Episode 11

609 18 5
                                    

Familiar na sa'kin ang ganitong klase ng sakit nang ulo. Nang maramdaman ang pag pintig nito ay hindi ko na din ginusto pang idilat ang mga mata ko. Itinuloy ko na ang tulog ngunit hindi pa halos lumalalim ang tulog ko ay nakaramdam na agad ako nang gutom.

Iritable at masakit ang ulo, dahan dahan akong naupo habang nag uunat at nag kukoskos nang mga mata. Alam ko kung anong klaseng alak ang ininom ko kagabi ngunit hindi ko man lang pinigilan ang sarili. Natulala ako habang naka titig sa puting cabinet sa'king harapan.

Napailing na lang ako habang inaalala ang mga kagaguhan na ginawa ko kagabi saka nag pasyang iligo ang hang over na nararanasan ko ngayon. Malamig na tubig ang iniligo ko. I stayed under the shower for about fifteen minutes bago na ako tuluyang naligo at pagkatapos ay lumabas.

Minamasahe ko pa ang ulo habang naglalakad pababa nang hagdanan nang makasalubong ko si Randal na paakyat naman. Kunot ang kanyang noo habang naka titig sa'kin. Kumunot din ang noo ko sa kanya.

"Kumain ka na. Handa na ang tanghalian." Aniya bago ako tinalikuran at muling bumaba nang hagdanan

Napa irap ako. Tignan mo 'tong lalaking 'to. Nagsusungit kahit wala naman akong ginagawa sa kanya. Isa pa, siya nga ang may kasalanan sa'kin dahil hindi niya ako inuwian kagabi tapos ngayon siya pa itong attitude?

Sumunod ako sa kanya pababa hanggang makarating kaming kusina. My nostrils automatically filled with a delicious smell. Sa lamesa naka handa na ang pagkain pati na din ang malinis at eleganteng pagkakaayos ni Randal sa lamesa. Mabilis akong naupo bago naglapag si Randal sa'king harapan nang isang mug na may laman na mainit na kape.

Hindi ko na siya pinansin at mabilis na kumuha nang pagkain. I'm really hungry! Galit galit na lang muna. Ngayon kung wala siyang balak kausapin ako, wala din akong balak! Hindi ako magpapatalo sa kanya! Tandaan niya, may kasalanan pa siya sa'kin at talagang kapag binadtrip niya ako ngayon ay ihahampas ko 'tong plato ko sa ulo niya.

Ramdam kio ang titig niya habang kumakain ako. I don't bother looking at him dahil busy ako. Mamaya niya ako kausapin.

"Dahan dahan," He said before putting down a glass of water in front of me.

Kinuha ko iyon bago ininom. Bumagsak ang mata ko sa plato niya. He's done eating. Kumain ba siya? Hindi ko napansin. Nagkipit balikat ako sa kanya bago pinagpatuloy ang pagkain.

"Since you are very drunk last night; I didn't get a chance to talk to you regarding the contract that we talked about."

Napatigil ako at tumingin sa kanya, "Pagkatapos mo akong pag antayin maghapon kahapon parang kasalanan ko pa ngayon na hindi tayo nakapag usap?"

Kumunot ang noo niya sa sinabi ko, "I told you that I'm not sure what time I'm gonna be home."

"Ang sabi mo," Tumaas ang kilay ko sa kanya bago inilapag ang kutsara na hawak ko, "Uuwi ka nang maaga dahil wala akong kasama dito." Saad ko bago umirap sa kanya at nagpatuloy sa pagkain.

Sa bawat subo ko ay para akong masusuka dahil sa hang over ko. Sandali akong tumigil sa pagsubo at muling umangat ang tingin sa kanya. He's watching me very intently. Tumaas ang kilay ko sa kanya bago uminom muli nang tubig.

Napa iling siya saka umiling sa'kin, "Why did you drink that?"

"Wala kang pake."

Dumilim ang titig niya sa'kin at umigting ang panga sa inis. I smirked at him para mas lalo siyang mairita. Maramdaman naman niya yung inis na naramdaman ko kahapon. Hindi na siya nagsalita pa. Tinapos ko na lang ang pagkain saka nag timpla nang kape.

Lumabas ako habang nagkakape. I need this to mend my hangover or at least mabawasan ang sakit nang ulo ko. Napa lingon ako kay Randal nang maupo siya sa katabing upuan. Naka simangot na naman habang nakatingin sa'kin.

Bad Boy Series 4: StrippedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon