga binili nya at binuhat iyon, Wright carry all of them.

"Ako na! Kaya ko."

"Your arms were thin, Patricia."

"Kaya ko na nga eh! Bakit ba ang kulit mo!" Nakakadama na sya ng inis dito. "Umalis ka na nga! Hindi naman kita kailangan."

Tahimik na binitawan ni Wright lahat ng mga plastic, hindi nya nilingon ito at binuhat ang mga iyon. Nangingilid na ang luha sa mata nya nang paandarin nya ang golf cart.

"Something happen, Luv?"

Umiling sya at isa isang nilabas ang mga pinamili sa plastics. Bumuntong hininga sya.

"Patricia.."

"I saw Wright today."

"You saw him everyday, what's new?"

"Iniisip ko kung bakit hindi nya pa pinipirmahan iyong annulment."

"Ano ba daw sabi nya?"

Hindi sya agad nakasagot. Hinarap sya ni Aliana at tinaasan ng kilay. She sighed and a tear fell from her eyes, mabilis nyang pinunasan iyon.

"A-ano daw... Mahal n-nya ako." Nababara na ang lalamunan nya. "Pero hindi ako naniniwala, pagkatapos ng lahat ng sinabi nya."

"So, why are you crying?"

Island Series: Patricia TanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon