CHAPTER AHEAD ON PATREON
www.patreon.com/officialwhosthatgirl
------Pagkalabas pa lang ay may huminto nang isang itim na Crosswind sa harap at isang lalaking nag bukas nang pintuan para sa'min. Binitawan ako ni Randal at pinaunang pumasok sa loob nang sasakyan pagkatapos ay saka siya pumasok at isinarado ang pintuan.
Nilingon ko siya ngunit ang mata niya ay nanatiling nakatingin sa kalsada. Ang kaninang nag bukas nang pinto ng kotse para sa'min ay siyang naupo sa passenger seat at isang driver. Niluwagan ni Randal ang necktie na suot pagkatapos niyang ibaba sa pagitan namin ang bag ko. Ramdam ko ang galit at tension sa kanya na kahit na nakatutok na ang aircon ay parang sobrang init pa rin sa loob nang sasakyan.
"How did you get there?" Mahinang tanong ko pagkatapos nang ilang minutong katahimikan sa pagitan naming dalawa.
Napag tanto kong hindi niya ako kakausapin kaya ako na ang naunang nagtanong. Tumaas ang kilay niya nang bumaling siya sa'kin bago bumuntong hininga. Pilit pinapakalma ang sarili sa galit at frustrations. Nag iwas siya nang tingin at para bang pinipigilan ang sariling mag salita agad dahilan para umigting ang kanyang panga.
"We'll talk when we got home," Aniya sa isang mababa at galit na tono.
I nodded at him kahit na hindi naman siya naka tingin sa'kin. Isang buntong hininga muli ang pinakawalan niya bago utusan ang driver na dumaan muna sa isang malapit na restaurant para umorder dahil mukhang hindi pa rin siya kumakain nang tanghalian katulad ko. Tahimik ang buong byahe pauwi sa unit niya. Panay naman ako sa sulyap sa kanya kahit na ang bawat tingin ko ay iniiwasan niya lang. Hinawakan ko ang kamay niya. Bumagsak ang tingin niya 'ron kasabay nang pag igting ng panga niya na para bang isang malaking hirap sa kanya ang hindi pag pansin sa'kin.
Hanggang sa elevator ay tahimik pa rin siya. Nawala na lang ang dalawang tauhan na kasama nang pumasok na kami sa mismong unit niya. Agad ko siyang nilingon pagkatapos kong ibaba ang bag sa sofa at naabutan ko siyang nakatingin sa likod ko habang nag huhubad ng coat jacket niya.
"I-I'm sorry if I..." Nabitin ang sasabihin ko nang tingnan niya lang ako at lagpasan para pumuntang kusina. Umawang ang bibig ko sa ginawa niya.
Sinundan ko siya at naabutan ko siyang hinubad na ang button down shirt na suot saka 'yon inilapag sa likod ng isang upuan at dumiretso sa ref para ilabas ang isang pitcher na may laman na malamig na tubig. Nilingon niya ako gamit ang galit na mga mata bago ako muling supladong tinalikuran para kumuha ng baso. Nilagyan niya 'yon ng tubig saka iniabot sa'kin ang isa pagkatapos ay saka siya kumuha pa ng isa pang bagong baso saka 'yon nilagyan muli ng tubig at ininom ng diretso hanggang pang kalahatian niya 'yon.
"Why are you so mad?" Hindi ko na mapigilang tanong. Wala naman akong ginagawang mali. I want to ask and everyone is not talking to me. Si Vince lang ang naisip kong tanungin ng mga nangyayari na nagkataon naman na wala rin palang balak makipag usap ng mayos sa'kin.
Nilingon niya ako pagkatapos ibaba ang baso. Umangat ang kilay niya sa'kin, "Let's talk later," Bago ako muling tinalikuran at lumabas ng kusina.
Hindi naman dapat ako mairita pero sa kilos niya, parang mas gusto niyang mainis ako para parehas kaming dalawa. I wanted to talk to him now! Dahil kung hindi, ayoko naman mawala sa isip ko ang lahat ng tanong at mga iniisip dahil lang hindi kami nakapag usap nang maayos ngayon!
I marched behind him, angry and frustrated.
"Why not now? I want to talk now!"
Napatigil siya kasabay nang paglingon sa'kin. Nagulat siya sa ginawa ko.
Mariing titig ang ipinukol niya sa'kin, "I'm angry! I don't want to talk to you while I am!"
And what he said fueled my anger, too! Hindi ko ata kayang hindi mas magalit kapag galit siya. Ah! You're angry, Del Franco? Well, guess what? I am, too! Ang hindi ko kasi maintindihan ay kung bakit sobra ang galit niya sa isang bagay na hindi naman dapat ikinagagalit! I understand his sentiments about my safety, kaya nga sa isang restaurant ako nakipag kita hindi ba?
BINABASA MO ANG
Bad Boy Series 4: Stripped
General FictionFormer Ways To Tame the Bad Boy (Read the full story on Patreon.) Kasja Angelica Dela Vega is bound to marry Vince Guevarra. That's a promise that needs to be done. Ngunit hindi gaya ng inaasahan, they both keep on making mistakes just to keep the w...