Chapter Eighteen
Hindi pa lumalabas ang doktor simula nang ipasok nila ang Mama nya sa emergency room. Panay na kinakagat ni Patricia ang mga kuko nya dala din ng kaba. Nakaupo sa harapan nya ang Papa nya, tulad nya ay kita din ang kinakabahan nitong mukha.
Akmang iimik sya ng bumukas ang pinto ng ER at lumabas ang doktor. She immediately stood up.
"Kayo ba ang pamilya ni Aira?"
"Ako ang anak nya." Sinapawan nya ang Papa nya sa pagsasalita.
Tumango ang doktor sa kanya at sumulyap sa likod nya.
"At sya ang asawa?"
"Kamusta na po ang Mama ko?"
Marahang kinamot ang doktor ang kamay nito at inalis ang gloves na suot.
"Alam mo na ba ang tungkol sa sakit ng Mama mo, hija?"
Kumurap sya. "H-hindi po. Wala pong nabanggit si Mama."
"Siguro alam ng asawa nya, nang ama mo. Mister Tan?"
Tumikhim ang Papa nya.
"Her lukemia is now on stage 4. Hindi ko alam kung nagpapatreatment ang Mama mo dito, pero dahil sa nangyari, siguro hindi or hininto nya."
Hindi pa agad nagsink in sa utak nya ang sinabi ng doktor sa kanya. Bakit hindi nasasabi ng Mama nya ang sakit nito sa kanya?
Madami pang sinabi ang doktor pero halos hindi na nya masundan, ang Papa nya ang sumalo ng mga iyon. Narinig nalang nya na nailipat na ang Mama nya sa isang kwarto doon. Nang makaalis ang doktor, napasandal sya sa pader at huminga ng malalim. Hindi sya pwedeng atakehin ng sakit nya, kailangan sya ng Mama nya ngayon.
"Patricia, anak..."
"You knew about this?"
Matagal bago tumango ang Papa nya sa kanya, napasinghap sya at pinigilan nyang umiyak. Bakit hindi sinasabi ng Mama nya sa kanya? Dahil ba sa sakit nya?
"Sinabi ko naman sa Mama mo na dapat alam mo ang tungkol dito, ayaw na daw nyang dumagdag sa iniisip mo."
"Iniisip??? Wala akong iniisip, nagsisikap ako para sa aming dalawa dahil ayoko humingi ng tulong sayo!"
"Anak, hindi ito ang tamang oras para jan, kailangan tayo ng Mama mo."
Nanginginig ang tuhod nya sa lahat ng narinig sa doktor ngayon, gusto nyang umiyak pero natatakot sya. Marahan at dahan dahan syang hinawakan ang Papa nya sa braso nya para siguro alalayan sya maglakad.
"Kapag nakapasok tayo sa kwarto ng Mama mo, huwag mo sanang ipakita na nasasaktan ka sa nalaman mo, anak."
"Anong gusto mong gawin ko? Hayaan si Mama?"
"Iniisip ko lang ang kalagayan mo."
Hindi na sya nakipagtalo, gusto nalang nyang masiguro ang kalayagan ng Mama nya ngayon. Binuksan ng Papa nya ang pintuan, agad na bumungad sa kanya ang nurse na chinecheck ang Mama nya na taimtim na natutulog sa kama ngayon.
Patricia bit her lower lip as they step inside the room. Tumungo ang nurse sa kanila. Pinisil ng Papa nya ang braso nya at pinaupo sya sa isang mono block chair doon. She sighed and stared at her mom.
"Palagi nyang iniiisp ang mangyayari sayo kapag nalaman mo, ayaw nyang masaktan ka,'
Patricia scoffed, "Ano bang nangyari? Nasasaktan pa din naman ako diba."
"Masyado na kitang nasaktan, Patricia. Alam kong ganito ang magiging reaksyon mo once na malaman mo nga." Bumuntong hininga ang Papa nya. "Bibili muna ako ng makakain at kukuha ng gamit nyo."
BINABASA MO ANG
Island Series: Patricia Tan
RomanceOne simple moment in an Island that turns into something special. Leads them to made a decision withouth double thinking. Makakaya ba ni Patricia na sumabay sa bilis ng takbo ng buhay nya nang dumating sa kanya ang isang taong hindi nya inaasahan? O...